Habang nagluluto pa ng ibang order pumasok si Donna sa loob ng kusina at ngumiti sa akin. "Palit na tayo?"

"Kaya pa, doon ka na kay Sorrel. Nagtatampo sayo yun nakaraan." I said.

"I told him na. Naintindihan niya na need ko din magtrabaho." Sabi ni Donna at ngumiti. "Ang bilis niya lumaki."

"Dagdagan niyo."

Natawa siya. "Saka na. Sabay na lang tayo."

Tumawa ako. "Akala mo naman makakapag-anak pa ako."

Magsasalita pa sana si Hetta nang may biglang pumasok sa kusina. Ang isang waiter dito. Hinanap nito ang mata ko at lumapit sakin bigla.

"Ma'am, gusto po kayo kausapin ng isang table po doon." Sabi nito.

"Sino doon?" Donna asked.

"Yung may kamukha niyo po." Sagot niya. I instantly knew who it was.

"Pakisabi na lang--"

"Ako na lang lalabas." Sabi ni Donna.

Mabuti nandiyan siya. Ayoko pa makipagkita pa kala Celestaire.

Mas nakakagulat pa ang mga susunod na nangyari. Nasa isang cubicle ako, I did my business when I heard someone came in. I did a peek and saw it was Celestaire, kabado ako at hindi ko alam gagawin.

Nakakagago na biglang tumunog phone ko. It was Priston. Agad ko pinatay at tinext. Nakakabwisit pa na may sound ang bawat type ko. Pambihira.

After that day, umalis na kami sa resort. And had a busy day in the restaurant, because may kumuha ng catering service. We were all busy at palpak pa na may naiwan ako sa bahay.

Bumalik pa kami ni Emman para kunin iyon. Pwede naman ako magdrive kaso license ko nga nakalimutan ko. Nang makuha ay dumaan pa kami ng convenience store. I thought things will go well, but I didn't expected seeing her this close.

Nagulat ako na makita si Iya sa harap ko. Mabuti talaga na hindi ko napakita ang gulat dahil she'll assume.

"Ikaw ang ate ko. My twin sister to be exact." Sabi niya sa akin.

I was holding back everything. I don't want to let her know, I'm alive. Ayoko na masaktan at mapahamak siya dahil sa akin. Kaya gusto ko talaga wag kami magkita dahil mabilis ako lumambot lalo na kakambal ko siya. Gusto ko umiyak at sabihin miss ko na siya kaso hindi pwede mahirap na kailangan kong gawin ito.

Umalis din ako agad. Ayoko tumagal doon, but I didn't expected them to follow me. I was cursing beneath my breath because they are here in front of my restaurant now.

"Wag mong papapasukin ang kamukha ko." Sabi ko sa sekyu.

Naguluhan pa ito ngunit agad ako pumasok sa loob at huminga ng malalim. Kinabahan ako ng sobra. Hindi ko alam gagawin ko.

"Hindi naman po kami manggugulo!"

Narinig ko ang sigaw ni Iya. I let out a sigh and looked at my customers. May mga nakatingin sa labas mukhang inaalam bakit may nagiiskandalo sa labas.

I inhaled my breathe. "Just pretend, Celine."

Naglakad na ako para harapin na sila. Naroon si Emman kumakausap sa kanila. Mukhang hindi din niya alam ang gagawin.

"No! Please, Mr. Balderama. 2 minutes, please. I'm begging you, let me speak to Celine." Naawa ako sa sinabi ni Iya.

She's desperate. I wanna blame myself for being like this to her. I didn't want to, but I need to do this.

Forget YouWhere stories live. Discover now