CHAPTER 19

339 10 0
                                    

Dahil hindi naging maganda ang lasa  ng niluto ko, Edi Ayun minabuti ko nalang mag-order ng Baked Mac at Pizza's.

I hate cooking talaga.

Bakit kase walang katulong ang bahay ng lalaking yun. Pero hindi naman kalakihan ang bahay sakto lang ang laki para sakanilang dalawa.

Nang dumating na yung inorder ko agad kami kumain ni Vincent.

"Mommy lets go to the mall!"

"But..."

"Please Mommy!"

Pangungulit niya sakin hanggang natapos kaming kumain.

nasa living room kami at nakatayo-tayo pa siya sa sofa.

"Hindi pwede."

"But why?"

Pagmamaktol nito habang nakanguso pa siya but he's cute.

" Kase baby wala pa yung daddy mo!  Baka magalit siya." kalmadong sabi ko dito.

Ayaw ko naman pangunahan magiging desesyon ni Luke lalo na siya ang ama ng bata. Baka kung ano mangyare sa anak niya sisihin pa niya ako.

"Okay! I gonna call my dad!" Seryosong sabi nito sabay talon niya pababa ng sofa. Nagulat naman ako ng may kinuha siyang cellphone sa bulsa ng short niya.

Napangat ako ng tingin ng kalikutin na niya ang cellphone halos mamangha ako dahil sa edad palang niya ang galing na niya gumamit nito.

Ano bang klasing bata siya.
Kung sakaling magkakaanak man ako gusto ka tulad ni Vincent kahit medyo pilyo napakatalino naman nito.

Pinagmamasdan ko lang ito habang tinatawagan niya ang daddy niya pero nakakailang tawag na siya pero hindi man lang ito sinasagot. At mukang busy yata ... kaya siguro hindi niya sinasagot.

Malungkot na binaling ni Vincent ang tingin sakin at pakiramdam ko mukang iiyak ito. Mabilis ko naman ito nilapitan. Umupo ako sa harap niya upang magpantay kami.

"Don't cry baby!" pagpigil ko dito at saglit kong dinikit ang hintuturo ko sa labi niya.

"But mommy I want____

Agad kong pinutol ang sasabihin niya nang sa tono ng boses niya ay paiyak na ito.

"Okay baby pupunta na tayo sa mall." Na sabi ko nalamang upang hindi ito umiyak.

Pakiramdam ko mukang napasabak yata ako. Isang beses ko na nakitang ganito ang nangyare kapag hindi nasunod ang gusto niya gagawa siya ng paraan upang makuha niya.

Pilyong bata...

"Are you sure mommy?" sambit nito at mabagal siyang ngumiti.

Napatungo nalang ako bilang pagsang-ayon, agad naman niya akong niyakap saking leeg.

"Thank you mommy!" Masayang bulong nito.

Ilang saglit lang ay umalis narin kami dahil wala naman akong sasakyan ng taxi nalang kaming dalawa papuntang mall. Buti nalang talaga  dala ko yung wallet ko, kung hindi baka maglakad kami at gabi nakami makarating ng mall. Mukang malayo pa naman yata.

Nang makarating kami nauna siyang lumabas ng sasakyan. Mabilis ko naman inabot ang bayad kay manong sabay labas ng taxi.

"Ma'am sukli niyo po!" pahabol na sabi nito bago ko sarahan ang pinto.

"Okay na po, Just Keep the change!" Nakangiti na sabi ko rito. Nakangiting tumungo sakin si manong ng sarahan ko ang pinto.

Nakita ko naman papasok na sa mall si Matthew kaya agad akong tumakbo palapit sakanya. Mahirap na baka mawala pa to sa mall at maghanapan pa kami.

Doctor RomanceWhere stories live. Discover now