CHAPTER 10

501 14 0
                                    

Luke's POV

She looked like a dream...

Mestisa ito, mahaba ang itim na buhok na naka-ponytail at friendly ang mga matang light brown ang kulay. Matangos ang ilong nito. Pero  napahinto nalang ako ng dumako ang tingin ko sa labi nito, manipis ang labi niya at nakakaakit kung ngumiti.

"D-Doc Lu-luke?!" nauutal na sabi niya

Tinulak niya ako upang mapalayo ako sa mukha niya at doon ko na realize ang ginawa ko. Napamura nalang ko sa isip ko. Ano ba ang pumasok sa isip ko at nagawa ko ang bagay na yun.

Weird...

Inayos ko nalang ang upo ko at sinimulan ulit magmaneho.

"Saan ba kita ihahatid?" Tanung ko dito at dumako ang tingin ko sakanya. Sakto naman nakatingin ito sakin, subalit mabilis siya umiwas.

"EVV coffee shop." agad na sagot niya habang nasa malayo ang tingin.

Gusto ko pa sana malaman bakit doon, ngunit mas minabuti ko nalang tumahimik.

Nang makarating kami sa sinabi niya agad kung hininto ang sasakyan. Lumapit naman ako sakanya para kunin si Vincent. Subrang himbing ng tulog nito.

"Mommy.." sambit pa nito

Nakita ko kung paano ngumiti si Eunice at hinalikan pa niya sa noo bago siya lumabas sa sasakyan.

Hindi ko masisisi ang anak ko kung ganon niya tratuhin si Eunice.

Alam ko sabik siya sa kalinga ng isang ina. Na matay ang Mama niya noong pinapanganak palang ito. Ilang buwan ko, bago ko nalaman, dahil sa isang liham na iniwan nito. Noong una hindi ako naniwala. Pero dahil sa isang DNA na nagsasabi na anak ko talaga ang bata.

Yung gabing lasing na lasing ako dahil halos mabaliw ako kakahanap kay Eunice, May nakilala akong babae sa bar, akala ko si Eunice yun. Dahil sa subrang lasing ko siya yung nakikita ko. At hindi ko alam may nangyare saamin noon at na gising ako na wala siya sa tabi.

Inayos ko ng higa ang anak ko sa backseat. At bago ko inistart ang sasakyan. Saglit akong napatingin sa coffee shop na pinasukan niya.

"See you tomorrow." Bulong ko sa hangin.

CYRUS POV

Habang hinihintay ko gumising si daddy, dahil hanggang ngayon wala parin siyang malay. Sabi naman ng doctor, okay naman siya kailangan lang ni dad nagmahabang pahinga.

Bigla ko naman naalala yung nakita ko kanina. Napahawak nalang ako sa ulo ko sabay iling.

Napaangat nalang ako ng tingin sa pinto ng bumukas ito. Akala ko si Mom pero ang hindi ko inaasahan si Patrice ang bumungad sakin.

Tiningnan ko to mula paa hanggang ulo. Sa suot niya halos makita na ang kaluluwa niya at sa kapal ng make-up niya pwede na siya magpatayo ng pabrika.

"What are you doing?" singhal ko dito.

"Bakit ganyan mo ako tratuhin. Baka nakakalimutan mo fiance mo ako!" 

Natawa nalang ako sa sinabi niya.

Pinanindigan talaga niya na fiance ko siya. Nasisiraan na ba siya ng ulo, baka hindi siya makaintindi na wala akong gusto sakanya at wala akong balak magpakasal sa tulad niya.

"Oh come on Patrice !Hindi ba malinaw sayo. Hindi kita gusto at ayaw ko magpakasal sayo." Natatawang sabi ko rito subalit ngumisi lang ito sakin.

"Cyrus nakakalimutan mo ba kung gaano kalaki ang utang Mom mo sa_____

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at agad akong sumingit.

"Baka nakakalimutan mo rin ang mommy ko yung may utang sainyo at hindi ako. Can you please get out."

Iimik sana siya na agad ko siyang sigawan.

"I SAID GET OUT!" galit na sigaw ko.

"Ano ba dapat gawin ko para mahalin mo ako. Cyrus mahal kita."

Halata sa mga mata niya na paiyak na ito subalit napasinghap nalang ako.

"Hindi ko kailangan ng pagmamahal mo. Beatrice, hindi ako nababagay sayo. Umalis ka na hanggat hindi pa ako lalo nagagalit sayo."

"Pero Cy.....

"Patrice,umalis ka na please!"

"ALIS NA!!"

Napasigaw na naman ako sa galit. rinig ko naman ang pagbuntong hininga nito.

Padabog naman  itong lumabas at malakas pa niyang binalibang ang sara ng pinto. Napahilamos maman ako ng mukha.

fuck...

Matalik na kaibigan ni Mom ang Mama ni Patrice. At pinagkasundo kami ipakasal kahit ayaw ko sa babaing yun.

Isa lang naman ang gusto ko pakasalan ang batang babaing nakilala ko noon na half sister ni Patrice. si Vela, she is my first love.

Nalungkot ako noon ng malaman ko lumayas ito sa bahay nila. Hinanap ko siya subalit nabigo ako, hindi ko siya natagpuan.

"Asan na kaya siya? Naalala pa kaya niya ako?" Napabuga nalang ako sa hangin.

I miss you Vela...

Please come back to me...

EUNICE's POV

Nagising nalang ako sa sikat nang araw na nagmumula sa bintana ng office ko.

Napabangon nalang ako sa lakas ng katok sa pinto ng office ko.

"Ate Eunice may naghahanap po sainyo!" boses ni Mona mula sa labas ng office.

"Mommy.." rinig ko naman boses ni Vincent.

Halos magulat ako.

Teka!

Mukang nalimutan ko yata..

"Just give me a minute. I'll be right down." sabi ko.

Hindi ko na hinitay ang sagot nila. Patakbo ako papunta sa banyo para maligo. Mabilis akong naligo at ng ayos ng sarili. Simple lang ang sout ko, naka pink t-shirt at nakapantalon.

Pagkatapos ko agad kong binuksan ang pinto at bumungad sakin ang mukha ng dalawang mag-ama at wala na don si Mona

Sorry medyo maiksi ang chapter10, mejo inaantok na kasi ako😂😅 Time check✔️ 9:17pm. But just enjoy mga beshy💗

Doctor RomanceWhere stories live. Discover now