1. Bintana

3 1 0
                                    

August 6, 2023
8pm

Sana mag kasakit ka, maging pwd ka sana, sana di ka na makaka kita, o kaya makarinig pwede ring wag nang makapagsalita. Yung rj nga yun maghapon nasa taas wala kang sinasabi, okay lang para sayo pero kung ako siguro yun sasabihan mo na ko ng senorita, grabe na siguro galit mo sakin. Nag sm lang naman kayo, ano siya pagod kaya natulog!! Eh mas pagod pa nga ako sa kanya eh, pero ako bawal matulog dba kasi magagalit ka, wala naman siyang ibang ginagawa dito sa bahay, ginagawa lang niya mag hugas ng pinggan pagka tapos nun maghapon nag seselpon pero okay lang sayo. Ako nga nagseselpon lang naman ako pag wala nang ginagawa kasi ayaw mo naman akong matulog kasi gigisingin mo naman ako agad kakahiga ko lang kaya wag na lang, tapos galit ka pa pag nagseselpon ako eh tapos na naman mga gawain ko ah. Parang di lang nasara yung bintana grabeh ka na makapagsalita ah, pati mama ko dinamay mo pa sa pang iinsulto mo sakin. Hindi mo talaga deserve respeto ko. Ang pangit ng ngiti mo, pangiti ngiti ka pa dyan, ang pangit, pangit pangit.

Grabeh talaga pagiging mabait mo sa kanya ah, sanaol pero wag na lang pala, ipagpatuloy mo lang yan, yan din naman gusto kong maaalala sayo, yang pagiging unfair, pang iinsulto mo sakin at sa pamilya ko, pangda down mo, dyan ka naman magaling. Akala mo naman perfect, eh mas madami pa ngang issue pamilya mo kaysa sakin kaya kung pwede lang tigil tigilan mo na yang pangengealam sa problema ng iba, pakialamanan mo kaya pamilya mo. Porket kasi mayaman kayo grabe pang lolook down mo, kung alam lang toh ng iba. Isa kang peke peke peke.

(Nagsimula lang naman ito dahil sa di ko nasara yung bintana, eh siya naman kadalasan nagsasara nun).

So ayun, kadalasan ng dahilan ng mga sama ng loob ko ay walang iba kundi si lola, siya naman lagi. Pero di ko siya totoong lola, lola lang tawag ko sa kanya kasi syempre matanda na siya.

My JournalWhere stories live. Discover now