Chapter Twenty Nine

Start from the beginning
                                    

"Just eat, Dianne." He answered.

Tumingala ako para pigilan ang pagpatak ng luha. Paano ako makakabitaw sa isang hawak na wala namang dahilan para bitawan? He just wanted out in this relationship.

Kumain kami nang tahimik. I didn't bother glancing at him dahil tiyak na kapag ginawa ko iyon ay maiiyak lamang ako. Tumayo rin kaagad ako matapos kumain, alam ko namang huhugasan n'ya ang pinagkainan namin. Dumeretso ako sa banyo para maligo. Nang matapos ay lumabas ako para pumunta sa closet ni Vyn kung nasaan ay naroon ang mga damit ko. Akmang kukuha na ako ng pajama nang mapatitig ako sa mga damit naming magkakatabing nakatupi sa loob ng closet. Malinis lahat at sama sama ang bawat katergoya, pambahay, pang tulog o pang lakad. Kumuha ako ng black pajama na meron din si Vyn para suotin. Pagkatapos ay kinuha ko ang luggage sa gilid.

Naninikip ang dibdib na kinuha ko ang mga damit at unti unting inilagay sa maleta. Sa bawat piraso ng nilalagay kong damit ay ang pagka punit ng kung ano sa loob ko. Parang pinipiga ang puso ko sa sobrang sakit. Ni minsan ay hindi pumasok sa utak ko na gagawin ko 'to. I was so assured that we will never end. But I guess,

"Dianne, are you do—" pumasok si Vyn sa walk in closet n'ya.

Naputol ang kanyang sasabihin nang makita ang ginagawa ko. "What are you doing?"

"I'm fixing my things, Vyn. This will be my last night in your house." Sabi ko at isinilid sa maleta ang huling damit.

Nang balingan ko s'ya ng tingin ay matiim lang siyang nakatitig sa akin. His eyes were bloodshot but he didn't even uttered a word. Am I expecting him to stop me? No. Because I know he wouldn't.

Lumabas ako ng walk in closet at naramdaman ko rin na sumunod si Vyn. I gather all my things, notebooks and books at inilagay na rin sa bag. Saglit pa akong napatitig sa picture frame na nakapatong sa bedside table ni Vyn pero kaagad ko rin binawi ang tingin. We look so happy and inlove there.

Muli kong tiningnan si Vyn na ngayon ay nakaupo na sa kama at pinapanood ako. Hindi ko alam kung anong nasa isip n'ya at ayoko na rin naman malaman.

Nang masiguradong nakuha t naipon ko ang mga gamit ay isinara ko na ang maleta at inilagay sa isang tabi.

"Can you do me a last favor, Vyn?" tanong ko kapagkuwan.

"What?"

"Can you hug me tonight till I fall asleep. Just. . pretend that you still love me. Just for tonight. Bukas paggising mo, wala na ako." Tumigil ako para huminga. "Wala na rin tayo."

Nung sinabi kong gusto ko lang masanay, it was a lie. Umaasa lang akong pipigilan ako ni Vyn kaya ako nagpapanggap na bumalik kami sa dati, pero ngayon narealize ko na hindi na. Hindi na n'ya ako pipigilan.

"Actually, Dianne I—" Napatigil s'ya sa pagsasalita sapagkat tumunog ang cellphone ko.

Mas malapit iyon kay Vyn kaya s'ya ang dumampot para ibigay sa akin. "It's Aldrich."

Pagkabigay n'ya ay agad siyang tumalikod at dumeretso sa Cr. Marahil ay para magligo. 

"Bakit?" Wika ko pagkasagot ko sa tawag.

"Ate, bakit for sale ang bahay? Binebenta mo ba?" tanong n'ya.

Kumunot ang noo ko. "Anong for sale?! Wala nga sa akin ang titulo!!"

"Ate, yung totoo?"

"Wala nga. Ano ka ba naman?! Teka, ano bang nangyayari dyan?" Tumaas ang boses ko.

"Ate. . Pumunta ako kanina don para bumisita, nagtaka ako bigla dahil may for sale na naka display sa harap. May mga possible buyers na rin na nag iinspection doon."

Love at First TouchWhere stories live. Discover now