Crossroads

21 1 0
                                    

Isa sa mga batas ng pasugalang ito ay ang mga dehado ang panalo pag-patas ang score o pag-tabla ang laban, ginawa nila ito para maraming tumaya sa dehado, ganito rin ang patakaran sa sabong, billiard o kahit ano pamang sugal na ginaganap sa lugar na ito at yoon ang dahilan kung bakit yumaman si ronald maraming na-eenganyong tumaya sa pasugalan niya dahil dito.

Kabado ang lahat sa paligid at halos hindi pinupunasan ang kanilang pawis dahil sa sobrang foccused sa panonood.

"Ito na ang huling parte!!" sambit ni ronald na hindi na makapag-antay na simulan ang laban.

"Tapusin na natin ito eneth!!" sigaw ni jun sabay sinimulan na nila ang huling segundo ng laban at pagka-inbound ni eneth ay agad na gumalaw ang natitirang 13 seconds ng oras at mabilis siyang lumusob papasok, kaso kaagad natapik ni jayze ang bola kaya mabilis niya itong hinabol at dinampot, at muling nagmadaling mag-drive at nag initiate ng contact na nagpa-usog ng kaunti jay jayze at nagkaroon sila ng saglit na agwat, sapat na espasyo na ito para makapag-layup si eneth sa kaliwa ngunit mabilis na nakarecover si jayze para tapalin ang bola "Wag kanang umasa ungok!!" ngunit nagmadaling mag palit ng direction si eneth gamit ang isa pa niyang step sa kanan at sabay inilipat din ang bola pakanan para sa right hand layup, ngunit mabilis lang itong nabasa ni jayze dahil sa bagal ni eneth at hindi pa ganoong bihasa o sanay sa pagawa ng euro step as a counter moves, nasupalpal ni jayze ang bola at halos tumalbog ito na parang spike ng volleyball sa lakas "Tapos na kayo!!" sabay ang pagkatumba ni eneth.

parang humiwalay ang kaluluwa ni eneth sa katawan matapos mangyare iyon "Naloko na matatalo na kami!!" sobrang bilis ng tibok ang puso niya na halos negatibong bagay nalang ang nasa isip niya sa pag ooverthink.

Biglang nagliyab ang determinasyon ni jun "Hindi ako papayag na matalo dito!! lalagpasan ko ang challenge na ito at magtatagumpay!!" pagpupumilit niyang unahan ang lahat sa bola at naabutan niya ito sa labas ng three point line at nagawang iwanan niya sa loob si boslong, libre na siya at akmang titira ng tres para ipanalo ang laban.

"Nakawala siya!!" sigaw ng mga tao sa paligid at napalundag pa sa kanilang kinatatayuan.

Pitong segundo nalang ang natitira at walang pag-sasayang ng oras na itinira ni jun ang bola "Panalo na tayo!!" sigaw niya at nagsaya lahat ang mga tumaya sa dehado dahil matitriple ang ipinusta nila pag-lapit ng bola sa ring ay lumandag silang lahat "Yes!! jackpot!!" ngunit bumagsak lahat ang kanilang panga ng tumalbog sa ring ang bola kinulang ang tira ni jun dahil pagod na ang mga tuhod niya.

Sa limang segundong natitira napalitan ng pagkadismaya ang pakiramdam ng mga manonood at napakunot noo at napasabunot pa sila sa kanilang mga ulo, ngunit bumagsak ang rebound sa free throw at inabutan ito ni eneth tatlong segundo nalang ang natitira at wala siyang bantay, nabuhayan ulit ang mga manonood at napalitan muli ng unti-unting saya ang pagkadismaya nila.

"Hindi pa ito matatapos dito, tutuparin ko ang mga pangarap ko!!" nangangalit na sambit ni eneth sa sarili.

sabay tumalon siya ng todo, pero biglang sumulpot sa harap niya si jayze at mabilis na naabutan siya sa ehre dahil mas mataas ang talon nito sa tulong ng kakaiba nitong physique at athleticism.

"Paapaanong?" pagkabigla ni jun na halos nanginig ang katawan sa sobrang kaba at nawala lahat ang pag asa sa pagmumukha niya, walang duda sa isip niyang isang halimaw ang kalaban nila.

Madaling nalapitan ni jazye ang bola sa kamay ni eneth sabay sumigaw "Katapusan muna!!" dala ng adrenaline niya ay mabilis niyang tinapal para alisin ang natitira nilang pag-asa.

Ngunit biglang nagliyab ang mga mata ni eneth na puno ng determinasyon na ikinagulat ni jayze"Diyan ka nagkakamali timang!!" sabay inilagan ang pagsupapal ni jayze at ginaya ang acrobatic shot ng kalaban.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 11, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

NetboundWhere stories live. Discover now