Chapter 5: The Tryouts

Start from the beginning
                                    

"Ay 'wag ka na pala gumala, ate. Mas masarap matulog," natatawa nitong sagot dahilan upang matawa rin kami ni Nanay.

Pagkuwan ay narinig namin ang paghinto ng sasakyan sa labas kung kaya't sumilip ako sa bintana. Isang pulang kotse ang nasa labas at nang bumukas ang pinto ng driver ay nakita ko si Bradley kasabay naman nang pagbaba ni Mia sa kabilang side. Agad akong lumabas upang i-welcome sila.

"Hi, Caela!" Nakangiting bati ni Bradley na sinabayan pa niya ng pagkaway.

"Good morning," napangiti ako kay Bradley at saka magiliw na kinawayan si Mia na papalapit na sa akin. Napakaganda nito sa suot na military cropped jacket na pinarisan ng itim na cropped top, skinny jeans at boots.

"Ang ganda mo, Mia!" nakangiti kong bati rito.

"Sus, basic," sagot nito at saka humagikgik.

"Maganda ka rin naman, Caela," taas baba ang mga kilay na sabi ni Bradley.

"True," nakangiting segunda ni Mia.

Natawa ako nang bahagya at saka naalalang papasukin ang mga ito sa bahay. "Tara, pasok!"

Sumunod naman ang dalawa sa akin. "Pagpasensiyahan n'yo na ang bahay namin. Upo kayo."

"Kayo ba sina Bradley at Mia?" saad ni Nanay dahilan upang lingunin namin siya.

Mabilis naman tumayo ang dalawa kong kaibigan kahit hindi pa halos sumasayad ang mga puwit nila sa upuan naming kawayan. Nagulat ako nang lumapit si Bradley kay Nanay at saka nagmano. "Good morning po, Tita."

Ngunit mas nagulat ako nang lumapit si Mia at bumeso kay Nanay na ikinagulat ng huli. "Naku, ang baho ko pa at galing akong palengke."

Napangiti si Mia. "Hindi naman po tita."

"Mag breakfast muna kayo, kumakain ba kayo ng pansit at pandesal?" pagyaya ni Nanay sa kanila.

Bahagyang lumaki ang mga mata ni Bradley. "Paborito ko po ang mga iyan, tita."

Kuminang naman ang mga mata ni Nanay na halatang natuwa sa sinabi ni Bradley. Hindi na ako nagulat nang lingunin ko ang hapag at ang nakalatag na mga plato ay ang mas matatanda pa sa aking babasaging plato na tinatago ni Nanay. Lumalabas lang kasi ang mga iyon sa tuwing may bisita kami. Naupo kami sa monobloc chairs at walang arteng kumain ang mga kaibigan ko kahit plastic lamang ang aming mesa habang masayang nakikipagkwentuhan kay Nanay. Nang mabusog kami ay nagpaalam na rin kami dahil 10:30 sasalang sa basketball tryouts si Bradley at hiniling niya sa amin ni Mia na samahan namin siya bilang suporta.

"Mag-iingat ka magmaneho, Bradley," bilin pa ni Nanay bago kami sumakay sa kotse.

"Opo, tita. 'Wag po kayo mag-alala, iingatan namin si Caela," nakangiti pang sagot ni Bradley.

Sabay kaming sumakay ni Mia sa likod. Napatingin sa amin si Bradley sa rearview mirror. "Baka gusto ng isa sa inyo na lumipat sa harap, ano ako driver ninyo?"

Sabay kaming humagikgik ni Mia.

Ngumuso sa akin si Mia. "Caela, ikaw na sa harap."

"S-sigurado ka?"

Tumango ito kaya napilitan akong bumaba at lumipat sa harap.

"Seatbelt, Caela," halos sabay na sabi nila Bradley at Mia kaya hinila ko ang seatbelt sa aking kanan at saka hinanap sa kaliwa ang susuksukan nito.

Wala pang 30 minutes ay narating na namin ang SDC. Ipinarada ni Bradley ang kanyang sasakyan sa parking lot for students at saka kami nagmamadaling naglakad patungo sa aming building. Mula sa baba ay sumakay kami ng elevator. Tatanggi sana ako dahil takot talaga ako sumakay ng elevator dahil pakiramdam ko ay hindi ako makakahinga, pero nahihiya akong aminin iyon kina Mia at Bradley lalo na nagmamadali kami dahil kailangan pa magbihis ni Bradley. Napahawak ako sa bakal sa gilid upang kalmahin ang aking sarili. Mabuti na lamang at mabilis kaming nakarating sa itaas. Pagbukas ng pinto ng elevator nagmamadali akong lumabas upang makasagap ng hangin. Napahawak ako sa dingding upang subukang kumalma. Dahil nagmamadali si Bradley, hindi na nila napansin ni Mia na naiwan ako sa labas.

Two Steps Behind YouWhere stories live. Discover now