Chapter 05: Where it all Began

Comenzar desde el principio
                                    

"Grabe, hindi ko alam na ganyan na pala kakapal ang mukha Dominic. Magkaibigan tayo, ba't ako magseselos sainyo?" Tumingin ako sa relos ko, "Alam mo, mauuna na ako sa'yo."




Agad ko siyang tinalikuran para lumabas ng simbahan at hinayaan siya roon kahit paulit-ulit niya akong tinatawag. Porket alam niyang gusto ko siya ay iniisip niya na agad na apektado ako sa lahat ng gagawin niya pero ang totoo ay hindi. Mas importante saakin ang paper works na kailangan kong ipasa kay Ms. Gomez para maka-graduate kaysa sakaniya.




"Good morning." Agad na bumalik ang ulirat ko sa reyalidad nang marinig ko ang malalim na boses sa harapan ko. Agad akong tumingin sakaniya at laking gulat ko nang makita siyang nakasakay sa isang malaking itim na motor. Nakasuot din siya ng itim na helmet at nakataas ang salamin. Alam kong nakangiti siya dahil ang kaniyang mata ay naging singkit na.




"Magandang umaga rin. Pasaan ba tayo?" Tanong ko sakaniya




Inabot niya saakin ang maliit na helmet na walang salamin sa unahin kumbaga helmet lang talaga siya, "Just wait and see. Sakay ka na."




Kinuha ko ang helmet at sinuot. Mabuti na lang ay naisipan kong mag-suot ng leggings ngayon kaya mas maggiging komportable ako sa kung ano man ang gagawin namin ngayong umaga. Naka-rubber shoes din ako at suot ko ang malaking t-shirt ko na tinuck in ko ang gilid sa may leggings ko. Dahan-dahang akong umangkas sa motor niya. Kumapit ako sa balikat niya pero nagulat ako nang kuhanin niya ang dalawang kamay ko at nilagay sa beywang niya.




"Mas safe kapag diyan ka hahawak. Big bike can ba dangerous." Saad niya at agad na pinaandar ang motor niya.


Hindi ko alam kung ano nga ba ang mararamdaman ko. Pero siguro tanga talaga ako para magtiwala agad kay Florence kahit kahapon ko lang siya nakilala. Hindi ganoon kabilis at hindi rin ganoon kabagal ang takbo niya. Katam-taman lang kaya naman hindi na ganoon kahigpiy ang hawak ko sa beywang niya dahil hindi naman makapal ang mukha para gawin 'yon. Mamaya isipin niya tinatake advantage ko naman siya.




Habang nabyahe kami ay hindi ko maiwasan na hindi mapapikit hindi dahil sa inaantok ako kung 'di dahil sa hangin na humahampas sa mukha ko. Malamig ang simoy ng hangin at higit sa lahat ay ang fresh ng hangin dahil ang dinaraanan namin ngayon ay napapalibutan ng mga nagtataasang puno. Hindi ko na rin maiwasan na i-open ang mga kamay ko at tanggapin ang malakas na simoy ng hangin na humahampas sa katawan ko. Manipis lang ang suot kong shirt kaya ramdam na ramdam ko ang lamig na dumadaloy sa katawan ko.





"Baka malaglag ka ha!" Malakas na sigaw ni Florence dahilan para mapahawak ako ulit sa beywang niya dahil pinihit niya nang malakas ang menor.





Agad ko siyang pinalo sa likuran niya, "Child on board!"



"You're not a child!" Malakas niyang sigaw pabalik saakin





Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya dahil masyadong nabubusog ang mata ko sa magandang tanawin na nakikita ko. Nang malampasan kasi namin ang mga nagtataasang puno ay bumulaga saamin ang malawak na tanawin na may dagat. Kitang-kita ko ang maliliit na alon na humahampas sa dalampasigan. Naramdaman ko ang pagbagal ng takbo ng motor ni Florence hanggang sa huminto ito sa gitna ng kalsada. Tinanggal niya ang helmet niya at tinignan ako mula sa side mirror ng motor.





Forgive Me, Father... Donde viven las historias. Descúbrelo ahora