Chapter 04: Florence

16 1 0
                                    

Chapter 04: Florence

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 04: Florence







Ito na ang pangatlong araw namin sa bayan ng Villa Teresita at sa totoo lang ay hindi ko pa rin alam kung ano nga ba talaga ang espesyal sa bayan na 'to. Para saakin ay isa lang siyang normal na bayan na mas strikto lang sa patakaran at walang signal. Bumuntong hininga ako dahil hanggang ngayon ay wala parin akong nasisimulan sa ipapasa ko kay Ms. Gomez. Sinilip ko ang nagawang scratch ni Clarissa at namangha ako kung paano niya ipinaliwanag nang detalyado ang kasaysayan ng bayan. Hindi lang talaga ako siguro kainteresado sa mga ganitong bagay kaya hanggang ngayon ay wala parin akong nagagawa.


Maaga akong nagising ngayong araw na ito at maaga rin akong umalis. Mas maagang nagigising saamin si Ms. Gomez kaya naman nagpaalam ako sakaniya pupunta na lang ako sa library ng bayan at pumayag naman siya. Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa library at pinagmamasdan ko parin ang bayan. Medyo nakakabisado ko na ang daan papunta sa mga lugar na gusto kong puntahan. Hindi naman ganoon kalakihan ang bayan nila kaya naman kapag may gusto kang puntahan na medyo malayo ay may padyak sila na pwedeng sakyan at ang bayad ay pumapatak lang sa bente pesos o kaya trenta depende sa layo.



"Magandang umaga." Bati ko sa babaeng nakaupo ngayon sa counter ng library. Siya rin ang bantay kahapon.



"Magandang umaga rin, ikaw na naman. Kumusta?" Tanong niya saakin at muling binalik ang tingin sa libro na hawak niya.



"Ayos lang. Nandito lang ako ulit para magbasa." Sagot ko sakaniya at tumango naman siya saakin



"Sige lang, basta i-log mo ang pangalan mo ha." Saad niya saakin at agad akong dumiretso sa logbook na nakalagay sa may gilid ng counter.



Nang matapos ako sa pagl-log ng impormasyon ko ay agad akong dumiretso sa dulong bahagi ng book shelf at doon ay umupo. Sinadal ko ang likuran ko sa kabilang book shelf at kaharap ko naman ay ang isa pang book shelf na ang katergorya ng mga libro ay tungkol sa kwentong mga pambata. Nilabas ko mula sa dala kong bag ang notebook ko kung saan ko sinusulat ang mga impormasyon na nakukuha ko mula sa pagt-tour saamin ni Evangeline. Walang ibang laman ang notebook ko na 'yon kung 'di ang mga petsa kung kailan ginawa ng isang bagay, kung saan nangyari, at kung ano-ano pang basic information ang nilalabas kapag tungkol sa history ang paguusapan.



Bumuntong hininga ako ulit at napasapo sa ulo ko. Hindi ko kasi alam kung paano ako gagawa ng reflection paper na kailangan ay pasok sa tema na sinabi ni Ms. Gomez. Ang sabi niya kasi saamin noong nakaraang araw ay kailangan namon i-explain sa reflection paper namin kung ano ang kahalagahan ng history sa noon at sa ngayon na pamumuhay ng tao. Totoo naman na rich in history ang bayan ng Villa Teresita pero kahit gaano sila ka-rich kung ang utak ko ay hindi naman rich sa brain cells ay wala talaga akong masusulat.

Forgive Me, Father... Where stories live. Discover now