87

16 1 0
                                    

9:17pm

Knight: Kita ko madalas na ang paghahatid mo kay Shin.

Jay: Luh stalker xD

Knight: Off limits si Shin, 'tol. Alam mong hindi mo magagamit ang pagka-instructor mo para iblackmail siya. Iba si Shin. Hindi siya tulad ng mga nabiktima mo noon.

Jay: Grabe, inihatid ko lang 'yung tao kasi gabi na. Kung anu-ano nang iniisip mo. Paano kung hinayaan ko siya maglakad mag-isa? Mapapahamak yon panigurado.

Knight: Sus para namang hindi kita kilala. Alam ko na lahat ng galawan mo, Jay.

Jay: At kung totoo man iyang sinasabi mo, ano naman sa 'yo? Ano ka ba ni Shin? Halos isuka ka na nga ng tao, pinagsisiksikan mo pa ang sarili mo sa kaniya.

Knight: Tigilan mo na si Shin. Tapos ang usapan.

Jay: Pinopormahan mo na ba siya?

Knight: Paano kung sabihin kong oo? Lalayuan mo na ba siya?

Jay: Hindi. Tingnan na lang natin kung sino ang mas pipiliin ka niya.

Knight: Gago ka ba talaga? Hindi mo ba alam 'yung code of ethics niyong mga teacher? Gusto mo bang mawalan ng lisensya?

Jay: Grabe. Chill ka lang, Knight. Masiyado mong sineseryoso. In love ka na yata masiyado kay Shin. Ano bang nakita mo sa kaniya?

Knight: Wala ka na do'n.

GOOD NIGHT, GOOD KNIGHT [Epistolary]Where stories live. Discover now