58

17 0 0
                                    

7:44am

Maine: I'm sorry, anak. Hindi ko alam na ayaw mo ng gan'on na pagkain. Magluluto na lang ulit ako ng bago.

Shin: Please, it's not about the food.

Maine: Eh, bakit ba kasi?

Shin: And will you please stop using Maine's phone. Baka mabasa pa niya kung anong pinag-uusapan natin.

Maine: Sorry, anak. Kung may mali man akong nagawa kanina. Sorry. Magluluto na lang ako ng bago.

Shin: Sinabi nang hindi nga tungkol sa pagkain.

Maine: Eh, saan, anak?

Shin: Hindi ka ba makaramdam? Ba't mo pa kailangang bumalik? Okay naman na ako, e. Okay na ako sa buhay ko ngayon.

Maine: Gusto ko lang naman mabalik 'yung dati.

Shin: Ah, 'yung dati bago ka nagtulak ng drugs? 'Yung dati bago ka pumasok sa sindikato kaya ka nakulong?

Maine: Alam kong iba na ang sitwasyon natin ngayon. Pero gusto kong bumawi sa 'yo.

Shin: Paano mo ko nagawang palakihin sa ilegal na paraan? Iniisip mo ba kung anong epekto n'on sa 'kin?

Maine: Sorry, anak. Wala lang kasi akong ibang iniisip dati kung hindi ang maibigay ang kailangan mo. Gusto kong mamuhay ka nang magarbo.

Shin: Para saan ang magarbong buhay kung sa ilegal na paraan mo makukuha?

Maine: Anak

Shin: Dapat hindi mo na 'ko hinanap. Baka madawit pa ako sa mga ilegal na ginagawa mo

GOOD NIGHT, GOOD KNIGHT [Epistolary]Where stories live. Discover now