62

14 0 0
                                    

12:10am

Knight: HAPPY BIRTHDAY, SSOB!!!!!

Seen 12:15am

Knight: Grabe naman, seen lang! Wala man lang, "Thank you, Knight! Na-appreciate ko na naghintay ka talaga ng alas dose para batiin ako."

Shin: 👍

Knight: Ay ang galeng

Shin: Bat ako magpapasalamat? Inutusan ba kitang bumati sa 'kin?

Knight: Ayown! Mahaba ang reply!

Shin: Kung bubwisitin mo lang ako, huwag muna ngayon. May trabaho ako at first week ko. Ayoko pumalpak sa kagagawan mo.

Knight: Grabe, bumati lang naman ako ☹️

Shin: Oh, nakabati ka na. Alis na.

Knight: ☹️

Shin: Ano pang hinihintay mo? ibablock pa ba kita para tumigil ka?

Knight: Nasa'n muna thank you mo?

Shin: Hindi ako nagpapasalamat lalo na sa mga tulad mo

Knight: Nagpasalamat ka na kaya sa 'kin dati 👀

Shin: Titigil o titigil?

Knight: Sabi ko nga titigil na

Shin: Huwag ka na magreply

Knight: Okay

Shin: Nakikipagbiruan ba ako sa 'yo?

Knight: Hindi ko alam 😂

Shin: Huwag ka na nga magreply

Knight: Eh ikaw nga nagrereply, e. Gusto ko ako ang last message.

Seen 12:34am

Knight: Good mornight and happy birthday ulit, Ms. Sungit!

Shin: Kingina mo

TWITTER

Knight @knightofnight • Now
Grabe thank you ang gusto kong matanggap, ba't ako bibigyan ng mura???? 😥

GOOD NIGHT, GOOD KNIGHT [Epistolary]Where stories live. Discover now