KABANATA 7

18 1 5
                                    


Napabangon ako sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha. Inangat ko ang aking katawan at biglang kumirot ang ulo ko.

"Ahhh sakit ng ulo ko" hinawakan ko ang aking ulo at hinilot ito.

Napatingin ako sa pintuan dahil may kumakatok. Bumukas ito nakita kong sumilip si Max.

"Good morning" sabi niya. Tuluyan na siyang pumasok sa aking kwarto.

"Here, I make you a soup. Para mawala yung hangover mo." Ngiti niyang sabi sa akin.

Inilagay niya sa may hita ko ang tray ng pagkain. Tinignan ko yung soup mukhang okay naman. Walang lason.

Marunong pala siya magluto. Marunong pala siya, bakit ko pa siya ipinagluluto?

Tinikman ko na yung arroz caldo. Masarap naman siya infairness. Kulang lang sa alat.

"How's the taste? Masarap ba?" Hinihintay ni Max yung sagot ko.

"Okay naman" sabi ko at sumubo pa ng isa

"Bakit ka kasi naglasing kagabi?" Takang tanong ni Max sa akin

"Hindi ko naman intensyon na maglasing kagabi. Kasalan kasi ni Khels sabi niya Hindi naman nakakalasing yung wine parang juice lang daw yun. Nung tinikman ko nasarapan ako Kaya ayun naparami ako ng inom nung wine" pagexplain ko kay max.

Nakita ko naman siyang umiling at tumayo na.

"Sa susunod ha huwag ka ng iinom ng wine or any alcoholic drinks. Hindi ka naman pala sanay." Seryosong saad ni Max

I pout "Malay ko ba" bulong ko.

"What?" Tanong sa akin ni Max

"Oo sabi ko. Labas na maliligo na ako" tumayo na ako sa kama at inayos ito.

"By the way. Mom will come here later. Paguusapan daw natin ang plano sa kasal. Get yourself ready" sabi niya sa akin at lumabas na.

Napatulala ako sa sinabi niya. Mukhang totoo na talaga ito, wala ng bawian.

Hindi ko alam kung ano mangyayari sa akin kapag tuluyan ko na talaga siyang pinakasalan. Sana hindi magbago ang lahat, sana. Papakasalan ko siya dahil kailngan namin ng tulong nila, titiisin ko na lang ang lahat Hanggang matapos ang 6 na buwan na kasunduan ng pagpapakasal.

Hindi ko siya Mahal, Nararamdaman kong hindi. Takot ako, takot akong magmahal at masaktan. Kaya mabuti pang Estranghero na lang ang tingin ko sa kanya o sa isa't isa.

Bumuntong hininga ako at tumayo na para magayos ng sarili.

Binabad ko ang sarili ko sa maligamgam na tubig na bumubuhos mula sa shower. Halos 10 minuto na akong nakatulala sa banyo.

Iniisip ko pa din ang lahat ng mangyayari. Parang nararanasan ko ngayon kung ano talaga ang "buhay". Ang daming tumatakbo sa isipan ko at nadarama ko din sa aking dibdib ang takot at pangamba.

Natatakot ako para sa puso ko.

***

Lumabas na ako ng aking silid, napahinto ako ng marinig ko ang tinig ng Mama ni Max

"You know anak, I'm super excited na para sa wedding niyo ni Sha. Ang dami kong naiisip na gawin para sa kasal ninyo! Gosh, I can't wait!" Maligalig na sabi ng Mommy ni Max. Parang Siya ang ikakasal dahil sa tono niya.

"Mom? Hindi kaya masyadong maaga pa para pagplanuhan yung wedding, There's a lot of things still going on. And I think... We need to know each other first" Mahinahong sabi ni Max

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 08 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

It All Starts With Marriage (Matrimonyo Series #1)Where stories live. Discover now