ONE-SHOT TRILOGY 1

16 3 0
                                    

TITLE: "MAY IBA SIYANG GUSTO"

AUTHOR: Binibining Kim Montefalco (@AliceInRedribbon)

GENRE: Random























(Dedicated to: MY BESTPRENS)


















[ ONESHOT TRILOGY ONE ]






"Uyyy Jof yung crush mo oh."

Nang dahil sa sinabi niya, ay mabilis akong napalingon sa labas ng pintuan ng classroom namin.

"Niloloko mo lang ata ako Ley." Nakasimangot kong wika. Wala naman kasi akong nakitang tao sa labas ng classroom namin.

"Anong niloloko ka d'yan, nandun oh." May tinuro nanaman siya sa labas ng classroom namin. Nakaturo ang hintuturo n'ya sa labas ng pintuan ng classroom namin. "Nandun sya! Dali na tumayo kana dyan at tingnan mo sya habang wala pa si Ma'am Tiger!" Excited n'yang wika. 

Walang pag-aalinlangan ay tumayo ako sa kinauupuan ko at lumabas ng classroom.

"Nasa CR siya Jof!"

"CR?" Nagtaka kong tanong.

"Oo!" Bigla nya akong hinampas kaya tuluyan akong nakalabas ng Classroom.

Hindi sinasadya, ay nakita ko ang loob ng CR! Nang mga Lalaki! Katabi ng Classroom namin, ang CR ng mga lalaki. At dahil basta na lang akong Itinulak nitong kaibigan kong kanina pa kinikilig, ay hindi ko nasadyang mapatingin sa gilid—na kung saan nandoon nga ang CR ng mga Lalaki.

HUHUHUHUHUH.

Pero nakita ko lang ang mga Lalaki at yung semento na gawa sa puting Tiles. 'Yun lang. Wala na akong Ibang nakita pa. Promise.

Nagpapanggap ako na parang dadaan lang. Kunwari napadaan lang ako. Mabuti nga kanina walang nakakita sa akin sa biglaang pagtingin ko sa CR nila. Dahil kung meron man, wala nang saysay ang padaan-daan ko ngayon.

Bistado na akong rapist! Baka makasuhan ako ng 'Sexual Harassment'. Patay talaga ako nito. Tss!

Pero dahil walang nakakita—maliban sa kaibigan ko. Edi SAFE.

Sinimulan ko na ang TRIP ko. Dumaan ako at palihim na sumilip. At nang makita ko na ang tinutukoy ng kaibigan ko na si Ley, patakbo akong bumalik at pumasok sa loob ng Classroom.

Sabay sabi nang, "PATAYYY LEEYYY!!!" Siya nanaman ang hinampas ko. "OO NGA! SI V!!!" bigla akong napa-upo sa sahig. "HUHUHUHU. Gusto kong umiyak... Huhuhuh."

"Oh! Sabi ko naman sayo. Yung V mo talaga ang nakita ko." wika niya.

Naka-upo pa'rin ako sa sahig. Nang dahil sa nakita ko, parang nawalan ako ng lakas na tumayo, ayoko nang tumayo. Gusto ko na ganito lang ako. Dito muna ako sa sahig. Dahil kapag tumayo ako, feeling ko... Dadaan si V sa harapan ng Classroom... At makikita nya ako.

"Huwag kang umasa dyan Jof," bigla kong narinig ang boses ni Ange. "Hindi ka niya'n crush," Pangalawa at pang-huli sa Friendship namin. "Baka masaktan ka lang."

Umangat ang paningin ko sa kaniya.

Kung si Ley ang Una, Siya naman ang Pangalawa. Silang Dalawa lang talaga ang kakilala ko dito sa Section na'to. Silang dalawa lang ang mga naging kaibigan ko. Wala nang Iba. Kaming Tatlo lang talaga.

Hindi ko alam, pero hindi ko mapigilan na matigilan sa narinig ko.

"Panira ka talaga Ange." Nakasimangot na wika ni Ley.

"Ilang years mo na nga syang Crush? 5 years? Diba Grade 5 ka palang crush mo na sya?" sunod-sunod nyang tanong.

Tumango naman ako bilang pagsagot na 'Oo'. 

"And then anong nangyari? Wala diba? Kasi HINDI ka niya gusto Jof. Nagsasabi lang naman ako ng totoo Jof, kasi nasasaktan din kasi kami sa kalagayan mo ngayon." Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.

Kahit si Ley ay napansin ko 'din na lumungkot ang expression sa mukha.

"Limang taon mo syang Crush—ay mali—Gusto mo na sya. Nasa second level ka na Jof, Impossible na hanggang ngayon, after 5 years crush mo pa'rin siya? Hindi na. GUSTO na ang tawag 'dun."

"Aaminin ko... Agree din naman ako kay Ange, Jof."

"Kahit ni isa man lang wala kayong convo sa FB? Tapos nung en-add mo s'ya bli-nock kapa! Ang kapal naman ng mukha ng V mo. Feeling kpop Idol. Eh mukha namang puit ng kalabaw."

Gusto ko mang matawa sa huli n'yang sinabi. Hindi ko na nagawa pa. Hindi naman sa hindi ko magawa, sadyang, hindi ko lang talaga kayang gawin. Nararamdaman ko kasi na unti-unting humihina ang hangin na nalalanghap ko. Para akong... Nawawalan ng hininga. May parang pumunit, bumasag, humampas, at sumampal sa dibdib ko.

Tagos na tagos ang bawat salitang binibitawan ni Ange. Masakit ang mga salitang binabato niya. Inaamin ko 'yun.

"Atshaka Jof... May sasabihin ako sayo, pero sana pigilan mo ang sarili mo."

Biglang kumabog ng mabilis ang bawat tibok ng puso ko.

Bakit may parte sa akin na ayaw marinig ang kung ano man ang gusto niyang sabihin?

Pero Bakit parang may parte din sa katawan ko na gustong malaman kung ano man ang sasabihin niya?

Kaya kahit nagdadalawang-Isip ako, nagsalita ako. "S-sige... Ano b-bayun Ange?" Nauutal kong sagot sa kanya.
Hindi ko na naiwasan pa na mautal. Halo-halo na ang nararamdaman ko ngayon. Kinakabahan. Unti-unti din akong nanginginig. Hindi ko alam kung nanginging ba ako sa kaba? O nanginginig ako nang dahil sa takot?

Takot na baka tama nga ang hula ko...

Huminga siya ng malalim. "Naka-usap ko yung kapatid nya kahapon, Si Jhea." Huminto sya saglit. Pero nagpatuloy din ulit. "Naalala mo yung kahapon? Diba may kasama siya?"

Tumango ako sa tanong niya.

Kahapon, nakita ko si V na may kasamang maganda at maputing babae. Nagtatawanan silang dalawa. Ang ganda nilang pagmasdan.

Ngunit masakit kapag akin pang tinitigan. Kaya hinayaan ko na lang.

"Kilala ko ang kasama niya kahapon. Si Princess." Malungkot kong wika. 

"MAY IBA SYANG GUSTO JOF,"

Natigilan ako sa narinig ko.

"At HINDI Ikaw yun."

Nagpa-ulit-ulit sa tainga ko ang sinabi niya.

Dati pa man, ay masakit na talaga kung magsalita si Ange. Paminsan nag m*m*ra, kaya nakakasakit talaga. Pero sa lahat ng mga masasakit na salitang narinig ko mula sa bibig niya,

Ito ang PINAKA-MASAKIT Pakinggan.

'MAY IBA SYANG GUSTO JOF...'

'MAY IBA SYANG GUSTO JOF...'

'MAY IBA SYANG GUSTO JOF...'

'... At HINDI ikaw yun.'

'... At HINDI ikaw yun.'

'... At HINDI ikaw yun.'

"Alam ko..." Ang tanging Naisagot ko.

Dahil bigla na lang dumating si Ma'am Tiger. Ang aming Next Subject Teacher.













































[ E N D but TO BE CONTINUED ]



May Iba Siyang Gusto (One-shot Edition)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora