Chapter Twenty One

Start bij het begin
                                    

Kasi minsan sa buhay niya naramdaman niya din kung anong nararamdaman ko. Kung paanong parang ang hirap harapin ng bukas at ang tanggapin kung ano ang maaaring maging resulta ng lahat. Minsan sa buhay niya naramdaman niya kung paanong bawat himaymay sa katawan niya at sa pagkatao niya ang gustong hatiin ang kung anong nararamdaman ng taong mahal niya. Kahit buhay niya pa.

Ngayon sa pangalawang pagkakataon muli niya iyong nararanasan. Sa pangalawang pagkakataon muling nabubuhay ang dating naging bangungot sa buhay niya.

As I looked at Samanth's Mother, Sammie Smith Lee, I know in my heart that my pain will never compare with hers. But I also know that she understands. And despite the pain she's feeling now, there's a strength in her that's still trying to hold on. A part of her that can still give someone comfort.

Hindi ko alam kung kaya kong maging siya. Hindi ko alam kung kaya kong magpakatatag katulad niya.

Dahil nakatingin ako sa kaniya ay kita ko kung paano siyang napapitlag at napatingin sa kaliwa niya nang marahil ay may maramdaman siyang pagkilos. Sinundan ko ang mga mata niya at napatayo ako nang makita ko si Doktor Cathy na lumabas mula sa operating room. Kaagad na lumapit kay Doc Cathy ang mga magulang ni Samantha ngunit hindi sa kanila natuon ang paningin ko kundi Kay Third dahil alam ko na may something na hindi maganda. Kaya alam ko bago pa lang lumabas mula sa bibig ni Ate Cathy ang gusto niyang sabihin ay nakikita ko na iyon sa mukha pa lang niya.

"We've done everything we could but the damage in your daughter's heart was too extensive. We disapproved strongly at the intervention of the Dctors. Hindi sapat ang panahon ng pag-aaral nila sa bago nilang imbensyon. If I'm correct it's just been hours before they are able to acquire the sample they need to complete their study. Their cure was too young and it was risky considering the state of the patient."

"We allowed it. We know the risk." narinig kong salita ng ama ni Samantha na walang iba kundi si Alexander Hermes Lee.

"Alexan-"

"We want to know. You need to tell us." there was hardness in Mrs. Lee tone when she spoke before her husband could. "How is my daughter?"

Hindi na nagawang makapagsalita ni doktor Cathy nang mula sa loob ng operating room ay lumabas ang mga kapatid ni Tito Alexander na sila Tito Ralph at Tito Jude. Sa pagkakaalam ko ay umassist sila sa heart surgeon ni Samantha at siyang nagsagawa ng enhance na Herme's Heart.

They were both looking at their brother and the pain on their faces was evident. Naunang nagsalita sa kanila si Tito Ralph na wala na ang kadalasan ngiti sa maamo niyang mukha. "We all know that the Herme's Heart could be fatal once the body rejected it. In this case, the Herme's Heart didn't cause more damage to Samantha pero hindi rin iyon nakatulong. The only thing that the new invention did is to eradicate the chance of death to the patient but it didn't increase the chance of its effectiveness. Samantha's body rejected the treatment."

"How is my daughter, kuya?" Hhe asked again. Tumingin siya sa isa pa niyang kapatid na napayuko na lang. "Yung anak ko, kuya. Anong mangyayari sa kaniya?" Tito Alexander said.

"She's in a coma. The lack of oxygen due to the heart attack and the traumas she has been receiving, her own body is protecting her from further damage. Even the operation was too much for her body. Maaaring linggo, mga buwan, o taon...walang kasiguraduhan kung kailan siya magigising." pagpapaliwanag ng kapatid niya na si Tito Jude. Sa kabila ng tatag sa boses ay kita sa kaniya ang hirap habang nakatingin sa kapatid.

"But she will be fine right? She will live?" Tita Sammie asked.

"Walang nabago sa progression ng sakit niya. It became worse. Sammie, she might not wake up. Kasi sa mga oras na 'to ang tanging bumubuhay na lang sa kaniya ay ang mga makinarya."

The Woman Who Doesn't Believe In Love (Lee Siblings Series#1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu