Ah opo ako nga po, Dean nga po pala. Pag papakilala ko dito

Tumango naman ito at tipid na ngumiti.

Fe, Nanay Fe na lang ang itawag mo sa'kin. Sabi naman ni Nanay Fe sa'kin

Medjo hawig ni Jema to ah...

Sige po, Nanay Fe. Magalang na sabi ko naman dito

Bakit nandito ka? Tanong ni Nanay Fe sa'kin

Eh naiinis po kasi ako don sa pinsan ko, lagi na lang po akong inaasar, HAHA! Natatawang kwento ko kay Nanay Fe

Narinig ko naman ang mahihinang tawa nito.

Si Tots ba ang tinutukoy mo hijo? Tanong pa nito sa'kin

Siguro alam din ni Nanay Fe na mapang asar talaga si Tots...

Opo, lagi na lang po akong inaasar. Sabi ko naman dito

Nako! Dapat e masanay kana doon, ganon talaga ang batang yon. Sabi pa ni Nanay Fe sa'kin

Nag kwentuhan lang kami ng nag kwentuhan ni Nanay Fe, ayoko munang bumalik don dahil alam kong aasarin lang din ako ni Tots tsaka isa pa makikita ko lang dun si Bei at Jema.



JEMA's POV'



Simula kaninang mag paalam si Dean kay kuya Alex ay hindi parin ito bumabalik, tinanong naman ni kuya Alex si Tots kung nasaan si Dean ang sabi lang ni Tots sa amin ay nag iikot ikot lang daw un dito sa Farm.

Eh ano nga pa lang paki ko don?

Jema, saan ba ang bahay niyo dito? Tanong naman ni Bei sa'kin

Simula din kaninang umaga ay si Bei na ang kasa-kasama ko mag trabaho.

Malapit lang dito, pero halos tabing dagat din ung bahay namin na yon. Sabi ko naman sa kanya

Talaga? Minsan sama moko ha, para naman makapunta ako sa bahay niyo pati narin sa tabing dagat. Nakangiting sabi namn nito sa'kin

Napangiti naman ako ng dahil sa sinabi nito.

Sige ba, sabihin mo lang kung kailan mo gusto para maisama kita don. Sabi ko dito

If tomorrow is okay with you? Nahihiyang tanong nito. Tsaka diba sabi naman ni kuya Alex eh wala daw munang gagawin bukas? Dagdag pa nito

Oonga pala wala pa nga pala kaming gagawin bukas.

Hmm.. pwede narin bukas.

Sige bukas, hintayin mona lang ako dito. Sabi ko naman sa kanya

Nakita ko namang napangiti ito.

Pagkatapos naming mag usap ay pinagpatuloy na namin ang ginagawa namin.

Habang nag tatrabaho kami ni Bei ay nakita naman namin si Dean na naglalakad papalapit samin.

Hey bro! Where have you been? Kanina kapa hinahanap ni kuya Alex. Sabi ni Bei kay Dean

Ah jan lang, nag ikot ikot lang ako sa farm. Sabi nito

Tumango lang naman dito si Bei.

Sige Bei, I'm going to kuya Alex muna. Paalam ni Dean samin

Hindi na nito hinayaan pang magsalita si Bei at umalis na.

Okay lang ba un? Tanong ko kay Bei habang tinatanaw parin si Dean

Don't mind him, ganon lang talaga ang lalaking yon. Sabi naman nito sa'kin

Tumango na lang ako dito at nag patuloy na ulit sa ginagawa ko.

Habang nag tatrabaho ako ay nagpaalam naman sa'kin si Bei na may gagawin muna, may trabaho rin kasi itong inaasikaso.

Huy! Pang gugulat sa'kin ng tao sa likod ko

Ay palaka! Gulat na sabi ko dito

Narinig ko naman itong natawa.

Bwiset na lalaki talaga to!


Wala kana talagang ibang naisip gawin kundi ang inisin ako lagi ano?! Gigil na sabi ko dito

Patuloy parin ito sa pag tawa niya.

You should look at your face Jema, It's so epic HAHA! Natatawang sabi pa nito

Napa-irap naman ako dito.

Ako Wong tigil-tigilan mo ako ha! Naiinis ko paring sabi dito

Bwiset talaga na Wong to!!!

Okay fine, I'm sorry. Sabi naman nito

Natigil narin ito sa kakatawa niya.

Ano bang ginagawa mo dito? Tanong ko naman sa kanya

Wala.. gusto lang kitang makausap, puro kana lang kasi Bei e. Sabi naman nito sa'kin

Eh ano naman sa kanya?

Kulang na lang isipin kong may gusto ka sa kaibigan ko eh. Dagdag pa nito

Nanlaki naman ang mata ako ng dahil sa sinabi nito, feeling ko rin ay namumula na ako.

You like him noh? Sabi pa nito sa'kin

Titig na titig din ito sa mga mata ko na para bang binabasa kung ano ang nasa isip ko.

Soo.. silent mean yes. Sabi niya pa

Ba't ba kasi ang daldal nito!

H-hindi kaya. Nauutal kong sabi dito

Nakita ko naman itong napangisi.

Tsk! Your denying your feelings towards to him. Sabi ni Dean sa'kin

Eh sa hindi nga, pero hindi rin naman malabo.. mabait at nakaka enjoy naman kausap si Bei. Sabi ko naman sa kanya

Nakita ko naman na nagbago ang expression ng mukha nito.

Eh ako ba Jema? Tanong nito sa'kin

Nagtaka naman ako kung anong ibig niyang sabihin.

H-ha? Un na lang ang nasabi ko

I mean ako ba hindi nakaka-enjoy kausap? Sabi naman nito

Ahh.. un naman pala ibig niyang sabihin.

Ewan, wala kana kasing ibang ginawa kundi ang mainis. Sabi ko sa kanya

Napanguso naman ito ng dahil sa sinabi ko.

Cute rin tong lalaking to eh...

Pero hindi kasi katulad niya ang tipo ko, babaero kasi to HAHA...

Kahit naman wala akong ginagawa naiinis kapa rin sa'kin. Sabi nito. Sige Jema, I'll go ahead trabaho kana ulit jan. Dagdag pa nito

Tumango na lang ako dito at hindi na nagsalita pa.

Napansin ko naman ng wala na si Dean kaya naman nag paka busy na lang ako sa ginagawa ko.








=====================

🥴🥴🥴🥴🥴

A/N

Sorry hindi na ako nakapag update kagabi, bawi na lang ako ngayon 😅






Unexpected YouWhere stories live. Discover now