Part 6"

295 26 2
                                    

JEMA's POV'

Pagkatapos ng paguusap namin ni Dean ay naging abala na ako sa ginagawa ko, mabuti na nga rin at hindi niya na ako kinulit pang muli. Hindi ko rin naman alam sa sarili ko kung bakit pag dating kay Dean ay hindi talaga ako komportable.

Bukod kasi sa hindi namin ito ka level ay feeling ko babaero din ito, halata rin naman kasi sa itsura nito.

Jema! Nagulat naman ako ng may tumawag sa'kin

Ay kikay ka! Gulat na sabi ko dito

Narinig ko naman ang mahihinang tawa nito.

Anong nakakatawa ha Dean?! Inis kong tanong sa kanya

Bwiset! Ayaw talaga akong tigilan ng lalaking to!

Wala, ang cute lang ng reaksyon mo. Sabi nito habang natatawa

Inirapan ko lang naman ito at tiningnan ng masama.

Wala kana talagang ibang ginawa kundi ang kulitin ako ano?! Naiinis ko paring sabi sa kanya

Nakita ko naman itong napa nguso.

Tsk..

Sorry na, hinahanap kana kasi nila Ate Den, hapon na daw kasi at kailangan niyo ng umuwi. Sabi naman nito sa'kin

Pwede naman palang makausap ng maayos eh..

Sige, mauna kana susunod narin ako. Mahinahong sabi ko naman sa kanya

Habang inaayos ko ang garbage bag na dala ko ay napansin kong nandito parin siya.

Ba't nandito kapa? Di ba sabi ko mauna kana? Sabi ko naman sa kanya

Tipid naman itong ngumiti at kinuha ang dala ko.

Sabay na tayo, tsaka isa pa you are carrying so much weight. Sabi nito sa'kin

Napa irap naman ako ng dahil sa sinabi nito.

you are carrying so much weight ka jan! Ang gaan gaan lang kaya niyan. Sabi ko naman sa kanya habang naglalakad

Naramdaman ko namang nalakad narin ito.

No it's not, medjo may kabigatan hehe, ang dami mo kasing nakuha. Sabi niya pa

Nag rereklamo ka? Tanong ko sa kanya. Edi.. akin na. Dagdag ko rito

Kukunin kona sana kaso ayaw niya naman ibigay.

Wag na, kaya ko naman. Sabi niya sa'kin habang inilalayo ang dala niya

Hindi kona lang ito pinansin at naglakad na lang ulit.

Tahimik lang kaming dalawa habang naglalakad, walang may gustong mag salita ni isa samin.

Nang makarating kami sa kubo ay binaba niya narin ang dala niya, halata sa itsura nito ang pagod.

Ahh finally! I told you it's quite heavy. Sabi pa nito sa'kin

Ang cute niya pala pag nag e-english..

Teka? Anong sabi ko?! Hindi mali iyon..

Daming reklamo ikaw naman may gustong mag dala niyan! Sabi ko naman dito

Nakita ko namang napa ngiwi ito.

Hindi kona lang ito pinansin at pumunta na lang kila Ate Den.

Oh natapos kana jema? Bungad na tanong ni Jho sa'kin

Unexpected YouWhere stories live. Discover now