Part 3"

362 26 1
                                    

JEMA POV'

Kinabukasan...

Jema.. Rinig kong pang gigising sa'kin ni Ate Den

Naramdaman ko rin ang pag kalabit nito sa braso ko.

Gumising kana Jema, maaga pa tayong pupunta sa Farm, di ba. Sabi pa nito sa'kin

Nang marinig ko ang sinabi ni Ate Den ay agad agad narin akong bumangon.

Shit, doon nga pala kami mag tatrabaho ngayon.

Late naba tayo, Ate? Tarantang tanong ko sa kanya

Narinig ko naman ang mahihinang tawa nila Ced sa'kin.

Hindi pa, pero kung hindi kapa babangon jan at gagayak, sure akong ma le-late talaga tayo. Sabi naman ni Ate Den sa'kin

Wala naman akong nagawa kundi ang bumangon na at mag punta sa banyo.

Pag katapos kong gawin ang morning routine ko ay lumabas narin ako agad ng banyo.

Jema, kain na muna tayo para pag punta natin doon ay trabaho na lang tayo agad. Sabi naman sa'kin ni Ate Den

Tumango naman ako dito at naupo na sa tabi ni Mafe.

Mabuti naman at nagkaroon na kayo ng permanente na trabaho mga anak. Sabi pa ni Papa samin

Oo nga po, Tay Jess eh... Sabi naman ni Jho kay Papa

Saglit namang natahimik ang hapagkainan kaya naman nag patuloy na lang kami sa pagkain.

Hayy, mabuti nga at binigyan kami ni Lola Esther ng trabaho sa Farm niya, mas okay narin yon dahil makakasama namin si Mama doon.

Hindi nag tagal ay natapos narin kami sa pagkain namin.

Lumabas narin kami agad at nakita naman namin si Ellys, siguro ay siya ang mag hahatid samin.

Hi. Masayang bati nito samin

Binati naman ito nila Ate Den, at nginitian ko naman ito.

Mga anak, mauna na kayo doon ha.. mamaya pa kasi ang trabaho ko roon, si Ellys na muna ang mag hahatid sa inyo dahil papalaot na ang Tatay ninyo. Sabi naman ni Mama samin

Hindi nag tagal ay umalis narin kami at nagtungo na sa Farm.

Nang makarating kami dito ay agad naring pumasok sa loob ng Farm sila Ate Den.

Salamat nga pala sa paghatid samin Ellys. Sabi ko naman sa kanya

Tumango naman ito sa'kin at ngumiti.

Wala yon, napag utusan din naman ako ni Tito Jess. Sabi naman nito sa'kin

Sobrang lapit din talaga ni Ellys kay Papa eh.

Sige Jema, una nako sa'yo.. pasok kana rin sa loob at baka hinahanap kana rin nila Ate Den. Sabi naman nito sa'kin

Matapos nitong mag paalam sa'kin ay umalis narin ito.

Kaya naman pumasok narin ako sa loob ng Farm dahil sure akong hinahanap nako nila Ate Den.

Oh nandito kana pala Jema.. wait lang natin si Mang Ruel. Sabi naman ni Ate Den sa'kin ng makalapit ako sa kanila

Hindi nag tagal ay dumating narin si Mang Ruel.. isa sa pinag kakatiwalaan ni Lola Esther syempre anak niya yon eh haha.

Oh nandito na pala kayo mga hija.. nga pala tutulong lang naman kayo mang harvest kasi kinulang sa tauhan eh, kaya niyo ba? Sabi naman nito samin

Unexpected YouWhere stories live. Discover now