Chapter 02: Villa Teresita

Start from the beginning
                                    

Habang nagkw-kwentuhan kami ay saktong dumating ang van na lulan ay si Ms. Gomez at ang isang lalaki na halos kaedaran niya na hindi ko kilala.





"Magandang umaga sainyo. Pansin ko na kulang pa kayo ng dalawa kaya antayin muna natin sila bago tayo umalis," Tinignan kami ni Ms. Gomez at hinila papalapit sakaniya ang lalaki na kasama niya, "Siya nga pala, ipapakilala ko sainyo ang kapatid ko na si Lucas. Siya ang maggiging driver natin."





"Magandang umaga." Bati niya at nahihiya siyang ngumiti saamin.



Si Lucas ay hindi ganoon katangkaran pero 'di hamak na mas matangkad naman siya kay Ms. Gomez. Kapag pinagtabi sila ni Dominic ay mas matangkad si Dominic kaysa sakaniya. Wala lang nasabi ko lang kasi napansin ko. Mas gwapo padin sa paningin ko si Dominic at hindi na magbabago 'yon.



"Here, coffee." Tinignan ko ang inabot saaking tumbler ni Dominic




"Huh?" Lutang na tanong ko sakaniya



Agad niyang kinuha ang kamay ko at nilagay ang tumbler doon, "Sabi ko, ayan mag-kape ka para magising ka."




"Oo nga, pero 'di ba ininuman mo na 'to?"




Kumunot ang noo niya, "Bakit? Nandidiri ka na ngayon saakin? Parang dati lang nakikihigop ka pa sa softdrinks ko."



"Ewan ko sa'yo!" Naiinis kong sagot sakaniya at binalik ang tumbler niya na may lamang kape. Pero nagsisi rin ako na binalik ko kasi gusto ko naman talaga ng kape nakakahiya lang talaga at uminom na siya roon eh. Aba ano 'yon, indirect kiss? Pwede naman. Ano ba, Odesa! Utak mo!





"Uminom ka na, arte-arte mo." Saad niya saakin at inabot ulit ang tumbler.





Palihim akong ngumiti at kinuha ang tumbler niya. Uminom din naman ako at ang sarap sa pakiramdam ng mainit na kape na dumadaloy sa lalamunan ko. Habang nagkakape ako ay sakto namang dumating na ang dalawang tao na kanina pa naman inaantay— si Jimmy at si Remy.



Si Remy ay mukhang kagigising lang dahil suot pa ang panjama niyang SpongeBob ang design tapos naka-jacket lang at gulo-gulo pa ang buhok. Si Jimmy naman ay as usual, ma-porma. Tumingin siya saakin at inirapan ako kaya naman agad ko rin siyang sinuklian ng pantataray.




"Okay, since we're now complete, you can go inside the van so we can leave now." Saad ni Ms. Gomez at agad na nag-unahan ang ilan sa front row ng van kasi sa lahat ng pwesto ay doon ang pinaka-maluwag para sa mga matatangkad.






Hindi naman ako katangkaran kaya sa dulong row na ako umupo sa may bandang bintana. Huling pumasok si Dominic dahil kinausap pa siya ni Ms. Gomez at as usual, sa tabi ko na naman siya umupo. Kinuha niya ang bag ko at nilagay sa tabi niya kasi doon ay wala nang nakaupo. In total, 8 kaming lahat. Si Krisha at Clarrisa ay nasa second row ng van at ang dalawang ugok ay nasa front row seat. 4 rows kasi ang van na 'to at sa pangtalong row ay walang nakaupo pero doon nakalagay ang mga gamit ng mga kasama ko at sa dulo ay kami ni Dominic.

Forgive Me, Father... Where stories live. Discover now