Nakarating kami sa airport nang ligtas. Naunang bumaba ang mga kaibigan ko sa akin. Huli akong bumaba ng sasakyan at inalalayan din ako ni Christoff sa pagbaba ko. 

Mula rito ay natatanaw ko na sina Ivan. Nakatalikod si Ivan kaya likod niya lang ang nakikita ko. Si Tita ang unang humarap sa amin. Ngumiti agad siya nang makita kami. Si Claire naman ay may pekeng ngiti na ipinakita sa amin. 

Nakikita ko pa lang siya ay dumidilim na ang paligid ko.

"You're here! Ivan, look! They're your friends."

Ouch, friend.

Lumingon si Ivan sa amin. Bumilis agad ang pintig ng puso ko nang magtama ang paningin naming dalawa. Hindi ko alam kung nakikita niyang nakatingin ako sa kanya dahil suot ko pa ang salamin ko.

"Long time no see, Ivan. Alam namin na nagkaroon ka ng amnesia. But don't worry, Ivan. We will make memorable memories again."

Tumango si Ivan kay Laurence at ngumiti sa sinabi niya. Mas lalong tumangkad si Ivan at mas lalo itong gumwapo. 

"I'm sorry if I can't remember you all. Can I know your names, guys? I only know Mila, since she's my cousin. But the rest... I'm sorry."

Isa-isa namang nagpakilala ang mga kaibigan namin. Isa-isa rin silang nakipag-kamayan kay Ivan. Nang matapos na nilang sabihin ang mga pangalan nila, tumingin sa akin si Ivan. 

Tumingin din ang iba naming kasama sa akin. Ako na lang ang hindi nagsasabi ng pangalan sa kanya. Ang awkward lang kasi, alam ng mga kasama namin ngayon ang past namin ni Ivan. Nakita ko pa ang masamang tingin ni Claire sa akin. 

Naiilang pa ako sa mga tingin ni Ivan. Ang tagal na nung huli ko siyang nakita. Tapos magkikita kaming hindi niya ako naaalala?

"And you're?..."

"Amery...Amery Gem."

"Amery." He whispered.

Hindi na ako nag-abalang i-abot ang kamay ko sa kanya. Nakita ko naman siya na bahagyang tumango. Mukhang kinakabisado niya ang mga pangalan namin.

"Sige na, baka ma-late pa kayo sa flight niyo. Mag-iingat kayo ro'n, ah. Huwag kang mahihiya sa kanila, Ivan. Mga kaibigan mo sila." Ngumiti ako kay Tita bilang paalam sa kanya. 

Nasa loob na kami ng eroplano nang marinig ko ang boses ni Claire. "Ivan, sa tabi ako ng bintana, ah?"

Nakita ko naman na tumango lang si Ivan sa kanya. Umupo na rin si Ivan pagkatapos maupo ni Claire sa tabi ng bintana. 

Akala ko tapos na ang sakit na naramdaman ko. May mas ikasasakit pa pala kapag nakikita ko silang magkasamang dalawa.

Uupo na sana ako likod ng upuan nila Ivan nang bigla akong madulas. Babagsak na sana ako nang may biglang humawak sa likod ko. 

Nang tignan ko kung sino ang sumalo sa akin sa muntik kong pagkahulog, parang nahulog din ang puso ko nang makitang si Ivan pala 'yon. 

Nagtama ang mga mata namin. Ngayon ko siya natitigang mabuti. Sobrang lapit ng mukha naming dalawa sa isa't-isa. 

Umayos ako ng tayo nang mag-sink in na sa akin ang nangyari. Naramdaman ko ring lumapit na sa amin si Christoff. 

"Are you okay, Amery?"

Tumango ako kay Ivan. Hindi ko inaasahang tatanungin niya pa ako. "Y-yes, thank you, Ivan."

Umupo na ako sa likod nila at isinandal ko ang ulo ko sa bintana ng eroplano. Sinusubukan kong ikalma ang bilis ng tibok ng aking puso. 

"Amery, ayos ka lang ba? Namumula ka."

Tumingin ako kay Christoff na nasa tabi ko. Tanging tango lang ang naibigay kong sagot sa kanya. Pasimple kong tinignan ang mukha ko sa salamin, nagulat pa ako nang makitang namumula nga ang mukha ko.

Hindi ko na lang ito pinansin at itinulog na lang ito. I was sleeping the whole flight. I also didn't eat breakfast. Ang sabi ko ay sa airport na lang ako kakain. Pero mukhang sa palawan na ang almusal ko.

Nagising ako sa mahinang tapik sa pisngi ko. Lumapag na pala ang eroplanong sinasakyan namin. Ang sarap naman ng aking tulog para hindi ko ito mapansin. 

Inayos ko lang ang buhok kong medyo nagulo sa pagtulog ko at kinuha ko na ang luggage ko. 

Ang hangin na bumungad sa amin mula sa Palawan ay ang sarap na sa pakiramdam. Sumakay kami ng van para mapuntahan ang hotel na pagtutuluyan naming ng tatlong araw. 

Habang nasa van ay may sumira na ng aking mood. Nakita ko kasing kumakapit si Claire sa braso ni Ivan. Pero ang ngiti ni Claire ay unti-unting bumagsak nang tanggalin ni Ivan ang kamay ni Claire sa braso niya. 

Narinig ko pa ang dahilan ni Ivan. Naiinitan daw ito kaya tinanggal niya ang kapit ni Claire sa kanya. 

Mainit ba? Para sa akin kasi ay hindi naman. Malamig din naman sa loob ng van, ah?

Nabaling ang atensyon ko sa ganda ng lugar na aming pagtutuluyan. Dito pa lang ay kitang l-kita mo na ang ganda ng dagat. 

Apat na room ang kinuha namin. Sa isang room ay magkakasama sina Migs, Keith, Laurence, at Kent. Sa isang room naman ay kami nina Fatima, Julianna, at Mila. Kumuha ng sariling room si Christoff. At ang huling room ay kay Ivan at Claire.

Magsasama sila sa iisang room. Well, break naman na kami kaya wala akong magagawa. Kahit nasasaktan ako sa mga nangyayari ay wala akong magawa. Hindi ako si tadhana para baguhin ang kwento namin.

Pumunta kami sa isang restaurant sa hotel. Dito kami kakain ng breakfast. Nag-order lang ako ng pancake at hot coffee. 

Pagkatapos nito ay kuhanan ng mga litrato. This place is indeed paradise. Busy ako sa pagkuha ng litrato sa lugar nang lumpait sa akin si Claire. 

"Anong ginagawa mo rito? May kailangan ka ba sa akin?"

Ngumisi ito sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Well, you see, Amery, It seems like destiny's agreeing with me. Hindi ko nga alam kung bakit pumayag pa si Ivan sa bakasyon na ito."

"Kung ayaw mo naman pala sa bakasyon na ito, eh, 'bat ka pa sumama? Hindi ka naman kasi belong dito."

Nakita ko naman na nainsulto siya sa sinabi ko. "Girlfriend ako ni Ivan kaya kung nasaan siya, nandoon din ako. Oh, bakit? Naiinggit ka ba sa aming dalawa? You know, we will share one room. Who knows what will happen to us?"

Ngumiti ito sa akin, animo'y nang-aasar.

"Okay. Update mo ako sa mangyayari, ah? Bye!"

Bago ko siya tinalikuran ay nakita ko pa siyang nagdabog at sinamaan ako nang tingin. Parang gusto niya akong sugurin. Pero binalewala ko lang 'yon at tinalikuran ko siya.

Pagtalikod ko naman ay nakita ko si Ivan na nakatingin sa gawi namin. Si Claire siguro ang tinitignan niya. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating sa pwesto nina Fatima. 

"Nakita kong ang reaksyon ni Claire kanina. Anong nangyari sa inyo?"

Kumuha ako ng inumin at ininom ito bago sinagot ang tanong ni Julianna. "Pinagmamayabang niya na boyfriend niya si Ivan."

"Masama talaga ang kutob ko sa babaeng 'yan, eh. Wait lang, tatawagin ko si Ivan." Laurence.

Tinawag ni Laurence si Ivan. Lumapit naman agad sa amin si Ivan dito sa amin. Mabuti na lang at wala si Claire ngayon. 

"Ivan, huwag kang maiilang sa amin, ah. Alam naman namin na mahirap ang sitwasyon mo ngayon."

Ngumiti naman si Ivan sa kanya. "Thank you for your understanding. I really appreciate it."

"Pwede ba naming malaman kung hanggang saan ang naaalala mo?"

Sandaling natahimik si Ivan sa tanong ni Migs. Maging ako ay gustong malaman ang sagot ni Ivan. "Ang huling naaalala ko ay may celebration kami para sa birthday ko. I was fifteen years old at that time."

Marami rin pala ang nawalang alaala ni Ivan. Nadamay pa ang memories naming dalawa. 

"Do you guys know Claire?"

Nagulat ako sa tanong ni Ivan. Kahit ang ibang mga kasama ko ay nagulat sa tanong niya.

"Ang sabi kasi sa akin ni Claire ay naging kami raw noong senior high school pa tayo. Is she really my girlfriend back then?"

Her Asset Where stories live. Discover now