Ang mga kaibigan ko naman ay mga professionals na rin kagaya ko. Alam din nila ang nangyari sa amin ni Ivan. Hindi rin sila makapaniwala na magagawa ni Ivan ang bagay na 'yon. 

Hiwalay ang kumpanya naming magkakaibigan. Ang mga dating stem students namay ay mga doctors na ngayon. We still communicate with each other. Our friendships remained.

Nag-break na ang mga office mates ko. "Amery, tara na! Kumain na muna tayo!" Tumango lang ako sa kanila.

Wala akong planong bumaba ngayon. Tinatapos ko pa kasi ang ginagawa ko. Gusto kong umuwi nang maaga ngayon para makapagpahinga ako. 

Habang busy ako sa ginagawa kong trabaho ay may naramdaman akong tumabi sa akin. Hindi ko ito pinansin dahil abala pa ako sa ginagawa ko.

Tumigil lang ako nang kalabitin nito ang pisngi ko. Maiinis na sana ako sa taong gumawa sa akin no'n, pero nawala ito nang makita ko si Christoff. 

Muntik ko nang makalimutang dito rin pala siya nagta-trabaho. Nang makita niyang nabaling na sa wakas ang atensyon ko sa kanya ay nagpakita siya ng isang ngiti. 

May binigay ito sa akin ng paper bag. "Here, kumain ka na muna." Binuksan ko ang paper bag at may laman itong pagkain. 

"Thank you, Christoff. You don't have to do it, though. But still, thank you for this food."

Hindi ko na natiis ang sarili ko na ihinto ang trabaho ko para kumain. Nagutom din kasi ako nang makita ang dalang pagkain ni Christoff.

Sabay kaming kumain ni Christoff sa loob ng office. Nadatnan ko pa kami ng office mates ko na magkasama. Binigyan nila kaming ng nang-aasar na ngiti. 

Alam ko na ang iniisip ng mga 'to. Nang makita ni Christoff na nandito na ang mga kasama ko, umalis na siya. 

"Amery, kayo na ba ni Christoff?"

Sabi ko na nga ba't itatanong nila sa akin 'yon. Ilang beses na rin nilang tinanong sa akin 'yon.

"Hindi, noh! Kaibigan lang ang turing ko sa kanya." 

Tumango na lang sila at bumalik sa mga ginagawa nila. Inumpisahan ko na rin ang trabaho ko. Nang tapos na ako sa ginagawa ko ay nagpaalam na ako sa mga kasama ko. 

Nag-order lang ako ng pagkain dahil tinatamad na akong magluto. Habang nag-hihintay sa order ko ay nag-check muna ako ng mga messages ko. 

Fatima:

Amery, may free time ka ba?

Hindi agad ako nakapag-reply sa message niya. Iniisip ko rin kung may free time ako. 

Amery:

Why? Pwede ko namang gamitin ang leave ko. Aalis ba tayo?

After three years ay ngayon lang ulit sila nag-aya na umalis kami. Nakakapanibago lang din na biglaan silang mag-aya. 

Fatima:

Pumunta tayo sa Coron, Palawan. Stress na rin ang lahat sa mga trabaho nila. Kailangan natin 'to para naman makapag-relax tayo.

Amery:

Sure! Message me kung kailan. Para makapag-leave ako.

Fatima:

Sama mo na rin si Christoff!

Hindi naman bago sa kanila si Christoff dahil nakasama na rin naman nila ito. Kaya pwede ko siguro siyang isama. 

Amery:

Her Asset Donde viven las historias. Descúbrelo ahora