Mariin akong napapikit kasabay ng pag-alpas ng luha mula sa mga mata ko nang marinig ko ang busy tone mula sa kabilang linya. Hilam ng luha ang mga mata na ibinaba ko ang aparato sa gilid ko at hawak iyon na naglakad ako patungo sa direksyon na pupuntahan ko.

Maybe he doesn't really want to see me. Siguro na wrong dialed lang siya, na dapat si Chel yung tinawagan niya at hindi ako. Kasi sino ba naman ako para tawagan at puntahan niya?

Gusto niyang hindi ko siya mahalin, pero paano? Mahal ko na siya, gusto din ng ma Kuya ko na Pigilan yung nararamdaman ko for Knight, but how can I do that? Alam kong may pagkakataon na iyon ang gusto nilang mangyari. Kasi iyon ang paraan para hindi na mahirapan pa si Chel, but what about me?

Kaya ko lang naman pinagbibigyan ang aking sarili, kasi huli na. He already fell for Chel and even though he won't tell me, I already know.

All I can do is to be strong for myself but even that I can't do now.

Nilagay ko ang cellphone sa may bag ng makapasok ako sa loob ng jeep at paalis na kami, at ito ako pilit na pinunasan ang mga luhang tila wala ng tigil sa pagtulo mula sa mga mata ko.

Hindi pwede ngayon. Hindi ako pwedeng magkaganito ngayon.

Napaigtad ako mula sa pagkakaupo nang bigla na lang huminto ang jeep at may isang lalaking sumakay at tumabi sakin. He's looking at me as if the pain I'm trying to bury in me is the exact opposite with how it's out in the open in his.

"Knight..."

Hindi na niya hinintay pa ang iba kong sasabihin dahil sa isang iglap ay natagpuan ko na lang ang sarili kong nasa labas na ng jeep nang bigla na lang niya akong hilahin palabas at pagkatapos ay isinandal niya ako sa malamig na katawan ng kanyang sasakyan. Naguguluhan ako sa inaakto niya, paano niya nalaman na nandito ako? At bkt niya ako pinuntahan? Ano ba Knight, hindi na kita maintindihan.

The next moment I can feel his lips on mine, capturing them in the softest and warmest kiss that immediately burns away the cold that's been enveloping me these past few days. It also hurts but not in a way that he's inflicting it physically but because of how it feels.

It's like he's speaking to me with his kiss. Para bang sa halik niya ay humihingi siya ng kapatawaran, pang-unawa, at pagkatapos ay parang naramdaman ko ang kanyang pagmamahal na gustong pawiin lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko nang maramdaman kong humiwalay na ang mga labi niya mula sa akin. Isinadal ko ang pisngi ko sa palad niyang marahang humahaplos sa akin.

"I miss you." I whispered.

Tumango siya at nanatiling nakatingin sa akin. Sari-saring emosyon ang nakikita kong umiikot sa mga mata niya pero isa ang nangingibabaw. I know he's asking himself if this is the right thing. Hindi iisang beses na nakita ko sa kaniya iyon.

Alam ko na kada magkasama kami lagi niyang kinukuwestiyon iyon. Kung tama bang manatili sa kung ano ang meron kami kahit na alam naming pareho na masasaktan kami. Na alam niyang dadating ang oras na wala na siyang magagawa para sa akin. That he won't be there to help me when I'm hurting.

He's not selfish for not letting me go because that's the only way. That's the only way that I want to see. Kasi iyon ang kaya ko. It's not easy but it's the only way that I can live with. He knows that. Alam niyang kahit anong gawin niya ay iyon lang ang pipiliin ko.

I'm the selfish one for making him stay with me, even though I don't have enough time to be with him or stay with him forever. For making him choose this. Kahit alam kong mahihirapan siya kapag nawala na ako.

Hindi naman ako ang nanghalik. Hindi rin ako nagpahalik. Dahil kung alam ko lang eh, di sana umiwas ako. Malay ko bang gagawin iyon ni Knight. Kahit gwapo siya, hindi ako magpapahalik sa kaniya kung sakali. Talaga ba Samantha? Hahaha.

The Woman Who Doesn't Believe In Love (Lee Siblings Series#1)Where stories live. Discover now