Chapter 26

61 0 0
                                    

Zhemiya Blaitine.       Point of View

Wala na akong inaksayang oras at agad nag punta sa location. May 30 minutes pa, dapat maka abot ako. Ayaw ko may mapalpak, Lalo na si Mister Stanford ang nag pa utos. I mean, hindi naman totally Sakin inutos, pero kahit na. Ayaw ko pa rin siyang ma disappoint.

Agad ko naman nakita ang sasakyan ko. May nakahinto na Montero sa harap ng Abandonadong Building. Tumakbo na ako papunta dito, papasok na sana ako sa Driver seat. Nang biglang bumukas ang bintana.

Nakita ko naman na all black siya. With matching black cap and black mask. Kaya nga all black eh.

"Hop in"

na ngunot ang noo ko dahil parang computer ang boses? Pero nag kibit balikat nalang din ako dahil siguro gusto niyang itago identity niya. Sa Black Knife Organization kasi, pwede kang mamili. Kung anong gusto mo 'yong masyado bang Misteryoso o kagaya ng sa akin na, Hindi ganon ka misteryoso. Medyo na Weird-an din ako ng una, pero kala unan ay naintindihan ko na din.

" We have 29 minutes left" bulong ko. Nakaka pressure ah. Sana naman talaga huwag pahamak itong kasama ko.

Medyo nakahinga ako ng maluwag nang binilisan niya ang pag papatakbo ng kotse. Akala ko hindi niya pa bibilisan eh, baka masapak ko 'to ng wala sa oras.

Malapit lang naman dito 'yon, kaya mabilis din kaming makakararating. Lalo na mabilis pa siyang mag drive.

Wala pang 10 minutes nang huminto kami sa isang bahay. Liblib ang lugar, pero aakalain mo na simpleng bahay lang ito.

Lumabas na ako at tinignan kung may tao. Tsk, wala man lang bantay. Nice, medyo mapapadali ang trabaho ko dito ah.
Aakyat na sana ko sa bakod ng pigla akong hinila ng kasama ko.

" What the fu—" tinakpan niya ang bibig ko.

" Hindi pa nga tayo nag sisimula, mag papakamatay ka na. Hindi mo ba nakikita 'yong bakod? Kita mo 'yang manipis na bakal na 'yan? Kuryente lang naman 'yang hahawakan mo sana. Sakit mo sa ulo" bulong niya. Tinignan ko naman ang sinasabi niya.

Oo nga 'no? Bakit hindi ko napansin, mukhang mahirap maka pasok dito. talagang napaka delikado dito.

" Tara sa Gate" aya niya? Tanga ba 'tong kasama ko? Edi mas lalo kaming nahuli. Sarap sapakin talaga pag ganito kabobo 'yong kasama mo.

" Kalma, masyado mo akong jinu-judge, base sa itsura mo. Wag ka mag alala, hindi nila tayo mahuhuli. Pinag aralan ko ang buong detalye ng bahay na 'to" inirapan ko nalang siya. Tsk, akala ko pa naman ta-tanga tanga din siya. Gusto ko pa man din manapak.

Pero base din sa itsura nang bahay, mukhang hindi nga basta basta makaka pasok. Kung masyado kang ta-tanga tanga. Akala ko pa naman madali lang namin 'to mapapasok. Hindi pala argh.

Nag lakad na kami papasok sa gate, na walang kahit na anong, ingay. Pag kapasok namin ay doon kami dumeretso sa garehe. Pinasadahan ko ng tingin ang garahe. Wala naman akong nakikitang ka-kaiba. May nakita naman ako na maliit na bakal sa lapag. May hawakan ito. Agad akong lumapit dito at dahan-dahang inangat, napangiti ako ng lihim ng bumukas ito.

Walang pag aalinlangan akong pumasok. Hindi ko na hinintay ang kasama ko, alam naman niya ang gagawin niya. Tumambad sa akin ang madilim na kwarto, pero hindi ito dahilan para umatras ako. Sanay akong makakita sa dilim. Pinakiramdamam ko
Ang paligid, nang maka sigurado na akong walang ibang tao. nag lakad na ako papunta sa Pintuan. Dahan-dahan kong pinihit ang door knob.

" Siguraduhin niyo lang na walang makaka pasok, kayo ang malilintikan sa'kin" napangisi naman ako. Too late, naka pasok na kami. Narinig ko naman ako yabag na papalayo sa akin. Nag hintay pa ako ng ilang segundo para makalabas ng pinto.

I'm His Secret Assassin Where stories live. Discover now