69

43 4 3
                                    

Solenn

Iniayos ko ang pagtayo ko at muling humarap sa kanya. Nakayuko lang ako, walang balak na tingnan siya.

"Ano 'to ha?! Bagsak?! Pucha naman, Solidad!" sunod-sunod nitong sabi habang sunod-sunod rin ang pagpatak ng luha mula sa aking mga mata.

"Ma..." mangiyak-ngiyak kong sabi.

"Tangina naman, dito pa talaga! Eh 'diba favorite subject mo 'to? Anong nangyayari sa'yo? Quiz lang 'to pero bagsak ka na agad!"

"Puro ka kase lakwatsa e! 'Yang pag-gala gala na 'yan ang inaatupag mo kaysa itong pag-aaral mo kaya tingnan mo, bagsak ka tuloy!"

"Wala ka talagang kwentang bata ka! Pabigat ka lang talaga! Ito na nga lang ang gagawin mo, hindi mo pa inayos!"

Habang sinasabi niya lahat ng iyon, walang tigil sa pag-daloy ang mga luha ko na para bang wala ng katapusan. Ang pisnge ko naman ay kumikirot dahil sa sampal.

Kahit alam kong mali na sampalin nila ako dahil lang bagsak ako, hindi ko pa rin magawang ma-ipagtanggol ang sarili ko. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang lumaban sa kanila. Hindi ko kayang sumagot sa kanila dahil simula bata ako, ipinakita nila sa'kin na sila ang dapat sundin at pakinggan- na sila ang laging tama.

Kapag ipinag-tanggol mo ang sarili mo, iisipin nila na bastos ka kahit ang gusto mo lang naman ay makita nila ang pagkakamali nila.

"Siguro ito ang nakukuha mo kaka-sama at kaka-dikit mo sa mga kaibigan mo, 'no?! Layuan mo na yang mga kaibigan mong 'yan ha. Hindi sila nakakabuti para sa'yo! Tingnan mong nangyayari sa'yo ngayon, bagsak!"

Panay ang pag-hikbi at pag-punas sa luha ang ginawa ko. Wala akong ibang magawa kundi ang yumuko at tanggapin na lang ang sinasabi nila.

Gusto kong ipagtanggol sina Evah p-pero.. hindi ko magawa. Hindi ko kaya.

"Ayusin mo Sol 'tong pag-aaral mo ha, kung ayaw mong patigilan kita sa pag-aaral at pag-trabaho-hin na lang."

Between Hello and Goodbye Where stories live. Discover now