44

51 3 3
                                    

Solenn

After class, dumiretso ako sa bahay para magbihis. Ilalabas ko kase sina mama, sana lang pumayag sila. 'Di kase 'yon mahilig sa mga ganito e.

"Ma?" saad ko pag-pasok ko sa kwarto nila.

Ramdam agad ang lamig ng aircon pagbukas pa lang ng pinto. Si mama lang ang nandito, baka nasa trabaho pa si papa.

Hindi sumagot si mama kaya nagpatuloy na lang ako sa pagsasalita. "Ma, labas tayo. Birthday ko e," nakangiti kong sabi, hoping na papayag siya but she didn't answer.

I sighed. "Ma, please naman oh. Labas tay-" hindi ko natapos pa ang sasabihin ko ng bigla siyang magsalita.

"Ano ba, Solidad? Alam mong wala akong oras sa ganyan tsaka ang tanda-tanda mo na, gumaganyan ka pa. E ano naman kung birthday mo? Kaysa mag-aral ka na lang, kung ano-ano pang ginagawa mo. Nagawa mo na ba yung assignment mo? Yung result nung exam niyo nung nakaraan, lumabas na ba? Amin na patingin." tuloy-tuloy nitong sabi sa pasigaw na tono.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. "Perfect po ako do'n sa exam. Tapos ko na rin po yung mga assignments ko." naka-yuko kong sabi habang pinipigilang tumulo ang mga luha.

"Aba'y dapat lang. Kung gusto mo i-celebrate 'yong birthday mo pwes maghanap ka ng ibang kasama. Guguluhin pa 'ko, nakakabwisit!" pasigaw na sabi niya.

Mapait akong ngumiti at lumabas na rin sa kwarto niya. Pinigilan ko ang luhang kong tumulo.

"Ano ba pang bago? Lahat naman ng birthday ko ganyan siya." bulong ko.

Wala siyang inintindi kundi grades ko. Nakakainis na, nakakapagod. Kapag nakakuha ako ng mababang grades, galit na galit siya. Kahit anong explain gawin ko basta mababa para sa kanya, wala akong magagawa. Kaya natatakot akong mag-fail, kase alam ko kung anong mangyayari. 

Nakabihis na naman ako kaya dumiretso na lang ako kanila Evah. 

Between Hello and Goodbye Onde histórias criam vida. Descubra agora