III

7 1 0
                                    

Chapter 3
LQ na walang L

♡⊹˚₊❀˖°𓆤°˖❁₊˚⊹♡

"Bebe Ches!"

Napatigil ako sa paglalakad palabas sa malaking gate nitong school. Mabilis na napalingon ako sa likod at nakita si ate Yan kasama si ate Rona na papalapit sa'kin.

"Mhie!" Malaki ang ngiting tinakbo ko ang konting agwat namin at pumagitna sa dalawa. Niyakap ko si ate Yan sa bewang. Sinadya ko pang isubsob ang mukha ko sa malaki nyang boobies na panandaliang nagpawala sa stress ko sa nagdaang dalawang araw. May healing powers talaga ang boobies ni ate Yan. Tested and proven na. Humiwalay na ako dito at sunod namang humarap sa nasa right side kong katabi.

"Ate Rons~" magiliw kong bati dito at niyakap sya na ginantihan nya rin naman.

"Balita ko halos mamatay ka na ah," natatawang sabi nito nang matapos ang yakapan namin.

Nagsibalikan naman lahat ng paghihirap ko two days ago. Yung nakakamatay kong hangover. Yung pamimilipit ng tyan ko sa sakit at hindi nito pagtanggap ng pagkain kaya walang tigil yung pagsusuka ko. Akala ko talaga mamamatay na ako nun.

Napangiwi na lang ako na nagpatawa naman kay ate Rons. Nagsimula na kaming maglakad at kinawit sa kanila ang dalawa kong braso.

"Kamusta ka na? Akala ko kung ano ng nangyari sayo. Pinakaba mo kami ah. Pupuntahan na sana namin ikaw ngayon kung hindi ka pa nagpakita," pag-aalala ni ate Yan.

"Don't worry, ate. Okay na 'ko. Kaya ko na ulit uminom. Sorry, hindi ko na kayo na-update. Kinuha kasi ni panget yung cp ko." Mabilis kong napansin ang medyo pagtaas ng isang kilay nya at ang saglit na pagdaan ng kislap sa mata sa pagbanggit ko kay panget.

Patay na patay talaga kay ate.

Nagkatinginan naman kami ni ate Rons at sabay kaming napaikot ng mata. Hindi ko alam kung anong nagustuhan ni ate Yan sa malahalimaw kong ateng yun. Matagal ko na syang binabalaan na please 'wag na si ate kasi kakawawain lang sya nun. Pero love is blind talaga.

"Kaya as usual, grounded na naman ako," dagdag ko pa.

Kinaumagahan, pagkauwi ko after ng party, yung kapangitan agad ni ate ang bumungad sa'kin sa bahay. Nakisabay pa sa hangover ko. As always, mabilis nakarating sa kanila yung paglalayas ko kahit na hindi naman ako nagpaalam. And as always, nilaglag na naman ako ni ate Tes na parang wala man lang kaming pinagsamahan. Nakakatampo.

Tapos two days pa akong knock-out sa kama ko dahil sa nakakamatay kong hang-over. That means two days rin akong absent sa school. Kaya wala akong chance na makausap man lang sila para masabi na buhay pa ako.

"Kaya sa sunod, eat first, inom later. Ok?" pagpapaalala sa'kin ng mudrakels ko. Parang batang napatango-tango naman ako. Inalis ko na ang pagkakakawit ng braso ko sa kanila nang makita ang kotse naming nakaparada sa malawak na sidewalk.

"Bye na mga ate. Nandyan na si kamatayan. Sinusundo na 'ko," sabi ko naman na nagpatawa sa dalawa.

Lumapit na ako sa kotse nang bigla namang bumukas ang pinto ng driver seat. Lumabas ang dragon, salubong na salubong ang kilay nito na nakatuon lang ang atensyon kay ate Yan. Ramdam ko na agad na maghahasik lang 'to ng gulo.

"Hi, Jas! Pasalubong ko?" sabi pa ate Yan dito na ngiting-ngiti. Mabilis kong sinundan ang dragon at hinawakan ang braso nito. Halos tatlong hakbang na lang ang pagitan nya sa target nya.

"Bitaw," mariing sabi pa nito na akala nya madadala ako ng tingin nyang yun na simula mga bata pa lang kami palagi na nya ginagamit sa'kin. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa kanya kaya wala na syang nagawa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 12, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hopelessly Crushing Into YouWhere stories live. Discover now