Chapter 35: Duel

53 2 0
                                    

WARNING: Graphic or explicit violence/death on page.

* * *

VAI.

Everything was such a blur, hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko o kung ano ang tama at totoo sa mga pinapaniwalaan ko.

Maeve, my supposed to be cousin came here to save me, sa isla kung saan ako dinala nina Rhian Vargas habang nasa bingit ako ng kamatayan . . . and claimed herself to be my sister.

Anak si Maeve ni Uncle Drew . . . or so I thought? Hindi ko naman alintana noon pa man ang pagiging magkamukha namin at sa dami naming pagkakaparehas kahit magpinsan lang kami dahil alam kong sa genes iyon.

Parehas ng favorite food, favorite color, ng preferences sa mga bagay-bagay. We even have the same birthmarks in our body. Saka palagi rin kaming magkasama noon, hindi mapaghiwalay.

Pero hindi ko iyon masyadong pinagtuunan ng pansin kasi syempre, natural lang naman iyon kapag magkadugo.

Pero ngayon, hindi ko na alam ang sasabihin ko o gagawin, o ang ire-react man lang. Hindi ko pa lubos na maintindihan ang lahat ng narinig ko kay Rhian Vargas kanina, tapos eto na naman?

My body is so tired. So is my mind and my heart.

Hindi ko na alam.

"Who are you?" Tanong ng doctor na nakahawak sa akin kay Maeve. Pansin ko ang panginginig ng kanyang kamay na nakahawak sa akin dahil siguro sa takot ng dala ni Maeve, pero pinapakita niya pa ring matapang siya.

Even his assistants were caught off guard. Nanatili lang silang makamasid at hinihintay ang sunod na mangyayari.

"Let go of my sister, Arturo. You may not know me, but I know everything about you. I know you're just following orders. But your daughter in the hospital would be gone the moment you don't follow mine."

Pinanindigan ako ng balahibo sa sinabi ni Maeve. Kilala ko siya-she wouldn't do that, right? Alam kong hindi niya kayang gawin iyon.

"And trust me, a phone call here and now would make that happen. I'm not joking."

Or maybe, she really can.

Agad akong binitawan ng doctor at yumuko siya sa harap ni Maeve, tuluyan nang ipinapakita na kinakabahan siya't natatakot.

"W-walang kinalaman ang anak ko rito! Pakiusap, siya nalang ang natitira kong pamilya. Sumusunod lang ako kung ano ang inutos sa 'kin para matustusan ko ang pangangailangan ng anak ko . . ." Mangiyak-ngiyak niyang sambit.

Nadurog ang puso ko sa narinig. Alam kong pati si Maeve dahil ibinaba niya ang kanyang hawak. Unti-unti siyang lumapit sa amin.

"I-ikaw ba talaga ang tunay na tagapagmana at ang unang anak ni Raniel Valle?"

Tumingin si Maeve sa akin bago ulit bumaling sa doctor. She nodded.

"I am the first born. My identity was hidden as just the cousin of my younger sister in order to keep me safe. Little did I know, she would be the one who's going into trouble."

Bumalik ulit ang tingin ni Maeve sa akin, this time, puno ng lungkot at pagsisisi. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Dapat ba akong magalit? Dapat ba akong umiyak? Dapat ba akong matuwa? Ewan ko. Masyadong mabigat at malaki ang sitwasyon para intindihin ko pa ito.

"Maeve." Iyon lamang ang nasabi ko.

"I will tell you everything when we go back. For now, let's get out of this underground." Akmang lalapit na si Maeve sa akin nang makita kong gumalaw ang isang assistant ng doctor para barilin si Maeve, pero huli na ang lahat dahil bigla na lang siyang nahiga sa sahig.

Fryxelle High: School of Gangsters [COMPLETED]Where stories live. Discover now