"Why are you here, baby?"

Tumayo ako at matapang na hinarap siya. "Ikaw ang tatanungin ko niyan. Bakit ka nandito? Dapat ay nasa school ka at nagpa-enroll, 'di ba?"

Parang napagtanto niya na kung ano ang tinutukoy ko. Unti-unting nagbaba siya ng tingin sa sahig.

"Umamin ka nga sa akin! May hindi ba ako nalalaman?!"

Ramdam ko pagkabog ng aking dibdib. Panay ang hinga ko nang malalim. 

"Hindi ako pumunta sa school kanina dahil hindi na ako mag-aaral...dito."

Naguluhan naman ako sa sinabi niya. Ang akala ko ay dito na siya magtatapos ng kanyang pag-aaral.

"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?"

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pag-iyak ko. 

"I'm sorry. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa'yo."

"S-saan ka mag-aaral? S-sa Manila ba? O kaya naman sa probinsiya?"

Umiling siya sa akin. Parang hirap na hirap siyang sabihin kung saan.

"N-new Y-york."

Tuluyang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Nang makita 'yon ni Ivan ay nataranta siya. Lumapit siya sa akin at pinunasan ang luhang pumapatak sa mukha ko gamit ang kanyang kamay.

"Hey, baby, listen to me. Uuwi ako palagi para sa'yo."

Patuloy pa rin ang pagpatak ng luha sa pisngi ko. At patuloy din siya sa pagpunas ng luha ko.

"Iiwan mo ako rito?"

Sunod-sunod naman ang iling niya. "Huwag mong isipin na iiwanan kita. I gave you my promise ring, baby. I told you, no matter what happens to us, I always find a way to come back home. Babalik at babalik pa rin ako sa'yo." Pumikit ako nang maramdaman ang kanyang labi sa noo ko.

Ayaw ko namang maging selfish. Ayaw ko na pigilan siya. Ayaw ko na masakal siya sa akin. 

Pero ang hirap na hindi ko siya nakikita 'lagi. Nasanay na ako sa presensya niya. Pero limang taon lang naman 'yon. Tapos uuwi na siya sa akin. 

Makakaya naman namin 'yon, 'di ba?

"Shh, stop crying, baby. Lagi naman akong uuwi sa Pilipinas. I'm sorry, pinilit ko naman sina Mama, pero kailangan ko raw talagang mag-aral do'n dahil ayon ang gusto ni Lola na mangyari bago siya mawala."

Ang hirap niya namang pakawalan. Aaminin kong natatakot ako sa LDR. 

"Paano kung may makilala kang babae ro'n? Paano kung nagsawa ka na sa akin?"

Hinawakan niya ang mukha ko at iniharap ito sa kanya. Hinalikan niya ang labi ko. Kahit na luhaan ay sumagot ako sa halik niya. 

Nang humiwalay siya sa akin sy tinitigan niya ang mga mata ko. Tumingin ako pabalik sa kanya.

"That would never happen, baby. Do you trust me?"

Tumango ako sa kanya. Ngumiti siya sa naging reaksyon ko. Niyakap niya ako nang mahigpit. 

"K-kailan ang alis mo?" 

"Saturday." Sabi niya nang hindi bumibigaw sa pagkakayakap sa akin. 

Isang araw na lang pala ang natitira naming oras para magkasama. Hindi pa siya umaalis pero feeling ko miss ko na agad siya.

"I will spend my day with you tomorrow, baby."

Tumango lang ako sa sinabi niya. Hindi ako humiwalay sa yakap niya. Natatakot ako na kapag bumitaw ako ay hindi ko na siya makita.

Her Asset Where stories live. Discover now