At sa pagkakataong 'yon ay tila natauhan siya. Bigla niyang hininto ang kotse. Humarap siya sa akin.

"Kanina pa kita tinatawag, Ivan. Bakit hindi ka sumasagot?"

Huminga siya nang malalim. "I'm sorry, baby. May iniisip lang ako. I'm really sorry."

"Umamin ka nga sa akin, Ivan. May hindi ka ba sinasabi sa akin?"

Nakita ko ang pasimpleng paglunok niya. Nakita ko rin kung paano humigpit ang hawak niya sa manubela.

"Don't worry, baby. Napagod lang siguro ako kanina."

Bumaba ang tingin ko sa mga kamay ko. Gusto ko mang maniwala sa kanya pero hindi ko kaya. Ilang araw ko na siyang napapansin na ganito. 

Ano ba talagang problema niya?

"What did you say earlier, baby? I'm sorry I didn't catch up."

Pinilit ko siyang ngitian kahit ako'y litong-lito. "I said na malapit na ang third anniversary natin."

Doon ko nakita ang saya sa kanyang mga mata. Sinimulan niya na ring paandarin ang kotse.

"Yeah, I know. And I'm planning to take you to the beach."

Pansamantala na nawala ang mga naiisip ko kanina. Bigla akong na excite sa sinabi niya.

"Gusto ko ring mag-beach kasama ka."

Ngumiti siya sa akin at hinalikan ang noo ko.

And just what Ivan said. He take me to the beach. We will celebrate our anniversary here. And I'm really happy to spend this day with him.

Nandito kami ngayon sa dalampasigan. Nakaupo kaming dalawa ni Ivan habang nakasandal ang likod ko sa kanya. Hinahalikan niya rin ang buhok ko. Habang ang kamay niya ay nakayakap sa akin.

"Ivan, one year na lang at graduation ko na. Dapat nandoon ka sa graduation ko, ah?"

Tumingin ako sa kanya para makita ang reaksyon niya. Pero napawi ang ngiti ko nang makita kong natigilan siya sa tanong ko.

Imbes na sagutin ang tanong ko ay hinalikan niya ako sa labi. Sinagot ko naman ang halik na ibinigay niya sa akin.

Nang maghiwalay ang mga labi namin ay tumingin siya sa akin ng diretso. Kumawala ang ngiti sa kanyang labi pero hindi 'yon umabot sa kanyang mga mata.

"I love you." 

Nginitian ko siya pabalik at niyakap nang mahigpit. 

"I love you, too." 

Sapat na sa akin ang sagot niya na 'yon para malaman na hindi niya ako iiwan. At hindi ko alam ang gagawin ko kapag iniwan niya. 

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maisip na magiging boyfriend ko ang dating crush ko lang. Nag-first move pa ako sa kanya pero siya pala ang unang nahulog sa amin. Gumawa pa ako ng dump account para lang umamin sa kanya.

Three years na kami ngayon pero hindi pa rin alam ni Ivan na ako ang babaeng umamin sa kanya sa instagram. 

"Ivan?" Tinawag ko siya at humarap sa kanya.

"Hmmm?"

"Naalala mo pa ba 'yung girl na umamin sa'yo sa instagram?"

Sa una ay parang naguguluhan pa siya sa tanong ko. Pero nang magkaroon siya ng idea sa sinabi ko ay tumango siya sa akin.

"Yeah, Grade 11 pa tayo nung nag message siya sa akin."

Hindi ako kumibo at nakatingin lang sa kanya. Pero nang mapagtanto niya ang tanong ko ay biglang nanlaki ang singkit niyang mga mata niya.

"Wait, how did you know that? Wala akong nakwento sa'yo na gano'n."

Tumawa ako sa tanong niya at kinalabit ang ilong niya.

"What do you think?"

Hindi pa rin siya makapaniwala sa sinabi ko. Ang cute naman niyang magulat.

"D-don't tell me na ikaw ang babaeng 'yon?"

I smiled at him and nodded. Mas lalong nanlaki ang mata niya. Umawang din nang bahagya ang kanyang bibig.

"How? Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

Ikinuwento ko ang nangyari ng mga panahong crush ko pa siya at hindi boyfriend. Kung paano ko siya nakilala at nakita.

Pagkatapos kong sabihin sa kanya ang lahat ng 'yon sa kanya ay tulala lang siya. Parang hindi niya pa maproseso ang lahat. Well, naiintindihan ko rin naman siya. Gano'n din naman ako nung una nang umamin siya sa akin.

"Kaya gano'n na lang ang gulat ko noong umamin ka sa akin. Pero hindi ko sinabi sa'yo na ako yung umamin sa instagram dahil hindi ko alam paano ko sasabihin sa'yo. Nahihiya rin akong magsabi sa'yo no'n. Ngayon lang ako nagkalakas ng loob para sabihin sa'yo iyon, Ivan."

"I'm speechless, baby."

Hinarap ko siya ay niyakap. Tumatawa pa ako dahil hindi niya talaga alam ang sasabihin niya. 

Nang gabi na ay bumalik na kami sa room namin. Kakain na kami ng dinner at magpapahinga. Nag-order kami ng food dahil ayaw na naming bumaba ni Ivan.

Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga muna kami bago magpahinga. Nandito kami ngayon sa balcony ng hotel. Pansin ko rin na wala ng taong gising ngayon.

Umiinom ng wine si Ivan habang ako naman ay umiinom ng gatas para makatulog ako nang maayos.

"Ivan, patikim ako ng wine."

Titikman ko lang naman. Hindi naman ito ang first time ko na iinom ako ng wine. Pero imbes na patikim ako ay inilingan niya lang ako.

"Titikman ko lang naman, Ivan. Promise, tikim lang talaga." Pamimilit ko sa kanya. 

"Come here."

Nagtataka man ay lumapit pa rin ako sa kanya. Pero nagulat ako nang hilain niya ako paupo sa kanyang hita.

"Do you really want to taste it?"

Seryosong tanong nito sa akin. Wala sa sariling tumango ako. Nakatitig pa rin ako sa mga mata. 

Nilagok niya ang natitirang wine kaya nagtaka ako sa ginawa niya. Ang akala ko ba ay bibigyan niya ako? 

Pero bago pa ako makapag tanong ay inilapit niya na ang mukha niya sa akin at hinuli ang labi ko. Nang makabawi ako sa pagkagulat ay unti-unti kong ipinikit ang ang mga mata ko at gumanti sa kanyang halik.

Nalasahan ko ang wine na kanyang ininom kanina. Mas idiniin niya pa ang paghalik sa akin kaya humawak ako sa kanyang buhok.

Habang tumatagal ay mas lalong umiinit ang aming paghahalikan. Dahil sa katahimikan ng aming paligid ay dinig na dinig ang tunog ng aming paghahalikan.

Nang pakawalan niya ang aking labi ay doon ako kumuha ng hangin. Unti-unti namang bumaba ang paghalik ni Ivan sa aking leeg. 

"Ivan."

Maging ang pinakawalan kong tinig ay nag-iba. Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang paggawa ng anumang tunog.

Bago pa tuluyang mauwi sa kung ano ang ginagawa namin ay huminto na si Ivan. Pinatakan niya ng halik ang noo ko at niyakap ako.

"Muntik na." Bulong ni Ivan. Sapat na para marinig ko.

Nang humiwalay siya sa yakap niya ay may kinuha ko siya sa bulsa niya. Isa itong maliit na box na kulay pula. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ito.

Nang makita ni Ivan ang reaksyon ko ay tumawa siya.

"Easy, baby. It's just a promise ring."

Nakahinga naman ako nang maluwag sa sinabi niya. Akala ko ay ano na. Inilabas niya ito sa box. At sobrang ganda ng singsing na 'yon. Kinuha niya ang kamay ko at isinuot ito sa akin.

"I'm giving you this promise ring to promise you that no matter what happens to us, I will always find a way to come back home, baby."

Her Asset Where stories live. Discover now