Kung tutuusin, kayang-kaya niyang sagutan lahat ng nakasulat sa unahan. Pero huwag nalang. At kahit naman tama ang isagot niya, hindi pa rin naman ito matutuwa.

Well, sino ba naman ang matutuwa sa kanya? Wala. Kaya mas better kung iisipin nalang ng mga ito na bobo siya at walang kaalam-alam. Sa mga written outputs nalang siya bumabawi.

"Naku, naku! Ang simple lang ng tanong sa number 2 pero hindi mo pa magawang sagutan? May I ask you, Miss Illarionova... saang lupalop ka ba napulot ng mga magulang niyo at hindi ka man lang nahawaan ng katalinuhan?" mapang-asar na tanong nito sa kanya.

Kahit hindi nito direktang sabihin, alam na alam na niya kung ano ang ibig sabihin nito. Unlike her kuya Skyde and ate Skylla, hindi niya kayang makapagsabayan sa dalawa.

Bobo siya. At mananatili siyang bobo sa paningin ng maraming tao.

Hindi niya rin magawang sumagot sa tanong nito. Nanatili lamang nakayuko si Sky. Yeah, right. Kailan ba siya hindi nakatanggap ng pang-iinsulto mula sa prof nila na ito or kaya mula sa ibang tao? Kahit naman anong gawin niya, maiinsulto pa rin siya. Kahit anong sabihin niya, may masasabi pa rin ang mga ito.

Why they keep on comparing me to my siblings, anyway? Required na ba sa mundo na dapat matalino ang isang tao?

"Lerejas! Tulungan mo si Illarionova" tawag pa nito sa isang classmate niyang lalaki, si Kent Lerejas. Nakita niyang sinulyapan siya nito at tipid na nginitian. She smiled back at him then she mouthed 'thank you'.

Dahan-dahang bumalik sa pagkakaupo si Sky. Muli niyang sinulyapan si Rui tsaka ito kinindatan. Problem solved. Kahit ilang beses pa siyang makatanggap ng pang-iinsulto mula rito, kayang-kaya niyang tiisin iyon. Wala nang bago do'n. Sanay na sanay na siya.

After dismissal, kinulit na siya ng kinulit ni Ruin. Tanong ito ng tanong kung baliw na ba siya or what. Natatawa nalang siya. Bakit ba super big deal sa kanila ang ginawa niya? She just saved herself from the nonsense trip of their professor.

She's not stupid for not noticing him earlier. Sino ba namang prof ang basta na lamang tatawag ng estudyante tapos kapag hindi nakasagot, bigla nalang magbibitaw ng mga below the belt na mga salita. Hindi rin naman siya gano'n kabobo para hindi mapansin na siya palagi ang trip nito every week during his class.

"Shuta naman, Langit! Bakit ba palagi mo nalang hinahayaan na pagsalitaan ka ng gano'n ng panot na 'yon? Tapos may pakindat-kindat ka pang nalalaman kanina" asar na saad ni Ruin sa kanya.

"Hindi porket langit ang pangalan mo, a-akto ka na parang santo o parang anghel sa harapan nila"

Inosenteng tinapunan niya ng tingin ang nag-aalburutong kaibigan. "Hayaan mo na 'yon. Tapos na nam—"

"Oh shut up! Ganyan ka na ba ka-manhid? Inaabuso ka na no'ng panot na prof natin tapos sasabihin mo ngayon na okay lang, hayaan nalang?"

"Rui—"

"Talk to my hand, Sky Demeter Illarionova. Hindi ko talaga alam kung talagang manhid ka ba or nagmamanhid-manhidan lang" pagpapatuloy pa nito tsaka siya tinalikuran.

Walang nagawa si Sky kundi ang sundan na lamang ito ng tingin habang naglalakad ito papalayo sa kanya. Sanay na siya sa ganitong scenario. Hahayaan nalang muna niya si Ruin na magpalamig ng ulo. Hindi naman siya nito matitiis at lalapit rin sa kanya para mag-sorry.

"Hays... Kung alam mo lang, Rui" Napailing nalang si Sky at mag-isang tinungo ang cafeteria ng school. Kakain na naman siyang mag-isa. Beast mood pa kasi ang dapat na kasama niya.


"ISANG pizza roll po" Agad niya namang inabot ang bayad sa nagbabantay. Binigyan naman siya nito ng isang pizza roll. Naghanap rin siya ng isang vacant table at doon naisipang ubusin ang pagkain niya. Ganito palagi ang routine niya sa Vista Alegre.

Mag-isa. Nakaupo sa isang sulok. Kung hindi pa siya lalapitan ng isang Ruincell Claveria, baka iisipin niyang isa lamang siyang statue na nakaupo.

"Aaahhhhh!"

Napaangat lamang ng ulo si Sky ng biglang may magtilian. Agad na dumapo ang tingin niya sa pinaka entrance ng cafeteria. And there she saw the SSG council. Familiar sa kanya ang mukha ng mga ito, especially those very familiar face of her brother and sister, Skyde Dominic Illarionova and Skylla Denice Illarionova. Parehong gwapo at maganda, kaya naman sikat na sikat ang dalawa.

Nang mapansin ni Sky ang paglilibot ng tingin ng kuya Skyde niya, mabilis niyang ibinaba ang suot na bull cap at umub-ob na lamang sa lamesa.

Shete. Huwag naman sana siyang malasin ngayon. Kapag nakita siya ng dalawang kapatid, tiyak na malalagot na naman siya. At iyon ang pinaka-ayaw niyang mangyari dahil medyo nakakasawa na. Paulit-ulit nalang kasi.

Palihim na sinulyapan niya muna ang mga ito tsaka siya nagpasyang tumayo at lumabas ng cafeteria. Rinig na rinig niya pa ang boses ng ate Skylla niya habang ibini-bida sa mga kasama ang project na ginawa 'kuno' nito.

Napailing nalang siya at malungkot na napangiti. Atleast napasaya niya ang ate niya at natulungan niya pa kahit papano.

Hindi naman siya mina-malditahan nito kapag nasa bahay na. Medyo strict lang ang dalawang kapatid sa kanya kasi mas matanda ang mga ito. At sino ba naman siya para magreklamo?

This is the life that she wanted. Kung makakaya niyang pasayahin ang mga ito sa simpleng pagsunod niya, she will gladly do it.

Minutes later, natagpuan nalang ni Sky ang sarili sa lugar na lagi niyang pinupuntahan every vacant time nila, sa garden ng university. Dito rin siya madalas magtungo kapag naiinis sa kanya si Rui.

At gaya ng palagi niyang ginagawa, tumingala na naman siya sa kalangitan. She can't help but to think about her reality. Sa lugar na ito nagagawa niyang pakalmahin ang sarili niya. There she found her peace and sanctuary. Ito ang lugar kung saan nakakaya niyang ilabas ang lahat ng hinanakit niya sa buhay.

At walang ibang nakakaalam no'n kundi siya lang, ang sarili niya lang mismo.






A/N: Saktan ko muna kayo ng very slight. Anyway, don't forget to vote and comment. Enjoy reading, arkiiess!

Gazing The Stars (Farewell Series #1) | Ongoing Where stories live. Discover now