Chapter 06

111 24 1
                                    


"THANK YOU..."

She don't know why but she feels like being thankful to him. Kung hindi siya nito hinila pasakay sa bus kanina, baka hanggang ngayon nando'n pa rin siya at nag-aabang ng sasakyan.

Pinauna siya nito sa pagbaba ng bus tsaka ito naman ang sunod na bumaba. Nandito na sila ngayon sa bus station na medyo may kalayuan lamang sa bahay nila.

Hindi naman ito nagsalita. Tinaasan lang siya nito ng kilay tsaka siya nilampasan.

"W-Wait—"

Huminto naman ito at nilingon siya. Hindi maintindihan ni Sky kung bakit napakasungit ng taong ito ngayon. Ibang-iba sa taong nakasabay niya kaninang umaga sa bus.

"Yes?"

Dali-dali niyang kinuha sa loob ng bag ang ID nito. Hindi naman siya nahirapan sa paghahanap at agad niya rin itong nakita sabay abot sa lalaki. "I-Ito p-pala 'yong ID m-mo..."

Seryoso ang mukha na tinitigan muna siya nito bago bumaba ang tingin sa ID nitong hawak-hawak niya. Tahimik lamang nitong kinuha ang ID tsaka siya muling tinalikuran. Hindi alam ni Sky kung bakit bigla siyang nalungkot sa inakto nito.

Hindi man lang magawang magpasalamat, hays.

Sinundan niya lamang ng tingin ang bulto ng lalaki  hanggang sa makalayo at mawala sa paningin niya. Lumiko na kasi ito sa isang eskinita.

Napailing nalang siya at napatingala sa madalim na kalangitan. At agad namang napalitan ng saya ang kaninang lungkot na nararamdaman niya ng makita ang mga bituin sa langit. They're shining like a diamond. Somehow, she can't help but to think about herself becoming one of those beautiful stars someday.

How does it feel? Masaya kaya? 'Yong tipong wala siyang ibang gagawin kundi ang magliwanag at magbigay kinang lamang sa kadiliman ng gabi?

Muli siyang napatingin sa wrist watch niya, and crap! It's already 7:10pm. Kaya naman mabilis na napakuripas ng takbo si Sky. Lagot na talaga siya sa mom and dad nila. Baka isipin ng mga ito na nag-gagala na naman siya!

Maingat niya lamang na binuksan ang gate nila at pumasok na. She's praying silently na sana tulog na ang mga ito.

Napahugot ng malalim na buntong-hininga si Sky bago pihitin pabukas ang pinto, pero hindi niya nagawa dahil naka-locked iyon.

Kumatok siya ng tatlong beses. "Mom? Dad?"

Ilang ulit niyang sinubukang pihitin ang doorknob ng main door pero talagang naka-locked iyon sa loob. Sunod-sunod na pagkatok sa pinto ang ginawa niya pero wala pa ring nagbubukas.

Did they intentionally locked the door? Ayaw niyang mag-isip ng kung anu-ano kaya muli niyang sinubukang kumatok. "Open the door, please..."

Nangingilid ang luhang napatingala siya habang hawak-hawak pa rin ang doorknob. Hold back your tears, Sky. Papapasukin ka din nila...

She waited for another few minutes pero wala talagang nagbukas ng pinto sa kanya. Malungkot na napasandal na lamang siya dito at padausdos na umupo.

Maybe this is your karma, Sky... Ang tigas kasi ng ulo mo.

Naiiyak na naman siya. Hindi naman iyon ang unang beses na ni-locked ng mga ito ang pinto para hindi siya papasukin. She also remembered when she was in grade 2, hindi rin siya pinapasok ng mga ito dahil gabi na siyang nakauwi galing sa magdamag na paglalaro. Kaya naman natulog siya sa labas ng pinto kasama ang mga aso nila dati.

It's okay, Sky. You'll overcome all of this soon...

"ACHUU!"

"Sky? What are you doing here?" Napatingala siya sa taong nagsalita sa harapan niya bago dahan-dahang tumayo upang ayusin ang sarili.

Her Last Hope (Vista Alegre Series 1) | Ongoing Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ