Chapter 10

59 16 0
                                    

“HELLO, ATE SKY...”

Automatic na napangiti si Sky ng marinig ang cute na  boses na tumawag sa pangalan niya.

After her important appointment with Dr. Lao, she went to the park where she first met the little girl, Teptep. She doesn't understand why she feels like seeing her and talking to her again. Napakagaan talaga ng loob niya sa batang ito.

“Hello, Tep... Kumusta ka?” she asked her back. Nakangiti itong lumapit sa kanya at umupo sa tabi niya. They're sitting at the park bench gaya rin no'ng unang araw na nakilala niya ito. “You looks so happy...” dagdag niya pa.

Tumango-tango naman ito. “Kasi po nakita ulit kita kaya po happy ako. Sorry ate Sky, 'yong happy lang talaga ang naintindihan ko sa sinabi mo po eh...” then she pouted.

Bakit ba sobrang cute ng batang ito? As she looks at her, napaka-amo ng mukha ni Teptep. Kung malilinisan at mabibihisan lang ito ng maayos at malinis na damit, magmumukha na itong anak ng mayaman.

How can someone let this little girl to go like this everyday? Napaka-iresponsable naman ng ama nito para hayaan lamang ito na mamalimos araw-araw.

She sighed. “Gusto mo bang kumain? Libre kita!” pag-aaya niya kay Teptep. Her eyes automatically glistened in happiness. Nakangiti naman itong tumango sa kanya.

Dinala niya si Teptep sa isang karenderya na malapit lamang sa park. As of now, tanging pagkain lang muna ang kaya niyang ibigay kay Teptep. She doesn't have enough money to buy her some new dress. Hindi naman niya pwedeng galawin ang ipon niya dahil nakalaan na iyon para sa pambili niya ng gamot.

“Ate, super bango po talaga dito!” nakangiting saad nito habang masayang inaamoy ang usok na mula iniihaw na manok.

Tinitigan niya ang masayang mukha ni Teptep. At kagaya no'ng una niya itong nakilala, may tela pa ring nakabalot sa ulo nito.

She just smiled at her. “Nakakain kana dito?” she asked her. Bigla naman itong nalungkot at umiling sa kanya.

“Hindi pa po ako nakakain dito, ate Sky. Hanggang sa labas lang po talaga ako nitong karenderya ni aling Mina. Wala naman po kasi akong perang pambili eh...” malungkot na paliwanag nito.

Agad na binalot ng awa at lungkot ang puso ni Sky nang marinig ang sinabi nito. “Hayaan mo kasi everytime na magkikita tayo, ililibre kita palagi dito. Gusto mo ba 'yon?”

Masaya naman itong tumango-tango sa kanya. “Opo, ate Sky! Gustong-gusto po.”

Hanggang dumating ang in-order nila ay hindi mawala-wala ang sayang nakaukit sa mukha ni Teptep. Kahit sa gano'ng paraan ay gusto niyang mapasaya ito.

Marami silang pinag-usapan habang kumakain. She can't help but to smile while watching her eating. Ganadong-ganado ito at hindi mawala-wala ang ngiting nakaukit sa labi nito.

This little girl is too precious to experience the cruelty of the world in her young age. Marami pang pwedeng marating sa buhay ang batang ito pero dahan-dahan iyon na  ipinagkakait sa kanya ng panahon.

Just like her, Teptep was also diagnosed with cancer. But unlike her, this little girl was suffering from a brain cancer. Nakakalungkot lang isipin na wala silang pinagkaiba ng kapalaran. At the end of the day, they'll both suffered from the same illness.

“Bakit ka po umiiyak, ate Sky?” Doon lamang siya biglang natauhan nang magsalita si Teptep.

Agad niyang pinunasan ang ilang butil ng luha na naglandas sa magkabilang pisngi niya nang hindi man lamang niya namamalayan.

Isang matamis na ngiti lamang ang isinukli niya kay Teptep at muling ipinagpatuloy ang pagkain. Inabutan pa siya nito ng tubig na malugod niya namang tinanggap.

Her Last Hope (Vista Alegre Series 1) | Ongoing Where stories live. Discover now