Omg!! Knight like me too? Pero para saan pa? Hindi din naman papayag sila kuya na maging kami ni Knight.

"We know that, remember Xander, Chel is our Sister too, compared to Samantha, Chel is weak and she's sick, while Samantha is not." Mariing sabi ni kuya Third.

Wait! What? K--kapatid namin siya? H-how did that happen? Huh? That's why, ganun na lang sila magprotekta kay Chel, kasi kapatid din namin siya, agad agad akong pumasok sa loob ng dining room, at  gulat silang napatingin sakin.

"So, kapatid din natin siya? How? Siya ba yung batang babae na kasama niyo dati sa picture? Kaya ba, parang balewala na lang ako sa inyo nun, kasi may iba na kayong baby sister, hahaha. Shems!!!! Ang sakit lang ahh,.... Oh! Bkt hindi kayo makasagot? Hahaha" Naiiyak kong Sabi sa kanila.

"Oo, kapatid natin siya kay Daddy, at oo, siya yung batang babae nasa picture pe-" hindi ko na pinatapos si kuya Xander sa pagsasalita Niya.

"Nagloko si Daddy kay mommy? How??? "

Lumapit sakin si kuya Third at hahawakan na sana ako ng bigla akong umatras palayo sa kanya.

"Sam, listen, daddy did not cheat on mommy, nalasing si daddy nung nag away Sila ni mommy, then Akala ni daddy na si mommy yung babaeng lumapit sa kanya, Yun pala si Tita Michelle, after a year nalaman nila mommy na may anak si daddy at si Chel yun." Mahinang sambit ni kuya Third.

The pain on my chest felt like it was squeezing my heart into pieces. Tila pinipiga, dinudurog pero wala akong magawa dahil sa mga nalaman ko. Ang lahat ay bumabalik.

"K-kaya n-niyo a-ako pinipigilang lumapit kay Knight, h-hindi dahil sa may gusto ang Kaibigan ko sa kanya, kundi dahil k--kapatid niyo siya..."

"Sam, she's your sister too, kapatid natin siya, and besides Kaibigan mo din siya. Wala naman magbabago dun eh, just accept her." Kuya Ford said.

Lumuluha akong tumingin Kay kuya Ford. "Hahaha, oo nga namn, she's my friend and she's my sister too, ang daling sabihin pero ang hirap, paano ko siya tatanggapin kuya? Teach me then, because to be honest, I don't know how?" Gusto ko pa sanang magsalita pero naninikip na masyado ang aking dibdib, kaya dahan dahan akong humawak sa may dibdib ko, hindi na normal yung paghinga ko, not now, Samantha. Not now. Tumalikod na ako sa kanila at aalis na sana ng biglang nagsalita si kuya Ford.

"She's sick, she needs us." Mahinang sambit ni kuya.

Tumakbo ako palabas ng Bahay Hindi ko alam kung saan ako pupunta, basta Ang alam ko superrr sakit ng nararamdaman ko. Maraming pumapasok sa isip ko, gustong gusto ko din sabihin sa kanila na.
I'm sick too kuya, na kuya, what about me? I need you too, I've been fighting alone for almost Seventeen years, napapagod at nauubos din ako, hahahahaha. Ang sakit lang na yung Kaibigan ko o kapatid ko ay kasama yung mga kuya ko na lumaban para sa sakit niya, na kaya nilang protektahan yung kapatid nilang babae sa labas kesa sakin na buo nilang kapatid. Akala ko, ako yung princess hindi pala, Kasi si Chel yun eh, she have a seven prince brothers, and me, I have myself alone.

Hindi ko namalayang kung San na ako nagawi basta ang alam ko gusto kong makalayo sa kanilang lahat, huminto na ako dto sa may malaking Puno, ito na yata yung pinakadulo ng village namin. Umupo ako sa likod ng Puno na ito.

Tuluyan namang tumulo ang mga luha ko. Yumuko ako at nanginginig na niyakap ang mga tuhod ko.

Do I deserve this? Eto ba ang napapala ko? O siguro ako lang. Siguro ako ang minalas na makuha ng ganitong tadhana. To be treated like I'm not worth anything. That I don't deserve even a bit of respect. Kung ganito Sila kasakit magmahal.. Animo nauupos na kandila na napahiga ako sa mabatong lupa. Patuloy parin ang pagtulo ng mga luha ko.

The Woman Who Doesn't Believe In Love (Lee Siblings Series#1)Where stories live. Discover now