Chapter 19

0 0 0
                                    

Chapter Nineteen

Nothing could ever beat the feeling of being treasured by someone. Despite sa lahat ng mga pag-aayaw sa akin sa ibang miyembro ng Auclair, there's still a person who wants me safe behind them all. And now it is the reason why my heart is filled with great happiness. Parang nung mga nagdaang araw lang ay bagsak ang balikat ko ngunit dahil kay Laikynn, sumasaya ulit ako.

Yes, he's able to do that. He is my person. The one who tells me that I'm his favorite all the time. Dati man o ngayon. Maliit na bagay man iyon sa iba ngunit ang paghahatid sa akin ni Lai pauwi upang masigurado ang kaligtasan ko ay sobrang laking bagay na sa akin. It is those small things that you feel like you can be a big person. You feel alive and strong.

Kaya naman, kagaya ni Laikynn, sobrang mahalaga siya sa akin. I can't imagine a life without him. Maybe, it would probably gray and dull. If I hadn't meet him, I wouldn't feel free. Wala akong kanlungan at hindi siguro sisigla ang puso ko ng ganito. He's forever be my best person as I am to him.

Nagtagal ang yakapan naming iyon ni Laikynn dahil ang dami-dami pa niyang sinabi. Hay, buti walang uhog na kasama ang kaniyang luha kasi ako ba naman ang nagpunas n'un. Para siyang bata kung humagulgol kaya lihim akong natawa sa aking isipan. Pero siyempre masaya ako na palagi siyang nariyan. Okay lang kung forever iyakin 'tong si Laikynn. Okay nalang kasi parang ganoon na yata siya habang-buhay eh.

Nung gabing iyon din ay nag-usap kami ulit ng mga kaibigan ko sa group chat at todo hingi nila ng sorry sa akin. Wala naman talaga silang kasalanan e. They feel sorry for being weren't there pero sa totoo lang, okay lang naman sa'kin kasi kaniya-kaniya naman kami ay may priorities. Tsaka pareho naman kaming lahat na hindi ginusto ang nangyari kasi kung nalaman lang nila na magkakaganoon pala, sigurado akong hindi naman nila iyon palalampasin at ipagtatanggol talaga ako.

“Shall we go now, Gabriella?”

Tumango ako kay papa nang makita niya akong kakababa lamang ng staircase. Birthday kasi ngayon ni mama kaya napagpasiyahan naming dumalaw sa cemetery kung saan siya nakalibing. Minsan lang naman kasi kami makakadalaw doon at tuwing birthday niya lang o death anniversary.

Kahit wala na si mama, nais ko pa ring mapuntahan ang lugar kung saan nakapahinga ang kaniyang katawan. Nais ko pa rin siyang puntahan kahit matagal na siyang namahinga sa mundo.

As usual, si Freska ang namili ng susuutin ko. Wala kasi talaga akong fashion sense. Kaya nga simplehan lang lagi ang pormahan ko sa tuwing may galaan kaming magbarkada. Palusot ko lang iyong ‘I prefer oversized shirts’ kasi madaliang pormahan e.

Ngayon ay nakasuot ako ng floral pinafore dress. Sa ilalim nito ay isang white long sleeve. Manipis lamang iyon at above the knee ang dress pero okay na. Atleast, hindi fitted kaya hindi ako naa-uncomfy. Pinaresan ko iyon ng flip flops at napagpasiyahan ko ring i-pontytail ang buhok ko.

“Have a safe trip, Gustave.” Tapik ni Tito Guillaume kay papa.

“Sure, bro. We'll came back after para mamayang hapon ay a-attend tayong dalawa roon sa meeting.”

Tumango si tito. “Fine. Isasama ko rin si Jacques because he can handle things better than me.” Ngumiti ito kay papa at bumaling sa akin. “Ingat kayo, Gabriella.”

“Sige po. Mauna na po kami.”

Tito Guillaume has an intimidating aura. Especially that he has small beards over his jaws, mas dumagdag iyon sa nakakatakot na aura but he is kind naman. Hindi ko nga alam kung bakit maldita si Séve eh mabait naman ang daddy niya but... okay naalala ko. Masungit rin naman si Mommy pero nilalagay niya naman sa lugar.

Ladders of EleganceWhere stories live. Discover now