Baka pagdating ko ngayon sa mansion ay hindi nila ako tatanungin kung anong nangyari sa itsura ko at nagkanda-pasa-pasa. Baka pagalitan naman ako kaagad. Ganoon naman talaga ang mga iyon. Tsk, hindi naman ako basagulera. Lumalaban lang.

“Makukulong kaya ang mga iyon?”

“Oo naman, Gabi. Diyan mo na gamitin ang impluwensiya ng apilyedo mo. Panigurado, kapag umaksyon ang mga Auclair ay malalagot ang mga iyon. Makukulong sila panigurado.”

Pinipilit ako ni Callum sa sinabi niya. Sa panahon daw na ganito, hindi dapat ako tumatahimik lamang sa tabi at hayaang dumaan nalang. Kailangan ko raw isumbong iyon sa mga magulang ko at nag-offer naman siya ng tulong. Kung hindi ko raw kaya magpaliwanag ay siya na ang bahala.

“Huwag na, gagabihin ka pa ng uwi niyan.”

“Hindi dre, okay lang naman sa akin—Oy awit ano 'yan?!”

Nabitin sa ere ang sasabihin sana ni Callum nang bigla itong mapako sa kinatatayuan. Nakatakip sa kaniyang bibig ang parehong kamay. Taka naman akong nakatitig sa kaniya at unti-unting sinusundan ang kaniyang tingin.

Narito na kami sa harapan ng mansion nang mapahinto kami. Katulad niya ay napasinghap rin ako sa aking nakita. Pero hindi ako napatakip sa aking bibig. Pinagmasdan ko lamang ang dalawa na magkayakap at mukhang walang planong bumitaw sa isa't-isa. Pinagmasdan ko kung paano haplusin ni Laikynn ang likuran ni Séverine.

Yes, my best friend is hugging my cousin. Hindi ko alam kung bakit pero kusang huminto ang mundo ko. Tanging nakikita ko lamang ay ang dalawang magkayakap. Napalunok ako sa nakita. May kakaibang pagkabog ng aking dibdib. Para bang nanghihina ang aking kabuuan sa nakita. Bakit ganito? Hindi ko man lang maalis ang tingin sa kanilang dalawa.

Noong una pa man, todo push ako kay Laikynn kay Séve. Kasi naniniwala akong crush niya ito. Pero ngayon, parang may kung ano sa akin na gusto siyang hilahin papunta sa akin. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Ang pakiramdam na naaagawan ng isang mahalagang bagay.

Lumaki si Lai na ako lang ang kaibigang babae. Ni hindi man lang siya nagkaroon ng girlfriend o nililigawan kasi palaging ako ang kasama niya. Pero ngayon, mayroon na. Well, hindi ko naman siya mapipigilan sa mga bagay na gusto niya. Pero nasasaktan yata ako eh. Hirap man akong aminin pero may parte sa akin na nasasaktan. Masyado mo na yata akong sinanay sa presensya mo Lai. Pero hahayaan nalang siguro kita kung magiging kayo ni Séve. Handa naman akong dumistansya.

“G-Gabi, pumasok kana. Uuwi na'ko.”

Bumalik ako sa aking huwisyo nang marinig kong magsalita si Callum sa aking tabi. Nandidilim ang paningin nito na nakatingin sa dalawang ngayon ay nakakalas na mula sa pagkayakap. Pero pareho silang magkangiti sa isa't-isa. Hay, sana all maligaya ang lovelife.

Bago ko pa man siya pigilan, nakaalis na si Callum at hinayaan ko na lamang ito. Wala akong ibang magawa kundi panoorin na lamang itong umalis sa aking harapan. Hay, siguro narealize niya rin na kailangan niya nang umuwi dahil gabi na.

Pumasok ako sa mansion na parang lantang gulay. Walang sino mang sumalubong sa akin sa pasilyo at sa tingin ko'y mas maganda iyon. Ang dami ba namang nangyari sa akin sa araw na ito. Naghahalo-halo na ang nararamdaman ko.

Ngunit bago pa man ako nakapasok sa aking kwarto, may brasong humawak sa akin na siyang dahilan sa pagkalingon ko.

Nanlaki ang paningin ni papa nang makita ang sitwasyon ko. I was emotionless and physically messed up.

“A-Anak, anong nangyari sa'yo?” Bakas ang pag-aalala sa kaniyang boses.

Hindi ko naman alam na sa simpleng salitang iyon ay rurupok ang puso ko. I just found myself hugging and crying on Papa's shoulders. Hinagod niya ang likod ko dahil sa biglaan kong paghikbi.

Ladders of EleganceWhere stories live. Discover now