[12] - A y e s h a M i n

Start from the beginning
                                    

Hindi na siya sumagot sakin at packing tape tinulugan ako! Haay, meron pa mamayang gabi.

*bzzzt* *bzzzt*

Nag vibrate yung cellphone ko at nag text si Dray sarap sapatusin ang mukha.

From: Dray

How was it? Save more energy for tonight.

-end-

Di ko siya nireplayan, nakakabwiset!

Pagdating namin sa mansyon ng mga Min ito parin siya at patuloy akong iniirapan, aba pag di ako nakapag pipigil babangasan ko na ang isang 'to. Sus, napaka arte porke't ang ganda ganda niya.

"Sister ako na magdadala ng bag mo."

"Good. Kahit paano may pakinabang din pala ang patapon na girlfriend ng kapatid ko"

"Di naman ako basura Sister." nauubusan na ako ng pangbara sa babaeng 'to!

"Alam mo Yarumi ang basura dapat nasa basurahan hindi yung pakalat-kalat dito. Okay?" tapos nag flips hair siya. Teka ako lang dapat ang gumagawa nun dahil nakakapikon na siya.

Hinawakan ko ang wirst niya para pigilan siyang umalis "Gawain ko yan. Flips hair at walk out ako dapat ang gumagawa niyan. Dyan ka wait for yours turned"

Umuna na ako sa paglalakad at nag flips hair. Nga nga siya ngayon. Nakasalubong ko naman si Dray bago ako pumasok sa kwarto ko.

"How was it?" kanina pa ang litseng tanong yan ah!

"How was it? It's the worst nightmare that I never had. Aside from that, I can't stand her manners anymore! How could she call me a trash? Ugh, shit!" I protest. Napapa english tuloy ako.

"Cool. In that way you can make her mad." sabay walk out niya. Aba ganun pala natuwa pa siya, kitang-kita na kung kanino nagmana ang kutong lupa na 'to.

Nagpahinga lang ako saglit sa kwarto ko at tinanggal muna ang wig. Parang nainggit tuloy ako kasi magkasama silang magkapatid kahit ganyan ang ugali nila na miss ko tuloy ang baliw kong kapatid si Kang Myungsoo. But I don't want to go back to that hell place again, they gave this freedom so I'll use it wisely.

-=-

"HOY YARUMI BUHAY KA PA BA!? MAY BALAK KA PA BA BUKSAN TONG PINTO MO!?" anubayan lakas makasigaw tagos hanggang kaluluwa.

Nakatulog na pala ako, agad kong binuksan ang pinto ang bumungad sakin si Dray. Nakalimutan ko may dinner date pa kami with her beloved monster sister.

"Magbihis ka na. dalian mo, nauna na si Ayesha." sinarhan ko na lang ang pinto ko ng di umiimik sa kanya. Badtrip naman kasi ang babaeng yun ang talas ng dila sarap tabasan.

Natapos na akong magbihis at inaantay na pala ako ni Dray sa baba. Sabi niya malapit lang naman daw yung resto na pupuntahan namin. Within 10 minutes nandito na kami, bongga siya at sa bandang dulo yung naka reserved para samin. May mga lantern sa taas at yun ang nagsisilbing ilaw, tss ang daming pososyal sa buhay.

"Hi sister-in-law! Good evening." bati ko sa kanya, okay sisimulan ko sa maganda yung atmosphere namin dalawa.

"Seeing your ugly face in this evening made me hate this day." ito na naman siya bumabanat ng english niya.

"Oh talaga? Alam mo ba yung kasabihan na mas mabuti ng pangit walang habol ng habol. Pero kung swerte ako sa kapatid mo ganun naman ako kamalas sa kapatid niya." oh! Nasabi ko yun!? Below the belt na ba? Pero okay lang para naman quits kami.

Si Dray naman binasag yung black aura, magsisi kang kalabaw ka. "Oh, ito na pala yung pagkain."

Habang kumakain kami napapansin kong gigil na gigil siya maasar nga "Alam mo sister Ayesha ang baboy kinakain na yan kasi luto na. Tigilan mo na ang pa double dead diyan, saka alam mo hindi ganyan ang tamang paggamit ng knife."

Napatingin siya sakin at nakakunot na naman yung noo. Okay, scary tama si Dray godzilla ang isang 'to.

"Ay sister Ayesha sabi ni Dray godzilla ka daw. Pero sa opinyon ko you're like a raccoon too."

Bigla siyang napatayo at ibinuhos sakin ang isang basong tubig. Damn. Hinila niya ako palabas at dinala sa walang tao. Walanghiya kasi 'to eh kung iginalang mo ako umpisa pa lang edi sana mas matino ang gagawin ko sayo. Pero wala eh, masyado ka kasing below the belt.

"Ano bang problema mo!? Bakit nagpakita ka na naman, huh?" tanong niya sakin, bakit kilala na ba niya ako?

"Do you knows myself?"

"Stop pretending bitch! You disappeared for a long time and you're coming back again to ruin our lives!? How stupid you are? Stop preteding like you don't know me, will you?"

"Hoy anong sinasabi mo!? Kahit pigain mo ako dito di kita kilala ngayon nga lang kita nakilala tapos sasabihin mo agad kilala kita! Naka shabu ka ba!?"

Agad akong nakatanggap ng sampal. I hate cat fights.

"Hoy teka ba't ba kayo nag-aaway!?" biglang dumating si Dray, magsasalita sana ako kasi inunahan ako ng baliw.

"Dray bakit mo ba pinupulot ang basura na dapat ay matagal ng nawala!" sigaw ng ate niya, tama naka shabu 'to ay mali shabu with katol lakas ng tama siya lang naman ang nakakaintindi.

Tapos nag walk out na naman. Hinawakan ako ni Dray sa wrist ko, agad ko naman itong tinanggal kasabay ng pagtanggal sa wig ko.

"Ewan ko sayo, nababaliw na kapatid mo pa therapy mo na nga yan!"

I am Your Lady Butler [Revised 1-25]Where stories live. Discover now