♥️Chapter 30♥️

Start from the beginning
                                    

"Hindi ko po alam" siya

"Okay bantayan niyo ng mabuti si Daddy" ako

"Copy Ms."

Naglakad na ako palabas ng hospital at agad na sumakay sa kotse ko papunta sa hide out namin, pagkarating ko ay dumiretso ako agad sa loob

"Bakit mo ako pinapunta dito Carlo, may probema ba?" tanong ko

"Dan may nag email satin at may sinend na video" Carlo

"Anong laman ng video?" ako

"Hindi namin alam kasi gusto namin ikaw ang unang makapanood" Carla

Inilapag ni Amy ang laptop sa mesa at naupo naman ako bago iplay ang video, nakita ko ang mukha ni Uno Guererro, ni Betina, si Mr. Montero at lalong lalo na si Andrew

"Danica Ventura kamusta na? Gising na ba ang ama mo? Ang tanong gigising pa ba? Napaka galing naman ni Nico hanggang ngayon wala paring malay ang ama mo, alam kung alam muna na ako ang pumatay sa nanay nanayan mo at alam ko rin na galit na galit ka na ngayon" saad ni Guererro, napakuyom ako ng kamay dahil sa galit

"The beautiful and only daughter of my friend , how are you? Napaka ganda mo talagang dalaga kamukha mo ang mommy mo" si Mr. Montero

"Bitawan niyo ako, ano ba?" sabi ng pamilyar na boses

Gumalaw ang camera at itinapat sa isang babae na hawak sa braso ng dalawang lalaki bago hilahin ni Mr. Montero palapit sa kaniya

"Mommy" sambit ko at agad na nagsibagsakan ang luha ko

"Come here my wife mapapanood to ng anak mo, ngayon alam mo ng nasa akin ang ina mo sa loob ng 14 years at ako ang nagkidnap sa kaniya" si Mr.Montero

"Bitawan mo ako sabi eh, ayuko sayo at hindi mo ako asawa" sigaw ni Mommy

"Tumigil ka" at bigla niyang sinampal si Mommy

"Walang hiya ka" si Mommy na umiiyak

"Alam mo napaka galing ng anak ko napaikot ka niya sa mga palad niya at sobra kang nasasaktan ngayon, alam mo bang dahil din kay Andrew kaya nasa akin si Mina" dagdag niya pa

"Hay naku Danica napaka galing mong lumaban pero ang dali mo lang maloko at mauto, all this time naloloko ka lang ni Andrew at akala mo rin naman mahal na mahal ka" si Betina

Hinila siya ni Andrew palapit sa kaniya sabay pulupot ng mga braso nito sa bewang ng impakta bago ito halikan sa labi at sa sobrang sakit ng ulo ko ay bigla nalang akong sumigaw

"Ahhh mga gag*, mga hay*p sila" sigaw ko sa sobrang galit

(Authors Pov:

Galit na galit si Danica at nagwawala ito habang sumisigaw, lahat ng mahawakan niya ay binabato nito

"Ms. Ventura" saad ni Gino pero pinigilan siya ng kambal

"Huwag mo siyang awatin Gino" Carla

"Bakit?" Gino

"Kasi baka sayo niya ibuhos lahat ng galit niya, ayaw mo naman ata mabugbog diba?" Carla

"Hayaan nalang natin siya hanggang sa kumalma siya ulit" Carlo

"Naaawa na ako kay Ms. Ventura" saad ni Amy

"Kung pwede lang na sana sakin nalang ang problema niya" Carlo

"Kung pwede lang" Carla

Tumigil sa pagwawala si Danica at agad itong tumingin sa gawi ng apat, nakaramdam sila ng takot pero nawala iyon ng bigla niya nalang niyakap si Carla at doon lalong bumuhos ang luha nito

That Dangerous Girl Is MineWhere stories live. Discover now