"I'm so sorry my Princess"bulong niya dito at tuluyan na niyang niyakap ang anak...

Hindi ko na rin napigilan ang luhang kanina ko pa pinipigil..
Isang masayang tagpo ng mag ama...

Hindi ko alam ang mararamdaman ko ko..

Pero isa lang ang hiling ko,yun ang hindi masaktan ang anak ko......

"Diba mayaman ka?"ng humiwalay sila ay yun agad nag bungad ng anak ko...

Nako po

Napangiti nalang si Vale habang nag pupunas ng luha....

"Yes,why princess?"masiglang sagot ni Vale...

"Kung tatay kita,tapos mayaman ka,edi mayaman narin kami ni nanay?!"masayang tanong ng anak ko...

"What's mine is your's princess"nakangiting sagot nito sa anak...

Pero nangunot lang ang noo ng bata....

"Ha?"

Napangiti nalang ako dahil sa reaksyon niya.....

"Kung anong akin,sa iyo rin yun dahil ikaw ang prinsesa ko...namin...."napalingon si Vale sa direksyon ko.....

"Pero bakit ngayon kalang umuwe?"

Maski ako ay hindi ko alam ang isasagot sa tanong na iyon....

Nakita ko ang sakit na dumaan sa mga mata ni Vale....

"I-I'm sorry princess"tangin iyon nalang ang nasabi niya.....

"Dibale nandito ka naman na,ano palang itatawag ko sayo tatay?"nakangiting tanong niya..

Napangiti ako habang lumuluha dahil napaka maintindihin bata niya....

"You can call me daddy or tatay,kung anong gusto mo princess"maluhaluhang sagot naman ni Vale...

"Hmmm sige dahil mayaman ka naman Daddy nalang kaya?kaso hindi bagay sa nanay eh no?kaya tatay nalang para bagay sa nanay diba nay?"

Nagpunas ako ng luha at tumango tango nalang.

"Lika ka nga dito anak"mahinang sabi ko kaya lumapit ito...
"Isa kang mabuting bata anak"bulong ko habang nakayakap sa kanya...

"Ayy nay!ano?nakagawa na ba kayo ng kapatid ko?kailan siya lalabas sa tiyan mo?babae rin ba siya?gusto ko na siyang makalaro nay!"

Nagkatinginan naman kami ni Vale at hindi ko naitago ang pamumula ng mukha ko...

"Anak kase h-hindi naman kami gumawa ng kapatid mo"sabi ko nalang..

"Eh bat kayo nagtabi?"tagtatakang tanong naman niya...

"Ma-Masaya lang kami princess kase....kase nagkita kita na ulit tayo"biglang singit ni Vale...

"Ganun?eh bat kayo walang suot?malamig kaya dito"napanguso pa siya habang kunwari ay niyayakap ang sarili....

Alam kong hindi siya titigil hanggat hindi niya naririnig ang gusto niyang marinig kaya kinarga ko na siya...

"Lika kana Dale,kumain na tayo nagugutom na si nanay eh at alam kong gutom ka na rin"

"Kahapon pa nay"napasimangot tuloy siya..

"Hindi ka pa kumakain mula kahapon?"gulat naman na tanong ko..

"Syempre kumain,ayuko magutom kaya"nakanguso na namang aniya kaya natawa ako....

"Let's eat then"nakangiting singit naman ni Vale..

Pero nagulat ako ng baliwala itong tumayo at kinarga si Dale at naunang lumabas.
Habang si Dale ay nakayakap sa leeg ng ama....

Ganun nalang yun?

Pag kalabas namin ay nadatnan na namin yung apat na nag kwekwentuhan sa sala...

"Here they are"agad na salubong ni Love..

Parang ang awkward naman,bat ba kase ganun pangalan nito...

"Sy magluto ka,my princess is hungry"agad na utos ni Vale...

"Yes Mr.Winderson"kunwaring yumuko pa ito na parang hari ang nasa harap niya. ..

Nakita kong may binulong si Dale sa ama kaya nagtaka ako kung ano iyon....

Maslalo akong naguluhan dahil sa reaksyon ni Vale matapos marinig iyon...

"A-ah w-wait Sy"pigil niya sa papatalikod na sana.."my daughter want's fried f-frog"

"What!"sabay sabay na palatak ng apat at hindi makapaniwalang tumingin kay Dale...

Yare kayo ngayon.....

Napangiti nalang ako sa reaksyon nila.

"Marami nun sa bukid diba nay?"inosenteng tanong ng anak ko...

Dahil laki nga ito sa Hacienda ay lagi itong nakakapunta sa bukid.
Mula ng matikman niya ang adobong palaka na laging inuulam ng mga kasama namin dito sa Hacienda ay naging pabirito na niya ito lalo na ang pritong palaka....

"Pero anak hindi naman sila marunong manghuli nun"sabi ko pero agad na nagsalita si Vale...

"No!i can do it!j-just tell me how to"naninigurong rason niya kaya natawa ako...

Alam kung mag papasikat lang siya sa anak pero parang gusto ko rung makita siyang makaapak sa putikan.....

"Sige na....Mag bihis kayo,pupuntahan muna natin si Mang Silmo para maturuan kayo kung pano"paliwanag ko at agad na nagliwanag ang mga mukha nila...

Excited pa kayo ah,tignan natin.....


The last heir Where stories live. Discover now