Chapter One: STRANGER

2 0 0
                                    

"Excuse me po, makikiraan." pasintabi ko sa mga nakakasalubong ko sa babaan ng jeep. Nagmamadali kasi ako dahil may hinahabol akong appointment para sa interview ko dito sa Cabanatuan.

************************************
Hi ako nga pala si Patrick, 21 years-old taga San Antonio, Nueva Ecija. Jobseeker at sana dito sa pang apat na pinag-aplayan ko ay matanggap na ako. High school graduate lang ako, kapos sa pera kaya di na ako ng kolehiyo, naghahanap nalang ako ng trabaho para sa kapatid ko. Ako nalang kasi inaasahan na makakatulong sa bunso namin. Si kuya kasi may asawa na at pamilya ganoon din naman si ate. Kaya wala na talagang katulong sila nanay at tatay sa pagpapaaral kay Jayjay. Gusto ko nga sana din na mag kolehiyo pero wala hirap na kasi.

**********************************

"Mam kaya ko pong gawin lahat kailangan na kailangan ko lang po itong trabaho na ito,"pagmamakaawa ko sa nag i-interview habang binabasa nya ang resume ko dito sa isang supermarket sa Cabanatuan.

"Okey sige, tutal magpe-peak season na at kulang talaga kami sa empleyado. Tanggap kana," masayang sabi ng H.R.

"Salamat po," masayang tugon ko naman.

"Oh eto listahan ng mga requirements ah," dagdag pa nya. Sabay abot sakin ng isang kapirasong papel.

Malaking ngiti ko naman kinuha sa kanya,"salamat po mam."

Dali-dali akong lumabas ng HR department at tinungo agad ang sakayan ng tricycle.

"Manong sa Pacific mall po," di naman kalayuan Ang supermarket na papasukan ko sa mall kung saan ako kukuha ng ilan sa mga nakalistang requirements.

After 3 hours sa pagpila-pila, biglang kumalam ang aking tiyan pagkita ko sa relo ko 1:40 na pala ng hapon di pa ko kumakain.

*******

"Buti nalang nakakuha na ako ng nbi,police clearance,sss at pag ibig," habang chine-checkan ko yung papel na hawak ko at hinihintay ko nalang tawagin ang number para kunin ang order ko dito sa inasal. Unli rice syempre sobrang gutom ko eh.

"Ang gwapo nya," Sabi ng isa sa apat na babaeng katapat ng lamesa ko. Tingin ko mga bata pa halata kasi sa iba't-ibang kulay ng pamuni sa buhok.

Napangiti nalng ako at lalo pa silang nag ingay na parang kinikilig, naging dahilan para pagtinginan na sila ng mga tao. At di nagtagal narinig ko nang tawagin ang number ko,"yes makaka-kain na din ako."

******
Hindi sa pagmamayabang gwapo naman talaga ako, may kaliitan nga lang pero di papatalo pagdating sa sense of humor. Matangos ang ilong na mana ko kay nanay. Ang mata siguro kay tatay ko na mana. Di naman kaputian,moreno ganoon. Kaya di ako nagtataka kung bakit ang dami kong award noon sa mga pageant sa skul.

******

"Sarap," habang hinihimas ko Ang tiyan ko,tatlong beses kasi ako nag pa-refill ng kanin siyempre unli yon para sulit. Malakas naman talaga ako kumain pero di ako tabain sinasamahan ko na din kasi ng work-out. At andito pa din pala ung mga batang babae na walang sawa na tumitingin sakin. Sanay naman na ako sa ganito kaya di na ako naiilang.

Inayos ko na nga ang bag ko para makaalis na nang may bilang nakatawag pansin sa akin. Isang lalaki na naka upo sa sulok ng resto at seryosong nakatingin sakin. At dahil medyo wierd, nakaramdam ako ng kaba at takot. Kaya mabilis akong tumayo at lumakad palabas ng resto muntik pa akong makabangga ng tao sa sobrang pagmamadali. Hindi ko kasi maintindihan ung nararamdaman ko.

Sobrang kabog pa din ng dibdib ko nang makarating ako sa BIR OFFICE.

"Hi mam,pano po kumuha ng tin number?" Tanong ko sa lady guard.
"Pumunta ka sa nakatayong lalaki iyon," sabay turo sa aligagang empleyado ng BIR.
"Doon ka kukuha ng form," dagdag pa nya. Mabilis naman akong pumila.

Habang nakapila palinga-linga ako baka kasi andito na naman ung lalaking nasa resto. At di nga ako nagkamali nakatanaw sya sa akin sa malayo. Dahil sa takot ko umalis ako sa pila at mabilis na tumakbo di ko na alintana kung may mababanga ako basta ang nasa isip ko ay makalayo at makauwe.

******

"Hi tay," bati ko kay tatay  sabay mano ko habang sya nagkakape sa teres. "O andyan kana pala potpot." sagot ni tatay. Potpot kasi bansag nila sakin dito.
Umupo muna ako sa tabi ni tatay at napagod katatakbo.
"Oh potpot anak nakahanap kana ba ng trabaho?" tanong sakin ni tatay sabay higop sa kape nya.
"Ahmmm" sabay tango ko sa kanya.
Parang lantang gulay ako sa pagod kaya wala akong masyadong gana makipag usap.

"Araaayyy," sigaw ko dinikit ni tatay ung kapeng mainit sa braso ko. "Halatang pagod ka, hala sige pumasok kana sa kwarto mo at magpahinga gigisingin ka nalang kapag kakain na," utos sakin ni tatay na mabilis naman akong tumayo.

Habang papaakyat ako ng hagdan naamoy ko yung niluluto ni nanay. Gusto ko na sanang pumunta sa kusina ngunit ramdam ko talaga Ang pagod.

"Bwisit naman kasing lalaking yon, sino ba kasi yon? Pagkakatanda ko wala naman akong nakaka away."

Itutuloy......

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 23, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When You Look At Me.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon