Tuluyang pumikit ang aking mga mata nang maramdaman ko ang labi niya sa labi ko. Ang lambot ng labi ni Ivan.

Kasabay ng paghigpit ng pagkakahawak ng isang kamay niya sa gilid ng mukha ko ay ang paglalim ng kanyang halik. Para akong nalulunod sa bawat pagdiin niya ng kanyang mga labi sa akin.

Sinubukan kong sumabay sa kanyang mga halik, pero ako rin ang sumuko. Dahil kahit anong gawin kong pagsabay sa kanya ay hindi ko matumbasan ang ipinapadama niya sa akin.

Parang ang dami niyang karanasan sa bagay na ito.

Nang bitawan ni Ivan ang mga labi ko ay huminga ako nang malalim. Hinihingal pa ako dahil sa ginawa niya. Halik pa lang 'yon pero gano'n na ang epekto sa akin.

"I love you, Amery."

Nang makabawi ay tumingin ako sa kanya. Ang natural na mapula niyang labi ay mas lalong pumula.

"I love you, Ivan."

Nakita kong bumaba ang tingin ni Ivan sa labi ko. Pakiramdam ko ay namanhid ang labi ko. Ramdam ko rin na bahagyang pamamaga ng labi ko.

Hinaplos niya ito. "I'm sorry, baby. Napasobra ata." Ang inosente ng mukha niya. Halata rin na nag-aalala talaga siya.

"Did you kiss someone before me?" Tanong ko.

Umiling naman agad siya. "No, I never kissed someone except you. Why?"

First kiss niya rin 'yon? Bakit ang galing niya naman?

"Nothing, kalimutan mo na lang 'yon." Nagtataka pa rin ang mukha niya pero tumango na lang din kalunan.

Sobrang presko rin ng lugar na ito. Naglatag kami ng blanket sa may damuhan. Sobrang linis din ng lugar na ito. Saktong-sakto pa ata na nasa ilalim kami ng puno kaya may
pang-harang kami sa sinag ng araw.

Kinuha ni Ivan ang mga pagkin sa kotse. Nakaupo ako ngayon sa blanket. Nililipad pa ang buhok ko dahil sa hangin. Kinuhan ko rin ng picture ang tanawin ngayon sa aking harapan.

Bumalik si Ivan na bitbit ang basket na puno ng pagkain. Bitbit din niya ang kanyang gitara. Inilapag niya ang basket at gitara sa tabi ko. Bumalik ulit si Ivan sa kotse. Baka may nakalimutan siya. 

Habang naghihintay sa kanya ay inayos ko ang mga pagkain na dala niya. Karamihan dito ay favorite foods ko. 

Bumalik si Ivan na may dalang bouquet. Kaya naman pala bumalik siya sa kotse niya. Instead of giving me a flower bouquet, he gave me a book bouquet. He always prefers to give me books. 

He never failed to make my heart feel flattered. 

Alam na alam niya talaga kung paano ako kunin. Siya talaga ang dahilan kung bakit nadaragdagan ang mga libro ko sa kwarto. 

Pwede na nga akong magtayo ng mini library sa mga librong ibinigay niya sa akin.

"Here's my gift for you, Amery. I know you love books, baby. Happy first anniversary, baby. Cheers for more years with you."

Kinuha ko ang bouquet sa kanya. Ang ganda ng mga librong regalo niya. Hindi ko na kailangang gumastos para bumili ng mga libro.

"Thank you, Ivan. I love you so much." 

Kinuha ko naman ang regalo ko sa kanya. Nakakahiya naman kung ako lang ang masaya rito. 

"Here's my gift, Ivan. Happy anniversary."

Kinuha niya sa akin ang paper bag. Dahan-dahan niyang binuksan ang paper bag. Una niyang nakita ang hoodie na may tatak na one piece.

Nang makita niya ito ay umawang nang bahagya ang bibig niya. Tumingin din siya sa akin. Halata namang hindi niya inaasahan ang regalo ko sa kanya.

Ibinaba niya ang hoodie at kinuha ang box. Nang buksan niya ito ay mas nagulat siya. Nakita kong namula ang singkit niyang mga mata.

"Baby," naiiyak na sabi niya. 

Aw, my soft boy.

Natawa naman ano sa kanya. "Why?" Tumatawa na tanong ko.

"Bakit mo binili? Mahal 'yon, eh." 

Niyakap ko siya at gumanti naman agad siya ng yakap.

"Mas mahal naman kita, Ivan. I know matagal mo nang gustong bilhin yan. Kaya naisipan kong iregalo na lang sa'yo."

"I love you, baby. Hindi mo naman kailangang gawin 'yon. Masaya na ako na kasama kita. Sapat na sa akin 'yon, Amery." Emosyonal na sabi ni Ivan.

"You deserved a gift, Ivan. Lagi mo akong binigyan ng mga libro kaya gusto kong bumawi.

"Having you is already a gift from God, baby." 

Para itong bata na nakayakap sa akin. Pinunasan ko ang kaunting luha niya sa mga mata niya.

"Tahan na, kakain na tayo."

Unti-unti naman siyang kumalas sa yakap ko at pinunasan ang natirang luha sa mga mata niya.

"Thank you, baby." Hinalikan niya ang noo ko.

Nagsimula na kaming kumain ni Ivan. Ganito kami palagi kapag may date. We want it to be simple but memorable. 

Pagkatapos naming kumain ay kinuha ni Ivan ang kanyang gitara. Humiga si Ivan sa aking hita. Simulan niyang tugtugin ang kanyang gitara. 

His eyes are staring at me while he's strumming his guitar. Then he started singing while looking at me. His voice is playing in my ear. 

Ang gwapo talaga niya at ang sarap pakinggan ng kanyang magandang boses. 

Nanatili ang mga mata ko sa kanya habang pinapakinggan siya. Naglalaro rin ang mga daliri ko sa malambot niyang buhok. 

Nang mapansin ang oras ay nagligpit na kami ni Ivan. We will attend a Sunday service in church.

Alam namin na si God talaga ang dahilan kung bakit matatag ang relasyon namin ni Ivan. Kaya hindi kami magsasawang pasalamatan si God.

Natapos ang araw namin na nag served kami kay God. Being loved by a man of God is genuinely different.

Ipinagdarasal ko lang naman na may magmahal sa akin na mas mahal ang Diyos kaysa sa akin. Tapos binigay ni God si Ivan sa akin. 

Pagkatapos ng service ay hinatid ako ni Ivan sa bahay namin. 

"Happy first anniversary again, baby. I love you." Hinalikan niya pa ang noo ko bago ako bumaba sa sasakyan niya.

"I love you, Ivan. Thank you for making this day special."

Her Asset Where stories live. Discover now