“Walang washing machine sa loob ng banyo ‘no. Halikana nga baba na tayo‚” sabi ko at hinila siya palabas ng kwarto.

Habang naglalakad sa pasilyo patungo sa hagdan ay nagsalita siya‚ “Ate‚ bakit ka nga pala bumangon? Hindi ka ba matutulog? Di’ba sabi mo wala kang tulog ka-gabi?”

“May trabaho kasi—”

“You don’t sleep‚ Tanya?” napatigil ako sa pagsasalita ng biglang nagsalita ang isang baritonong boses sa aking likod.

Nanlaki ang mga mata ko‚ “Ahh... O—”

“Hindi siya natulog‚ kuya.” nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Tristan.

Narinig ko ang mahina niyang pag-buntong hininga‚ “Mauna kana‚ Tristan‚ mag-u-usap lang kami sandali ng ate mo.”

Marahang tumanggo ang kapatid ko at umalis. Naiwan kaming dalawa. Lumakad siya at pumunta sa harap ko dahilan upang mapaiwas ako ng tingin.

“Bakit hindi ka natulog ka-gabi‚ Tanya?” tanong niya dahilan upang mas lalo akong mapaiwas ng tingin.

“N-natulog kaya ako‚” sabi ko at medyo nautal.

Nagsinungaling ako. Alangan namang sabihin ko ang totoo? Eh nakakahiya ‘yon lalo pa’t siya ang laman ng isip ko ka-gabi kaya wala akong tulog. In short‚ siya ang dahilan.

“Are you sure?”

“Oo nga sabi!”

“Bakit ka umiiwas ng tingin sa akin kung natulog ka talaga?”

“Ano naman ngayon?”

“Don’t lie to me‚ Tanya. Tell me.”

“Okay fine‚ wala akong tulog ka-gabi!” wika at tumingin ako sa kaniya. Gano’n nalang ang gulat ko nang unti-unting gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi‚ tila ba nanalo siya.

Napaiwas ako ng tingin at napa-kagat sa pang-ibabang labi. Bahagya ko pang kinurot ang tagiliran ko dahil sa pagsuko ko. Bakit ba ang bilis kong umamin? Kainis!

“Bakit hindi ka natulog ka-gabi‚ Tanya? Sabihin mo‚ iniisip mo ba ako ka-gabi kaya hindi ka natulog?” gulat na napatingin ako sa kaniya ngunit kalunan ay napaiwas rin dahil nagsimulang mamula ang aking pisngi.

“Kapal naman ng mukha mo!” sabi ko at tinalikuran siya.

“Tanya wait‚” hindi pa ako nakakalayo nang hilain niya ang papulsahan ko at pinaharap ako sa kaniya. Sa ginawa niya‚ dumikit ang katawan ko sa katawan niya. Napa-atras ako dahil sa gulat pero hindi tuluyang nakalayo dahil hawak niya pa rin ang papulsahan ko.

May ngiti sa kaniyang labi habang nakatitig sa akin‚ “Bakit parang ikaw ang umamin sa ating dalawa‚ dahil iniiwasan mo ako’t namumula pa ang pisngi mo.”

“A-anong namumulang s-sinasabi mo?” utal-utal kong tanong sa binata buhat na rin ng kaba at sa sobrang lapit namin sa isa’t isa.

Marahan siyang umiling habang may ngiti sa labi‚ pagkatapos ay muli niya akong tiningnan. “Huli ka na pero tumatanggi ka pa rin.”

Hindi ako nakapagsalita at umiwas nalang ng tingin. Alam kong huli na niya ako pero tumatanggi pa rin ako. Tulad nalang ngayon‚ umiwas ako ng tingin dahil alam kong sobrang pula na ng mukha ko.

“Did I already told you Tanya that you are more beautiful when you tie your hair?” naramdaman ko ang kamay ng binata na hinawi ang buhok sa aking mukha at isinabit sa aking tenga.

Mas lalo tuloy akong hindi makatingin sa binata dahil sa kilig at sa lakas ng kabog ng aking dibdib.

“Did I‚ Tanya?” tanong niyang muli ng hindi ako sumagot. Napalunok tuloy ako nang mas lalo pang lumambing ang kaniyang boses.

Naalala ko no’ng araw na pumunta kami sa bahay ng pamilya niya‚ sinabi niyang mas maganda ako kung nakatali ang buhok ko. Naalala ko rin ang pag-tali niya sa buhok kong nakalugay.

“Tanya‚ kung ano man ang iniisip mo ngayon sa inamin ko sa’yo kahapon‚ totoo iyon‚ gusto kita.”

Tila ba muling tumigil ang mundo ko dahil sa sinabi ng binata. Tumingin ako sa kaniya at sa hindi inasahan‚ nag-tama ang aming mga paningin. Lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib. Ilang minuto kaming nakatitig sa isa’t isa. Maya-maya lang ay nagsalita ang binata.

“Lets make this fake marriage for real‚ Tanya.” after he talk‚ a sweet smile appeared on his lips .

“ATE‚ ang tagal niyo! Nagugutom na ako!” reklamo ni Tristan nang makababa kami.

“Pasensiya ka na‚ Tristan‚ may pinag-usapan kasi kaming importannte ng ate mo. Halikana kumain na tayo‚” sabi habang may ngiti sa labi at hinila si Tristan paupo.

Pagkatapos ay lumapit ang binata sa nakasanayan kong upuan at hinila ito‚ “For you.” namula ako lalo dahil sa inakto ng binata.

“Salamat‚” ang tanging nasabi ko habang hindi tumitingin sa kaniya.

Tahimik lang akong kumakain habang si Tristan at Edmund ay kabaliktaran ng akin. Ang ingay nilang dalawa‚ at naroon pa rin ang ngiti sa labi ng binata.

Nasa akin pa rin ang kilig at pamumula ng pisngi. Hindi ko inaakalang dalawang beses siyang aamin sa akin. At gusto niya pang gawing totoo itong kontrata namin‚ itong pekeng kasal na ito. Kinurot-kurot ko ang aking pisngi habang nasa aking isipan pa rin ang nangyari kahapon at kanina.

Nang nasa opisina na ako ng kompanya‚ may ngiti sa aking labi habang nag-tra-trabaho. Ganito ba talaga ang pakiramdam kapag gusto ka rin ng taong gusto mo? Na-ka-ka-excite at na-ka-ka-kilig.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-tra-trabaho ng may kumatok sa pintuan ng opisina ko. Naiangat ko ang aking tingin at sinabing‚ “Pasok.”

Marahang bumukas ang pintuan ng opisina ko. Pumasok ang tao sa loob ng opisina ko. Tila ba tumigil ang mundo ko nang makilala ko kung sino ang taong kumatok at nang nasa harapan ko na siya. Hindi ko inasahan ang pagdating ni Edmund. Malawak ang kaniyang ngiti habang may hawak na bulaklak. Napayuko ito at bahagyang kumamot sa kaniyang batok kalaunan ay muli siyang umangat ng tingin habang may ngiti sa labi.

“Hi‚ ganda. Pwedeng manligaw?”

A Contract with a Billionaire (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon