Chapter 17

120 3 0
                                    

Malalim na ang gabi ngunit gising pa rin ang diwa ko. Hindi mawala sa aking isipan ang pag-amin ni Edmund sa akin kanina‚ at ang kilig na nararamdaman ay narito pa rin.

Nanatili sa aking isipan ang pag-amin niya kanina at ang pag-iwas niya ng tingin dahil namumula siya. Sa unang pagkakataon‚ siya ang unang umiwas ng tingin habang namumula ang pisngi. Hindi ko inaakalang may gano’ng pag-u-ugali pala ang isang Edmund Cervente.

Napatakip ako sa aking mukha gamit ang unan dahil sa kilig na nararamdaman. Hindi ako makapaniwala sa inamin ng binata kanina‚ talaga bang totoo iyon? Kung totoo man iyon o hindi‚ congrats napakilig niya ako!

“Ate‚ gising ka na?” naitingin ko ang aking paningin kay Tristan dahil nagsalita ito.

“Hindi pa ako natutulog‚ Tristan.  Halika tulog na tayo‚” sabi ko at ipinikit ang aking mga mata.

“Hindi ka natulog ate? Ala sais na ng umaga, ‘ah.”

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa sinabi ni Tristan at napatingin sa paligid lalong-lalo na sa bintana. Umaga na nga dahil maliwanag na ang paligid. Hindi ko namalayang umaga na pala dahil sa kakaisip ko sa inamin ng binata sa akin. So, wala akong tulog buong gabi? Napapikit ako ng mariin.

“Ate‚ bakit hindi ka natulog ka-gabi?” naimulat ko ang aking mga mata at tumingin kay Tristan.

“Marami kasi akong inisip‚ Tristan. Hindi ko namalayang umaga na pala‚” sabi ko at iniwas sa kaniya ang paningin.

“Ano naman ang iniisip mo ate?”

“Basta. Hindi mo alam.”

“Gano’n ba‚ ate?”

“Hmm...”

“Sigi ate‚ labas na ako. Matulog ka muna.”

Tanggo lang ang itinugon ko kay Tristan. Muli kong ipinikit ang aking mata at humiga‚ ngunit kaagad rin akong dumilat. Dali-dali akong bumangon at tumakbo patungo sa banyo. Napatigil rin nang akma kong bubuksan ang pinto ng banyo dahil narinig ko ang boses ni Tristan.

“Ate‚ anong ginagawa mo?” tanong niya. Hindi pa pala siya nakalabas ng kwarto.

“Maliligo‚” sagot ko dahilan upang mangunot ang noo niya.

“Wala kang tulog ate at nakakasira ng mata ang pagligo mo dahil wala kang tulog.”

“Isang beses lang naman akong walang tulog Tristan eh.”

“Kahit na ate‚ nakakasira pa rin iyan.”

Bumuntong hininga ako at ngumiti sa kaniya‚ “Alright‚ Tristan. Maghihilamos nalang ako.”

“Ate‚ bawal rin ang mag—” hindi ko na narinig ang kaniyang sinabi dahil pumasok na ako sa banyo at isinirado ang pinto.

Bakit ba kasi hindi ako pinatulog ng mga salita ni Edmund? Ayan tuloy‚ wala akong ligo.

Habang nag-si-sipilyo sa harap ng salamin dito sa loob ng banyo‚ hindi ko maiwasang mamula dahil bumalik na naman sa aking isipan ang pag-amin ng binata sa akin kahapon. Sinampal ko pa ang aking pisngi gamit ang isang kamay habang may ngiti sa labi.

“Ate‚ ang tagal mo. Naligo ka ‘no?” bungad ko nang makalabas sa banyo. Nandito pa pala si Tristan‚ akala ko lumabas na.

“Hindi ako naligo‚ Tristan. Di’ba sabi mo bawal ‘yon?”

“Oo. Pero malay natin di’ba? Baka nga pina-dryer mo lang iyang buhok mo sa loob ng washing machine para sabihing hindi ka naligo.”

Napatawa ako sa sinabi ni Tristan at bahagyang umiling. Anong pina-dryer? Paano ko naman ilalagay ang buhok ko sa loob ng dryer sa washing machine? E‚ wala ngang washing machine sa loob ng banyo.

A Contract with a Billionaire (completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum