Chapter 08

170 5 0
                                    

“Di’ba siya ‘yon? Yong bago?”

“Oo.”

“Akala ko mabait‚ malandi pala.”

“Oo nga eh. Kay bago-bago tapos nilalandi pa si Sir.”

“Ang kapal rin ng mukha‚ sumakay pa sa kotse ni Sir.”

“Ganiyan talaga kapag malandi.”

Andito ako ngayon sa cafeteria‚ tahimik na kumakain ng lunch. Hindi ko maiwasang mapakinggan ang kanilang mga sinasabi dahil malapit lang sila sa akin. Alam kong ako ang pinag-u-usapan nila‚ halata naman. Pati rin dito sa kompanya ng binata may mga chismosa rin pala‚ akala ko sa kalye lang. Marami pa akong napakinggang masasakit na salita galing sa kanila para sa akin‚ ngunit hindi ko nalang sila pinansin. Tahimik na ipinagpatuloy ko ang pagkakain ko.

“Hey‚ bitch.” naiangat ko ang aking paningin ng may umupo sa harapan ko. Nakaangat ang isang kilay nito habang masama ang titig sa akin. Napatitig ako sa kaniya‚ para bang kilala ko siya. Oh—yeah‚ I remember her. Siya lang naman ‘yong babaeng tinanong ko kung nasaan ang opisina ni Edmund.

“Stay away from our Sir‚ Bitch.” diniin niya pa talaga ang salitang bitch habang nagsasalita siya. Nangunot ang noo ko‚ why she’s acting maldita to me?

“Why would I stay away from him? I am his secretary for you to know.” said me.

Mas lalong sumama ang templa ng mukha niya. Napansin ko lang‚ nasa amin na pala ang atensiyon ng mga tao na nandito sa cafeteria.

“Secretary ka lang naman‚ hindi asawa. If you really don’t want to stay away from him‚ perhaps you can re-sign.” ngumiti siya sa akin ng pagkatamis-tamis. Halata namang peke.

“Ayaw ko ngang lumayo sa kaniya tapos pa-re-resignin mo ako? Bobo ka ba?” napasinghap ang mga tao dahil sa sinabi ko. Mas nadagdagan lang ang sama nang mukha ng dalaga dahil sa sinabi ko.

“Malandi talaga. Lahat gagawin para hindi lang makaalis dito. What was your purpose for flirting him‚ bitch?”

“Stop calling me bitch‚ I am not you.”

Nagulat siya sa sinabi ko‚ ngunit kalaunan ay nawala rin. Tumawa siya‚ “For your information‚ I am not bitch. Kung sino man ang bitch sa ating dalawa‚ ikaw ‘yon. Atsaka‚ wala kang ebidensiya.”

“Wala ka rin namang ebidensiya na nilalandi ko si‚ Sir.”

Tumawa siya ng sarkastiko at pumunta sa harap ko‚ “Girl‚ I have a lot. Kahit nga ang mga tao dito ay may ebidensiya sa panglalandi mo kay Sir.  Atsaka‚ anong tawag mo do’n sa pagsakay mo sa kotse ni Sir? Sa pag-dikit mo sa kaniya? Hindi ba iyon panlalandi?”

Napailing ako sa sinabi ng dalaga. Gaano ba kaliit ang mga utak nila para masabi nila ito? Di’ba pwedeng sumakay lang ako sa binata dahil wala akong pera pang commute?

“Hindi.” napasinghap siya dahil sa sagot ko.

“Ang kapal talaga ng mukha! Ano ‘yon friend-friend lang gano’n?”  kunot noong tanong ng dalaga. Hindi ko na siya sinagot muli‚ nagpatuloy nalang ako sa pagkakain.

Naramdaman ko naman ang masamang titig ng dalaga sa akin. Napatayo ako dahil sa gulat nang kunin ng dalaga ang pagkain ko at itapon sa akin. Masama ko siyang tiningnan.

“Alam mo ba kung ano ang ayaw ko sa lahat? ‘Yong tatalikuran ako habang nagsasalita. Anyway‚ deserve.” natatawang sabi ng dalaga. Umingay na rin ang tao dito sa cafeteria‚ pinagtatawanan ako‚ habang ang iba naman ay may ibinulong sa kanilang katabi habang natatawa. Tiningnan ko siya ng masama kunit nagkibit balikat lang siya habang nakangiti.

A Contract with a Billionaire (completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora