CHAPTER 8

8 0 0
                                    

Nasa kalagitnaan na ko ng pag-aayos ng sarili ko, nang bigla kong ma-realize na hindi ko nakuha ang kailangan kong impormasyon tungkol sa crush ni Evelyn.

"Shocks! Ang tanga mo Nica!" Aniko sa sarili.

Binilisan ko ang pagbihis at agad na binuksan ang phone ko. Agad kong minessage si Luke sa messenger para tanungin ang buong pangalan ni Jasper.

Hindi ko naman kasi agad agad makikita yon sa Facebook dahil hindi kompleto ang pangalan.

Nasa kalagitnaan na ko ng pagtatype ng message ng biglang magring ang phone ko. Bahagya pa kong nagulat nang dahil sa pangalang nakalagay sa screen ko.

John Luke is Calling...

Kahit na natataranta at hindi ko alam ang gagawin ko ay pinilit kong sagutin ito. Chance ko na rin ito para malaman ang buong pangalan ni Jasper.

"Hello? Napatawag ka?" Aniko.

"Nakauwi ka na ba?" Tanong ni Luke na nasa kabilang linya.

"A-Ahh oo, nga pala may nakalimutan ako." Sagot ko rito.

"Ano yon?" Tanong nya.

"Ano bang name nung Jasper sa facebook?" Nahihiyang tanong ko. "Nakalimutan ko kasing itanong kanina." Dugtong ko pa.

"Jasper Salazar, yon yung name niya sa fb." Aniya.

"Ahh ganon, sige thank you!" Aniko at mabilis na pinatay ang call.

'Bastos mo talaga Nica!'

Hindi na ko nagpatumpik-tumpik pa, agad kong hinanap ang account nung Jasper, para ma-add at makausap na ito.

Para na rin mailakad ko na sa kanya yung kaibigan kong si Evelyn. Nagsasawa na kasi ako sa pangungulit niya kaya gusto ko ng matapos ito.

Hindi naman na ako nahirapan sa paghahanap dahil mabilis ko lang itong nakita.

In-obserbahan ko pa ito ng ilang minuto bago ko pinindot ang add friend na button.

"Pogi nga siya." Inosenteng aniko habang tinitignan ang mga pictures na pinost nito.

"Sinong pogi?" Ani ng kung sino.

Nagulat ako ng makita si Kuya na nakatayo sa may pintuan ko, titig na titig ito sa'kin habang hinihintay ang sagot ko.

"Kuya! Anong ginagawa mo dito?!" Inis na aniko.

"Sino yung sinasabi mong pogi?" Tanong niya ulit.

"A-Ano..." Alanganing aniko.

"Anica? May nagugustuhan ka na ba?" Tanong ni Kuya na nakapagpakaba sa'kin.

'Meron.'

"Wala!" Sagot ko.

"Oh sino yung poging tinutukoy mo?!" Tanong niya ulit.

"Crush yon ni Evelyn! Bakit ba tanong ka ng tanong?!" Inis na aniko.

"Because I'm curious. Ngayon lang kita narinig na nagsabing pogi." Paliwanag niya.

Natameme naman ako ng dahil sa sinabi niya, nakatitig lang ako sa kanya at tinitignan ko ang bawat reaksyon ng mukha niya, para malaman kung seryoso ba ito o sadyang pinagtitripan lang ako.

Sa huli ay napansin kong seryoso nga siya sa sinabi niya, kaya naman doon pumasok sa isip ko na hindi pa nga talaga ako nagcocompliment sa kahit na sino. Maliban na lang sa pamilya ko.

"Don't worry Kuya, hindi ko naman jowa yon. Talagang crush yon ni Evelyn, tinutulungan ko lang siyang mapalapit sa crush niya." Paliwanag ko.

"Mabuti naman kung ganon, pero paano kung sa ginagawa mong pagtulong dyan sa kaibigan mo, eh sa'yo magkagusto yan?" Tanong nya na nakapagpatigil sa'kin.

'Pareho kayo ni Evelyn ng sinabi!'

"Hindi naman sa kanya ang focus ko, para to kay Evelyn. Isa pa wala naman akong gusto sa lalaking to." Sagot ko naman.

Hindi ko na alam kung tama ba ang mga sinabi ko, basta ang gusto ko lang ay matapos na ang pag-uusap namin ni Kuya dahil hindi na ko komportable sa mga tanong niya.

Nagdadalawang isip na tuloy ako, kung itutuloy ko pa ba ang pagtulong kay Evelyn. Maski kasi ako ay naiisip din ang mga sinabi nila, may posibilidad nga na sa'kin magkagusto si Jasper, pero sa tingin ko naman ay hindi iyon mangyayari.

"Oh siya, matulog ka na." Ani Kuya saka lumabas ng kwarto ko.

Doon lang ako nakahinga ng maluwag.

Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay nandito pa rin siya, ang sabi niya uuwi din siya sa bahay ng girlfriend niya para suyuin ito.

Muli kong sinilip ang phone ko, gulat naman ako nang makitang may notification. Agad kong tinignan iyon at nakitang in-accept na ko ni Jasper.

'Bilis ahh, hindi kagaya ni Luke!'

Agad akong nagtipa ng mensahe para magawa ko na ang pakay ko.

"Hi po!"
Sent.

'Ahmm...hello ma'am?'
Received.

"Kuya, pwedeng magtanong?"
Sent.

'Sure po, why not.'
Received.

"May jowa ka na daw po ba?"
"Pinapatanong kasi ng kaibigan ko."
Sent.

'Ahmm wala po hahaha'
'Teka, sino ba yan? Kilala ko ba yung kaibigan mo?'
Received.

"Wait, i'll chat her na lang po."
"Her name is Evelyn Ortiz, accept mo na lang if ever na i-add ka niya."
Sent!

'Ohh.. siya yung nagfollow sa'kin ngayon lang haha.'
Received.

"Oh ayan, usap na kayo. Crush ka niyan eh."
Sent.

'Pano? Nakita niya na ba ko before?'
Received.

"Yes. Sa FC club, anyways gotta go matutulog na ko."
Sent.

Hindi ko na hinintay pa lang reply niya, chinat ko na lang si Evelyn na i-chat niya na yung crush niya saka ko pinatay ang phone ko at natulog na.

Hindi na rin kasi talaga kaya ng mata ko na labanan ang antok ko kaya matutulog na lang ako.

Hindi naman kasi kami nag-uusap ng crush ko kaya wala na kong ibang pwedeng gawin kundi ang matulog na lang.

Medyo late na rin kasi, saka nakakapagod ang araw na ito dahil wala akong ibang ginawa kundi ang tulungan na mahanap at malaman ang pangalan ng letseng crush ni Evelyn.

'Tragisang lovelife yan mas nauna pang umusad kaysa sa lovelife ko!'

Bago ako tuluyang makatulog ay nagpaulit ulit sa isipan ko ang sinabi ni Evelyn at ni Kuya. Natatakot ako kung sakali mang mangyari ang bagay na iyon.

Ayokong magkaroon ng lamat o problema ang pagkakaibigan namin ni Evelyn nang dahil lang sa lalaki.

Kahit kailan man ay hindi ko nagustuhan ang mga lalaking natitipuhan niya, bukod kasi sa hindi naman ganon ka-pogi yung mga nagugustuhan niya eh hindi din maayos ang mga ulit nito.

Pero ang isang to ay parang kakaiba naman, which is para sa'kin goods naman siya pero hindi ibig sabihin non eh gusto ko siya or type.

Hindi ko na namalayan kung ilang oras ang inabot ko sa pagmumuni muni bago ako tuluyang nilamon ng antok.


To be continue...

UNCHOSEN LOVE Where stories live. Discover now