CHAPTER 4

21 1 1
                                    

"Hi, I'm Fiona Romero, and you're Anica Hope right?" Ani ng kaklase kong nagngangalang Fiona.

"Hi." Tipid na sagot ko.

"Anica Hope....Hope ba talaga apelyedo mo?" Nakangiting tanong nya.

"Nope hehe, Lewis. Lewis yung surname ko." Sagot ko.

"Oh, Anica Hope Lewis! Nice name." Namamanghang aniya.

'Ano ba naman to, apaka ignorante!'

Pilit akong ngumiti sa kanya, tahimik lang ako habang hinihintay na dumating si Fern.

"Hi, ako naman si Fern." Biglang singit ni Fern.

Hindi na sila natapos pang mag usap, wala namang akong nagawa kundi ang makinig lang sa pinag-uusapan nila.

"Nica!" Tawag sakin ni Fern.

"Bakit?" Tanong ko.

"Nakapagdesisyon na ko." Aniya na ipinagtaka ko.

"Huh? Nakapagdesisyon saan?" Naguguluhang tanong ko.

"Lilipat ako ng strand." Aniya.

"A-Ano?! Iiwan mo ko dito?!" Inis na aniko.

"Eh kasi....hindi ko talaga keri dito sa Stem! Hindi naman ako katulad mo na matalino!" Malungkot na aniya.

"Kaya mo naman eh! Wala ka lang talagang tiwala sa sarili mo! Ano aalis ka? Iiwan mo ko dito? Alam mo namang wala akong ibang kaibigan dito maliban sa'yo!" Naiinis na talagang aniko.

Tanging buntong hininga lang ang isinasagot nya sa'kin, alam ko din naman na buo na yung desisyon nya kaya wala na kong magagawa pa don.

"Sige na, lumipat ka na kung gusto mo!" Mahinang aniko.

"Talaga?! Thank you!!" Masayang aniya.

Ilang linggo na ang lumipas simula ng umalis si Fern sa Stem, lumipat sya ng gas at natutuwa naman akong makita na ayos siya sa nilipatan nyang strand.

Unti unti na din akong nagiging kampante sa room dahil nagkaroon na din ako ng mga kaibigan.

Lagi kong nakakasama sila Fiona, Cassy, Evelyn at Bridgette. Sila ang nakakasama ko rito sa room. Masasabi kong kaibigan ko dito sa room.

Hindi naging madali para sakin ang mag adjust, hindi kasi ako mahilig mag entertain ng mga tao dahil sobrang nahihiya ako.

Masasabi ko namang medyo nakakapag adjust na ko sa environment na meron kami sa room, maayos naman ang pakikisama ng mga kaklase ko.

Bihira na lang kaming magkasabay ni Fern dahil tulad ko, may mga bago na din syang kaibigan. Malungkot man pero wala naman akong magagawa dahil alam ko naman na hindi habang buhay ay kami lang ang magkaibigan.

"Hoy Nica! Tara na, gala na tayo." Ani Cassy na nakapagbalik sakin sa ulirat.

"H-Huh? San tayo pupunta?" Takang tanong ko.

"Gagala, kasi wala namang klase." Ani naman Bridgette.

"Saan nga?" Tanong ko ulit.

"Sa milktea shop, don sa crush ni Evelyn." Ani Cassy.

Dumaloy ang kaba sa dibdib ko, hindi ko alam kung bakit ganon na lang palagi ang nararamdaman ko sa tuwing malalaman kong doon ang punta namin.

Nitong mga nakaraang araw kasi ay napapadalas na ang pagpunta namin don dahil naging crush ng isa naming kaibigan na si Evelyn yung isang crew don.

Maliit lang iyon na lalaki, matangos ang ilong, maputi at approachable. Hindi gaya ng crush ko na daig pa pinagsakluban ng langit at lupa sa sobrang seryoso.

Hindi ko close yung crush ni Evelyn dahil hindi ko naman iyon kilala, sa mukha ko lang sya kilala dahil madalas ko nga syang makita sa shop.

Hinila ako ni Cassy dahil napakatagal ko daw magdesisyon, wala naman akong nagawa kundi ang magpatianod na lang.

Nang makarating kami sa shop ay agad kaming pumasok sa loob, nagkantahan, at kung ano ano pa ang ginawa namin sa loob.

Nakakailang kanta na sila ng maisipan kong lumabas, wala naman yung crush ko kaya kampante ako na lumabas labas.

Naupo ako sa isa sa mga upuan don sa tabi lang ng pinto kung saan ako lumabas, ilang saglit akong napatulala dahil sa pag iisip kung paano ko matutulungan si Evelyn sa crush nya.

Bumalik ako sa ulirat ng marinig ko ang crush ni Evelyn na magsalita.

"Ang aga mo ah, kanina pa kita hinihintay." Ani ng crush ni Evelyn.

"Tinanghali ako ng gising pasensya na." Sagot naman ng kausap nya.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon, akala ko hindi ko maririnig iyon ngayon pero mukhang nagkamali ako.

"Sino yung mga nandyan sa FC Club?" Tanong ng crush ko.

"Ahh...mga estudyante sa Crawford." Sagot naman ng crush ni Evelyn.

Hindi ko na narinig pang sumagot yung crush ko, hindi pa rin nawawala ang bilis ng tibok ng puso ko. Wala sa oras na nagdesisyon akong pumasok na lang ulit sa loob.

"Hoy! San ka nanggaling?" Tanong sakin ni Cassy ng makapasok ako.

"Dyan lang sa labas." Sagot ko.

"Ano namang ginawa mo sa labas?" Tanong naman ni Fiona.

"Nagpahangin." Tipid na sagot ko.

Isa isa ko silang tinignan ng hindi ko sila narinig na sumagot, kita ko naman sa mga itsura nila na hindi sila naniniwala sa sinasabi ko.

"Oh sya, maghanap ka na ng kanta kasi ikaw na lang yung hindi nakakakanta." Ani Cassy.

Umiling iling na lang ako sa naupo sa dati kong pwesto. Kinuha ko na lang yung song book at nagsimulang maghanap ng pwedeng kantahin.

Wala naman akong ibang maisip kaya yung kanta na lang ni Juris yung pinili ko. Nagsimula ang tugtog kaya nagsimula na rin akong kumanta.

Naghiyawan naman silang lahat dahilan para magtayuan ang balahibo ko. Nang matapos ako sa pagkanta ay lumabas ako para magcr.

Agad naman akong nakapasok sa Cr, ginawa ko na yung dapat kong gawin saka ako naglakad pabalik ulit sa loob.

Papasok pa lang sana ako sa loob ng biglang may magsalita sa likod ko dahilan para kumabog ng malakas ang dibdib ko.

"Hi." Ani ng tao sa likod ko.

Dahan dahan naman akong humarap para tignan kung sino iyon, sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Para iyong nagwawala sa sobrang bilis.

"A-Ahh... Hi?!" Aniko, pilit pinapakalma ang sarili.

'Nandito na siya, nasa harap ko na siya.'

"May itatanong lang sana ako." Nakangiting aniya.

Bigla akong nakaramdam ng panghihina, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pakiramdam ko anumang oras ay babagsak ako dahil sa mga ngiti nya.

'Kuya, wag kang ngumiti please!'

"A-Ano yon?" Utal na tanong ko.

"Sino yung kumanta kanina?" Tanong nya na ipinagtaka ko.

"Huh?" Tanong ko.

"Ano kasi, bago ka lumabas may kumanta kanina. Gusto ko sanang malaman kung sino yon." Paliwanag nya.

"A-Ahh...a-ako yon." Nahihiyang sagot ko.

"I-Ikaw yon?" Utal na aniya, tumango naman ako. "No wonder, kung bakit sila naghihiyawan sa loob." Aniya. "Ang galing mo! Una na ko may trabaho pa ko." Aniya sabay lakad palayo sakin.

To be continue....

UNCHOSEN LOVE Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu