♥️Chapter 29♥️

Start from the beginning
                                    

"Napakatapang mo pa rin kahit buntis ka" at ngumisi ito

"Gag* ka at baliw" sigaw ko

Naramdaman kung may malamig na bagay ang nakatutok sa may bandang tiyan ko, agad akong nanigas ng makitang baril iyon na hawak hawak ni Miguel

"Huwag" saad ko habang nangingilid ang luha

"Sundin mo ako kung ayaw mong mawala ang anak niyo ni Andrew" saad niya

"Huwag mong isali ang dinadala ko" nanginginig kung saad

"Basta sundin mo ang gusto ko at huwag kang tatakas, wala tayong magiging problema Danica" siya na ikinatango ko

Binitawan ako ng mga tao niya at kusa na akong naglakad pabalik sa taas hanggang sa marating ko ulit ang kwarto

"Sit down" utos niya at naupo ako sa tabi niya

Hinila niya ako ng kunte palapit sa kaniya at hinalikan niya ang balikat ko, napakuyom ako ng kamao habang pinipigilan ang umiyak. Gumapang ang halik niya papunta sa leeg ko ngunit ng hahalikan niya na ako sa labi ay may kumatok sa pinto

"Bwesit" galit niyang sambit

"Sir Miguel kailangan po kitang makausap, ngayon mismo" saad ng nasa pinto

Tumayo na nga siya at binuksan ang pinto, may kung anong ibinulong ang tao niya na ikinasama ng awra niya

"Okay, bantayan mo siya siguraduhin mong hindi siya makakatakas" Miguel

"Opo" sagot ng tao niya

Lumabas na nga si Miguel at naiwan ang tao niya para bantayan daw ako, may naisip akong plano

"Ahhh aray" ako at napahawak kunwari sa tiyan

"Maam okay lang po ba kayo?" at lumapit ito sa akin

"Ang sakit ng tiyan ko, aray" pag dadrama ko

"Teka lang po maam" saad niya at tumalikod

Papalabas na siya ng pinto nang damputin ko ang flower vase na nasa mini table at hinampas ko sa ulo niya kaya bumagsak ito at nawalan ng malay

"This is my chance" at kinuha ko ang susi na nahulog

Habang binubuksan ko ang pinto ay nakarinig ako ng sunod sunod na putok kaya agad akong naalarma at dali daling binuksan ang pinto pero pag labas ko ay si Miguel ang bumungad sakin, may hawak itong baril at agad na hinatak ang braso ko

"Bitawan mo ako" ako na pilit na nagpupumiglas sa kaniya

"Sumugod siya dito at hindi ako papayag na makuha ka niya sa akin" galit na galit niyang saad

"Sino naman kaya ang tinutukoy niya, baka sila kuya at si Leonel" saad ng isip ko

Hawak niya lang ang braso ko para hindi ako maka alis, pababa kami ngayon sa hagdan hawak hawak ko ang tiyan para proteksiyonan

"Hello, prepare the chopper aalis kami ngayon dito" si Miguel na may kausap sa cellphone tsaka ito binaba

"Ano ba bitawan mo nga ako eh" ako na nagpupumiglas pa rin

"Tumigil ka" sigaw niya

May bumaril sa pwesto namin kaya nabitawan niya ako at agad akong nagtago sa poste

"Find her" utos niya sa mga tao niya

Tumakbo na ako para hindi ako maabutan ng mga tao niya, rinig ko ang palitan ng mga putok

"Maam" saad ng mga tao ni Miguel

Hindi na ako nagdalawang isip at lumundag ako papunta sa baba at maganda naman ang pagbagsak ko

That Dangerous Girl Is MineWhere stories live. Discover now