Chapter Fourteen

35 2 0
                                    

"Sylveria! Nasaan ang kapatid ko?"

Lahat kami ay tumingin sa humahangos na lalaki ng bigla na lang pumasok sa loob ng classroom namin. Yung prof naman namin e agad na kumunot yung noo.

"Anong ginagawa mo dito Mr. Samier? Dapat nasa classroom ka ngayon at nagka-klase?" tanong nung prof namin pero walang pake si Samier at nilapitan yung natutulog na si Damien.

Bahagya niyang sinipa yung lamesa ni Damien na ikinailing lang naming lahat. Yare siya dyan.

"You shouldn't do that." paalala ni Axel pero parang walang narinig si Samier. Nagkatinginan na lang kami ni Rashid at nagkibit-balikat siya.

Maya-maya pa ay naisandal na siya sa pinakamalapit na pader ni Damien. Mukhang masama ang gising nito, sino ba namang hindi?

"Bitiwan mo ko Sylveria at ilabas mo ang kapatid ko!?" inis na singhal ni Samier at masama ang pagkakatingin kay Damien.

Kapatid? May kapatid siya? Pero ang sabi sa background check—

"Wala akong alam sa sinasabi mo Samier. Hindi ko hawak ang kapatid mo." sagot ni Damien. Mukhang hindi naman naniniwala si Samier. Napatayo kami ng hatakin niya si Damien at kwelyuhan.

"Huwag mo na akong lokohin pa Sylveria, alam kong alam mo kung nasaan ngayon ang kapatid ko. Ilabas mo na siya!"

Nilingon kami ni Damien at sinenyasan. Lumapit ako kay Samier at tinapik ang balikat niya. "Kumalma ka muna Ashley Samier, we didn't know what you're talking about."

Binitawan niya si Damien bago naiinis na lumabas ng classroom namin. Agad na nilapitan ako ni Damien. "Find his brother, mukhang may nangyari kaya ganyan ang inaasal niya."

Tumango naman ako at lumabas na din ng classroom. Habang pababa ako nakita kong dumaan si Eres, may dala siyang mga plastics na hindi ko alam kung ano ang laman non. Out of curiosity ay sinundan ko siya. Nakarating ako sa isang classroom na bakante, sumilip ako at nakita ko silang tatlo na nag-uusap— si Eres, Kael at Vein.

"Nabili mo na ba lahat ng pinabibili ni Hade?" tanong nung Vein kay Eres habang kinakalkal yung plastic bag na dala ni Eres kanina. Para saan ba 'yon?

"Oo, nandyan na lahat ng bilin ni Hade. Ayos lang ba sila?" tanong ni Eres kay Kael na nakatutok sa phone niya mukhang may kausap.

Tumango naman si Kael. "Yeah. Hindi pa din daw gising yung lalaki e. Mukhang mataas ng dose ng sedative yung itinurok sa kanya."

Sedative? Lalaki? Walang malay?

"Anong ginagawa mo dyan?"

Napaigtad ako ng may magsalita sa likuran ko. Fuck, it was Rashid. Sinenyasan ko siya na huwag maingay pero walang-hiya at talaga binuksan niya pa ang pinto ng classroom.

"Oh? Hi Kael!" bungad niya kila Kael na ikinakunot naman ng noo nila.

"Kilala ba kita?" tanong ni Kael. Umakto namang nasasaktan si Rashid. "It hurts me Kael, kami lang naman ang nag-sav—" tinakpan ko na ang bibig ni Rashid at ngumiti sa kanila.

"Don't mind what he said just now. Hindi pa siya nakakainom ng gamot. Pasensya na sige, aalis na kami, bye-bye." Hinila ko na palabas si Rashid.

KUMUNOT ang noo ko pagkalabas nung dalawang weirdong lalaki. "Kilala niyo ba sila?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Miyembro sila ng ng Ruthless Four, hindi mo ba namumukhaan?" tanong ni Vein sakin na ikinailing ko lang.

"Yung unang lalaking pumasok, he is Rashid Cortez the playboy maniac. The second one was Carlisle Oxen, the goodboy player." pagpapaliwanag sa akin ni Vein sa mga 'yon.

"Pero di ba sabi mo 'Ruthless Four?' eh sino pa yung dalawa?" tanong ko pa, sa tagal ko dito hindi ko pa din talaga sila kilala. Oo, nakikita ko sila specially yung mukhang leader ata nila pero I don't know anything about them.

"There's Axel Chua, the arrogant looking guy and there's their leader Damien Sylveria, the ruthless one who loves to play hunting games." pagpapatuloy ni Vein napansin ko din ang pagtingin niya kay Eres. "Also there's this rumor still circulating around that-" Vein stop for a while and look at Eres. "Damien and Eres are engaged."

Eres stopped and look at Vein. "So, it was still circulating around huh?" bahagyang natawa si Eres, he sighed before looking at the both of us. "It wasn't true, yeah we're been engaged for a while but it's already cancelled because I-" he stop talking and nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya. "I-It's just that, it wasn't real at all by now." bulong niya.

Doon na ko sumingit dahil matagal ko an din 'tong napansin kay Eres. "Eres have you been marked?"

I saw how his eyes widen in shock while looking at me. Maging si Vein ay nagulat din. "What are you talking about Kael?" naguguluhang tanong ni Vein sakin. So hindi niya pansin?

"When we first met, remember that we encounter a gang with an alpha he releases some pheromones pero walang naging effect yon kay Eres. Lahat tayong apat ay omega, right?" tanong ko sa kanila. Vein nodded and looked at me. "Naglabas ng pheromones yung alpha pero walang effect yon kay Eres pero sa'tin ay meron. Omegas who's been marked won't be affected on any pheromones around them but only be affected on the own pheromones of their own mate, so that's when I realized that maybe Eres is." paliwanag ko sa kanila.

Yumuko naman si Eres at bumuntong-hininga hininga. "I guess I can't hide it anymore." he smiled wryly.

"Yes. I'm already marked by someone."



PS1: A Sylveria's GameWhere stories live. Discover now