Count Four

45 6 0
                                    

Count Four

Nagkatinginan kaming tatlo. Umayos ng upo si Rashid ganun din ang ginawa ni Carlisle.

"Anong meron sa lalaking yon Damien? " tanong ni Carlisle na nakataas pa ang mga kilay.

Lahat kami ay nag-abang ng sagot pero wala kaming nakuha. Magtatanong pa sana si Carlisle ng dumating na ang prof namin.

Changes are coming huh?

----

Kael's POV

Padabog kong ibinaba ang mga gamit ko ng marating ko na ang dorm room ko. Naiinis akong umupo sa sofa.

"Hays. Nakakainis talaga siya! Akala niya kung sino siya! "naiinis akong nagpapapadyak sa sahig.

Sana hindi ko na makita yung pagmumukhang yon. Hindi ko na alam kung mapipigilan ko pang sumagot sagot sa kanya.

Nilingon ko ang buong kwarto. Malaki naman ito at maayos. Dark and Gray ang theme ng kwarto. May mga wooden furnitures at may magandang mga paintings na nakasabit sa pader.

Okay na din ang ganto.

Napatingin ako sa isang pinto. Mukhang ayon ang kwarto ko. Pagpasok ko doon ay mas lalo akong namangha sa ganda. Ang laki ng kama, queen size ata 'to. May table sa di kalayuan dito. Sa kabilang gilid ng kama ang napakalaking terrace na nahaharangan ng glass doors.

"Woah? Damn. Malayong-malayo 'to sa pictures na nakita ko. " ani ko bago tumakbo sa kama at pabagsak na nahiga.

Nakakapagod. Im gonna sleep for a bit, I guess.

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may mga nag-uusap sa paligid ko.

Nag-uusap?

Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko sina Eres na nakaupo sa sahig at tinitklop ang mga- teka damit ko ba yan?

Tumingin sa direksyon ko si Vein na nakasandal sa pader at nagbabasa ng libro. "Afternoon. "

Tumango ako at bahagyang yumuko.

"Naku Kael! Pasensya na pumasok kami ng di nagpapaalam. Bukas kasi ang pinto tapos walang sumasagot kaya pumasok na lang kami. " ani Hade na patuloy pa ring nagtitiklop.

"Gusto mo na bang kumain Kael? Ipinagluto tayo ni Vein ng hapunan. " ani Eres na nakatingin sa akin.

Napatigil ako. "A-Ah sige t-tara. "ani ko bago bahagyang tumawa.

Medyo awkward pa din akong kasama sila. Kakakilala lang namin at hindi ko pa sila lubusang kilala but they act like they know me very well. I think I should do the same.

"Ano palang course mo? " tanong ni Hade sa akin.

"Im in Business Management. Kayo ba? "

Nagsalin ng juice sa baso si Vein. "Same tayo. Itong dalawa sa Medical course. "

Napatango-tango ako. Ipinagpatuloy ko ang pagkain ko. Nagkwentuhan pa kami at tawanan. Ng gabi na ay nagpaalam sila na babalik na sa mga dorm room nila.

Umupo ako sa sofa na nasa sala at tumulala. Iniisip ko pa din yung lalaking tumulong sa akin kanina. Even though he helped us, still i don't like his attitude.

"Bakit ba pati siya pinoproblema ko? Nakakainis naman. " napasimangot ako at humiga na lang sa sofa. I feel tired.


Naglilibot ako ngayon. Since bukas pa naman ang start ng class ay free kaming gawin ang mga gusto namin. Nandito ako ngayon sa may garden ng school. May greenhouse din dito, ang daming magagandang bulaklak at mga puno.

Lumapit ako sa isang puno at naupo sa ilalim noon. Binuksan ko ang librong hawak ko at magsimulang nagbasa. Nasa ganoong posisyon ako ng may kung sinong humablot ng hawak kong libro.

"Akin na ya- ikaw?! "naiinis kong sinubukang kuhanin ang libro ko sa pagkakahawak niya pero masyado siyang matangkad.

"What kind of book is this? Erotic novel? "aniya habang tinitingnan ang libro ko.

Kumunot ang noo ko. "Akin na sabi yan! Pwede ba? "

He look at me. "Na-ah! Not until you say thank you. "

Mas lalo pang kumunot ang noo ko. Siraulo ba siya? "At para saan naman? "

Naglakad ito papalapit sa akin. Napaatras pa ako ng ilapit niya bigla ang mukha niya sa akin. He smirked. "Kahapon lang nangyari yon nakalimutan mo agad? "

Pagak akong tumawa. Sinamaan ko siya ng tingin. "Baka nakakalimutan mo, I was thanking you ng bigla mo akong- "

Nanlaki ang mga mata ko ng sa isang iglap ay nakahiga na ako sa damuhan at nasa ibabaw ko siya. "Enough with the excuse just say thank you. "

Ang kapal talaga ng mukha niya. Sarcastic akong ngumiti. "Ayoko nga. "

Aalis na sana ako ng ibalik niya ako sa pagkakahiga. He glared at me. "Ayaw mo? "

Inirapan ko siya. "Bingi ka ba? "

Tinitigan lang ako nito. Nakipagsabayan ako ng titig sa kanya. He sighed before he hold my cheeks in a gentle way.

"I want to play a game and I want to play it with you. " he looked into my eyes. Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko at bumulong. "Once the game starts there's no turning back. "

Sinamaan ko siya ng tingin. "Sinong nagsabing makikipaglaro ako sayo? "

Ngumisi siya. "You've caught my attention. You should feel honor that a Sylveria like me wants to play with you. "

"Siraulo ka pal- "

He suddenly kiss me. Nanlaki ang mga mata ko at hindi magawang makapagsalita. Nakita ko pa ang mapang-asar niyang ngisi bago siya tumayo at umalis. Dala pa niya ang libro ko pero wala akong panahon na habulin pa iyon dahil sa gulat ko.

H-He's crazy. That guy is insane.

PS1: A Sylveria's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon