PROLOGUE & Chapter 1

14 2 0
                                        

Sa high school life nabubuo ang ilan sa mga pinaka-masasayang memories at experiences ng kabataan-like first love, first heartbreak, and unforgettable moments with friends. Pero kasama ng good memories na ito, may mga bad memories din. Yung tipong kahit gusto mo nang kalimutan, hindi mo basta-basta mabubura.

This story will take you on a rollercoaster of emotions-iba't ibang characters, iba't ibang kwento, at kani-kaniyang hugot sa buhay. All they want is to enjoy their high school life, pero sa kabila ng struggles na haharapin nila, they choose to fight and keep moving forward.

Dahil sa buhay, it's either NOW or NEVER.

Let us all witness the journey of Emma and her friends-their laughter, struggles, heartbreaks, and the choices that will shape who they become.

DISCLAIMER:

This story is a work of fiction. Any resemblance to real people, events, or places is purely coincidental. The author does not claim any rights to real-life events or characters depicted in this story.

All rights to this story and its content are reserved to the author. Unauthorized copying, distribution, or reproduction of this work is prohibited.

[The images used in this story are not owned by me; all credit is attributed to the rightful owners. Thank you! Enjoy reading!]

-----------------------------------------------------------

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-----------------------------------------------------------

Maingay at puno ng tawanan ang umaalingaw-ngaw sa buong paligid ng amusement park, maraming mga bata, magjowa, at pamipamilyang sumasakay sa mga rides at inaaaliw ang sarili sa ibang mga activities doon. Subalit, ang isa sa nakakuha ng interest sa isang binata ay ang isang batang babae na tila kanina pa nakatingin sa umaandar na ferris wheel, walang kasama ang bata at bakas din sa mukha ang lungkot nito sa mga mata.

"Bata?" - ang malumanay na pagtawag niya sa bata na agad namang humarap sa kanya.

"Hmm?" Ang tanging tungon nito habang nakatitig sa kanya.

"Gusto mong sumakay d'yan no?" tanong niya, subalit wala pa ring kibo ang bata. "Ahhh, ammm..."sabay ngisi. "A-ano, huwag kang mag-alala hindi ako masamang tao." Dugtong niya at napatango naman ang bata. "Am, ano? Gusto mong sumakay d'yan?" Sabay turo sa ferris wheel at napatango naman ang bata. "Okay! Sandali, nasaan pala ang mga magulang mo? Kasama mo ba sila na nagpunta dito?"

"Wala po, ako lang po mag-isa.Ayaw kasi nila akong payagan na sumakay diyan eh. Kaya...ako na lang mag-isa nagpunta dito." Ang cute na pagkakasabi ng bata at napangisi naman siya.

"Eh, paano kung mapagalitan ka nila kasi hindi ka nagpaalam?"

Bago tumingin ang bata ay pumamewang muna ito at sumimangot, "Kaya nga hindi ako nagpaalam kasi hindi ako papayagan." Nagulat naman siya sa naging reaction ng bata sa tanong niya sabay ngisi ulit.

NOW or NEVERWhere stories live. Discover now