Wews... May pa gloves pa habang hawak hawak yun.

"Here ma'am. It's made of--" Pinutol ko ang sasabihin niya at agad na nilabas ang card ko.

"I'll buy it." Natawa na kang ako ng natutula lang siya habang inaabot yung card ko.

Sorry akin... Nagmamadali ako. I'm craving for my love's cuddles.

Napangiti naman ako ng mabili ko na yung necklace. Lumabas na ako ng store at naglibot na ulit. Tiningnan ko naman yung resibo kung magkano ba yung necklace.

Hindi ko natanong eh HAHAHAHAHA

Natawa naman ako ng makita ko na 2.5 Million dollars yun. Hmmmm... it's good on my Ally's so I don't really care about the price.

Kuripot ako pero pagdating sa kaniya, I can spend any amount of money basta alam kong sasaya siya.

Palinga-linga ako habang naglalakad kase naghahanap ako ng flower shop if ever na meron dito.

Sana meron...

Napangiti ako ng may nakita ako na flower shop kaya pumasok ako at tiningnan ang mga flowers.

"Magandang hapon, apo. Anong bulaklak ang sa iyo?" Napangiti naman ako ng isang lola pala ang nagbebenta ng mga flowers dito.

Nagmano ako sa kaniya kaya napangiti siya sa akin. I really have a soft spot when it comes to elderly people.

"Sunflowers with roses bouquet po." Nakangiti kong sagot na tinugunan din ni lola.

Ally really loves sunflowers kaya bibigyan ko rin siya nun ngayon. She's not really a materialistic person. Okay na siya sa kahit ano na meron siya at natatanggap niya.

But here I am, spoiling my baby.

"Sige apo. Maglibot ka muna diyan, gagawin ko lang ang iyo."

"Sige po, salamat po." Ngumiti naman ako saka nagbow ng kaunti.

Habang nag-iintay ay naglibot ako sa loob. Ang gaganda nung flowers, gusto ko nga bilhin lahat eh, kaso hindi ko naman maalagaan din kase busy kami parehas ni Ally.

Maya-maya ay lumapit ulit sa akin si lola dala-dala yung bouquet. Nagningning yung mata ko nung makita ko ito. Ghad ang ganda nung flowers.

"Swerte ng pagbibigyan mo nyan apo." Napangiti naman ako ng malaki habang inaabot niya sa akin yung bouquet.

"Mas swerte po ako." Napailing na lang si lola habang nakangiti sa akin.

"Oh siya, may discount na yan kase mabait ka." Napailing naman ako agad ng bigla niya iyong sinabi.

Hala nakakahiya... Nag-effort pa naman siya na ayusin yung bouquet.

"Nako huwag na po. Ito po, tanggapin niyo. Thank you po ng marami." Nagbow ako habang binibigay sa kaniya yung pera.

"Masyadong malaki ito apo." Umiling lang ako habang inaabot niya sa akin pabalik yung sobra.

"Tanggapin niyo na po. Thank you po talaga ng marami."

"Nako kang bata ka. Ang kulit mo." Natawa na lang ako dahil halatang ayaw talaga tanggapin ni lola yung pera.

"Sige po una na po ako." Nagbow ako saka nagmano ulit kay lola.

"Mag-iingat." Nakangiti niyang sabi kaya ginantihan ko rin.

"Opo." Ngumiti ako saka kumaway kay lola habang naglalakad palabas.

Because Of YouWo Geschichten leben. Entdecke jetzt